“Sir jacob, sir jacob" habol hiningang lumapit sakin si ate tin".
“bakit ate tin?” tanong ko sakanya at sabay na humigop ng kape sa tasa, kasalukuyan akong nag aagahan dahil panibagong araw na naman ngayon.
“wala po kasi si–” she suddenly paused.
“si?” Patanong na dugtong ko.
“wala po kasi si Miss ricca sa kwarto niya galing ako don” nag-aalalang sambit nito.
“baka nasa loob ng banyo” sagot ko sakanya.
“wala din sir nilibot kona ang buong kwarto niya ” naiiling na sagot nito‚ saan naman kaya pumunta ang babae na yon sa ganito kaaga.
“sir baka po naglaya–”
Hindi kona siya pinatapos pang mag salita dahil mabilis na akong tumayo at iniwan siya.
Mabilis ang ginawa kong pag hakbang palabas ng bahay ayaw ko man na isipin na baka nga talaga nag layas siya dahil sa tampo sakin bilin na bilin pa naman ni Tito na hindi ko siya pababayaan.
Nang maka labas ako ay sumakay ako sa motor ko‚ lilibutin ko muna ang buong farm bago ako lumabas nang compound.
Una akong pumunta sa vegetable farm.
“magandang umaga po sir jacob” masayang bati sakin ni mang Berto ng makababa ako sa motor.
“magandang umaga rin po” pabalik na pag bati ko sakanya.
“ah mang berto pumunta ba dito si ricca?” deritsong tanong ko sakanya.
“Si Miss ricca po? hindi sir‚ hindi siya nagawi dito bakit po?” sagot at tanong nito.
“akala ko po kasi pumunta siya dito salamat mang berto alis na po ako ” paalam ko sa kanya at kaagad na umangkas sa motor‚ Saan kaya siya pumunta? O baka naman nasa fruit garden siya‚ Pinaandar kona ang motor ko patungo sa fruit garden.
kahit sa fruit garden ay wala din siya‚ hinanap ko siya sa buong fruit garden pero wala akong makitang ricca. Nagsisimula na rin akong kabahan dahil paano kung umuwi siyang mag isa sa manila?‚ paano kung may mangyaring masama sakanya? dahil isa siyang wilson
pero hindi parin ako nawawalan ng pag asa dahil baka nasa ibang garden siya‚ nang maka alis ako sa fruit garden ay sunod akong pumunta sa flower garden‚una akong pumunta sa paborito niyang spot at bulaklak na orchids pero wala akong nakitang ricca‚ pumunta rin ako sa rose garden wala din siya huling kong pinuntahan ang daisy garden napahinga nalang ako ng malalim ng hindi ko rin siya makita.
sumakay ulit ako sa motor ko at Pinaandar ito may isa pa akong hindi napupuntahan‚ Ang palayan.
“hay kapagod kuya patrick” nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang boses niya. Nandito lang pala siya sa palayan.
Naka upo itong naka talikod at naka harap sa palayan hindi nila nararamdaman ang presensya ko.
“tubig muna kuya patrick” pag alok nito ng tubig na nasa baso at binigay kay kuya patrick na kaagad ding tinanggap.
“bakit pala nandito ka Miss ricca?‚ Akala ko ba tapos na ang trabaho mo dito ang aga- aga mo pa naman pumunta dito” tanong ni kuya patrick matapos itong uminom ng tubig at nilapag ang baso.
“para ipakita kay kuya jacob na kaya ko rin gawin ang mga ginagawa ng lalaki‚ ayokong makita niya akong mahina” matapang na sagot nito
“pero hindi bagay sayo Miss ricca ang gawain dito sa palayan sige ka papangit ka niyan” pabirong tugon naman ni kuya patrick.
“so sinasabi mo na maganda ako Kuya patrick?” masayang tanong nito‚ pati ako ay napangiti dahil sa tanong niya‚ maganda naman talaga siya she's perfect pero may pagkamatigas lang ang ulo.
“syimpre naman Miss ricca‚ kaya hindi kayo bagay dito mas mabuti na don nalang kayo sa flower garden” naka ngiting sagot sakanya ni kuya patrick.
“ehem” pag tikhim ko kaya napa tingin sila sa gawi ko.
“Sir jacob, magandang umaga po” pag bati ni kuya patrick‚ bago ito tumayo at humarap sa akin. nginitian ko ito at tinanguan‚ nag pa alam na rin ito na aalis na.
“Good morning ricca” pag bati ko sakanya pero blankong emosyon ang pinakita nito sakin.
“Morning kuya jacob ”tanging sagot nito.
“are you mad?” deretsahang tanong ko sa kanya‚ hindi ganitong ricca jane ang ini expect ko dapat ricca jane na masiyahin at matigas ang. ulo ibang ricca jane ang nakikita ko ngayon.
“No why would I? Wala akong karapatan magalit sayo dahil TRABAHADOR lang ako dito” malamig na sagot nito at diniinan ang pagkaka bigkas ng trabahador na salita.
“im sorry I didn't mean to shout at you” pag hingi ko ng sorry sakanya but I heard her Chuckled.
“Its okay kuya jacob don't worry okay lang sakin yon” sagot nito but I can see a little tears on her eyes. Umiwas ito ng tingin sa akin matapos mapansin niyang naka titig ako sakanya.