chapter 6

918 Words
“pre relax” pagpapa kalma ni kent sa kanya. “Mag sorry ka sa kanila jane” malamig na sambit nito‚ hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya habang sunod sunod na tumulo ang mg luha ko. “Wala akong kasalanan” pinunasan ko ang luha ko at tinignan ng masama ang dalawa. “i said say sorry to them” ma awtoridad na utos nito. “No I won't do that” naiiling na sagot ko at mabilis silang tinalikuran at umakyat sa hagdan. “RICCA JANE” huling salita na narinig ko bago ako tuluyang naka pasok sa kwarto. I can't believe him gusto niya na mag sorry ako‚ naniwala kaagad siya sa kasinungalingan ng dalawa. Pasalampak akong humiga sa kama‚ tanging pag iyak ko lang ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto. gusto niya na mag sorry ako sa kanila!? Eh sila nga ang may kasalanan. “Mommy, Daddy” pagtawag ko sa kanila sa gitna ng pag iyak ko‚ gusto ko man silang tawagan pero hindi ma aari hintayin ko daw na sila ang tumawag sakin‚ dahil yung number nila na naka save sa contacts ko ay hindi ko na ma contact. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa nilang tanggalin ang connection nila sakin‚ sana okay lang sila at walang mangyaring masama sa kanila‚ kahit na pasaway ako ay mahal na mahal ko parin ang mga magulang ko they give me the life what i deserve. “Miss ricca?” rinig kong pag tawag at pagkatok ni ate tin sa labas ng pinto nang kwarto ko. “Miss ricca?” pag ulit na tawag nito pero hindi ako sumasagot. “Miss ricca' ayos lang ba kayo?” tanong nito habang may pag aalala sa boses niya. “i’m okay ate tin‚ i want to be alone” sigaw ko sakanya habang patuloy paring tumutulo ang mga luha ko. “okay sige tawagin mo ako kung may kailangan ka okay” sambit nito. Hindi kona siya sinagot pa‚ hanggang sa narinig ko nalang ang mga yapak nito na papalayo na. Nang matapos akong umiyak ay nag ayos ako ng sarili ko‚ ayaw kong makita nila akong mahina at hindi lumalaban ng dahil lang sa pag sigaw‚ kaya simula ngayon makikita na nila ang totoong ako‚ ang totoong ako ‚ naki usap lang sakin si daddy na maging mabait ako dito‚ but now‚ I won't allow everyone to hurt me‚ I don't became wilson just for nothing. JACOB POV “sir ayaw po akong papasukin ni Miss ricca‚ gusto niya daw pong mapag isa” sumbong sakin ni ate tin ng makababa ito. Napa hilot nalang ako sa sentido “let her be ate tin‚ alam kong galit yon” buntong hingang sagot ko. “ikaw naman kasi sir bakit mas pinaniwalaan mo yung dalawa‚ eh kitang kita ko kanina kung paano nila pag tulungan si Miss ricca‚ hindi si Miss ricca ang dapat na mag sorry kundi sila” pag sermon at pag sumbong nito sakin. Even kent said na Mali ang ginawang kong pagsigaw kay ricca bago ito umalis. “i know ate tin ” tanging sambit ko. “alam niyo naman pala sir eh tapos pina galitan niyo pa” panenermon nito. “i’m just protecting her ate tin‚ ginawa ko yun para tigilan na siya ni martha at tasha‚ kasi pag kinampihan ko siya mas lalo siyang aasarin at gagalitin‚ alam ko naman na hindi magagawang manakit ni ricca nang walang dahilan‚ pasaway siya Oo pero mabait siya” paliwanag ko sakanya‚ napa buntong hininga naman ito. “hay nako sir‚ paano na yan alam niyo naman na matampuhin si Miss ricca” naiiling na sambit nito “it’s okay ate tin mabilis lang naman mawala ang tampo non” naka ngiting tugon ko sakanya. “sige na muna ate tin‚ balik ulit ako sa farm‚ don't forget to check on her okay” paalam ta pa alala ko. “oh sir kamusta po si Miss ricca?” tanong ni kuya patrick ng makarating ako sa palayan. “she’s okay kuya patrick ” naka ngiting sagot ko sakanya. “wala po ba siyang sugat? Ilang beses po kasi siyang nadapa kanina kakahabol sa kalabaw” napa kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, mukhang okay naman siya kanina o baka naman hindi ko lang napansin dahil puro putik siya ng lumapit sakin kanina habang nag uusap kami ni kent. “parang wala naman kuya patrick umitim lang siya” natatawang sagot ko. “oo nga po eh dahil sa tirik ng araw’ kawawa naman kaya tinulungan ko na‚ dapat po kasi hindi niyo siya Pina araro dahil trabahong panglalaki lang po yun” sandali akong hindi naka kibo dahil sa sinabi niya sumobra ba ako? “consequences niya kasi yon kuya patrick” tanging sagot ko sakanya. “alam niyo sir kahit na may nagawang mali sa inyo ang isang tao wag niyong gagantihan‚ hayaan niyong maunawaan at pagsisihan nila ng kusa ang maling nagawa nila” makahulugan na payo nito “alis na po ako sir” paalam nito‚ hindi na ako naka kibo dahil sa huling sinabi niya. Sumobra nga talaga ako‚ pinadala siya dito‚ just to give her lesson‚ Hindi para pahirapan pag may maling nagawa‚ I really cross the line.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD