Tapos na kami kumain nang imbitahan ko siya na pumunta sa tabing dagat. Malapit na maglubog ang araw at nais kong makita ang sunset.
Nilabas ko ang aking polaroid camera at nagsimulang kumuha ng mga litrato, habang si Kaizen ay tinitignan lang ang ginagawa ko.
Kinuhanan ko ng litrato ang dagat, ang langit, at nag-selfie rin ako.
Unti-unti namang lumapit si Kaizen sa akin at inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Take a selfie of us, memory you know," sabi niya na may malalim na boses.
Marahan akong tumango, may kakaiba talaga sa boses niya na nagpapasunod sa akin.
Bigla namang may lumapit na babae sa amin, bata pa ito at naka-bikini, mukhang kakatapos lang maligo sa dagat.
"Excuse me, miss, are you Mrs. Saldivar? The wife of Caleb Saldivar? You just look exactly like her," sabi ng babae, hinihingal pa ito.
"Huh?" ang tanging sagot ko.
"She's not," tanggi ni Kaizen.
"But she just looks exactly like her, or is she a twin of Mrs. Saldivar?" muli na namang tanong ng reporter sa amin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, wala pa akong maalala.
"Sierra Isla Cervantes, that's her name and she's my wife," may diin sa pagsabi niya ng mga salitang iyon.
"Oh but-"
"No buts, and no more questions, leave us alone," sabi niya na may demanding na tono.
Hinawakan niya ako sa aking baywang at lumakad palayo sa lugar na iyon, iniwan namin ang babae na naka-tunganga. Mukhang marami pa itong gustong itanong pero nakatikom lang ang bibig nito.
Bumalik kami sa aming kwarto, habang naglalakad papunta doon ay tahimik lang. "She's my wife," ang nasa isipan ko, bakit kaya niya iyon nasabi? Siguro para ipagtanggol ako.
"Kai.. about sa sinabi mo kanina,"
"I'm sorry about that, I know that girl, she's a reporter. I don't know but I'm sure she'll write an article about you looking exactly like Mary Jane when you are Mary Jane herself."
"Eh, anong plano?"
"Be my wife.. I mean pretend to be my wife," sabi niya. Ramdam ko ang pagkabog ng aking puso, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
"If that's the solution, okay then," pumayag ako.
"Let's call it a night then, sleep now."
"Okay, saan ka matutulog eh isa lang naman ang kama dito, wag mong sabihing sa sofa ka," sabi ko, couple room ang kinuha niya.
"Don't worry I'm fine in the sofa."
"But-"
"No buts, go to sleep now," sabi niya na may demanding na tono.
Wala naman akong magawa kundi sundin ang utos niya.
Babangon na sana ako sa pagkakahiga dahil kita ko na umaga na, babangon na sana ako ngunit hindi ko magawa dahil sa malaking braso na nakayakap sa aking baywang.
Si Kaizen pala ito, niyayakap ako at wala itong damit pang-itaas. Ang kulay abong buhok niya ay magulo, ang gwapo niya, kahit saang anggulo mo siya tignan.
Hindi ko namalayan na kanina pa ako titig na titig sa tulog niyang mukha, kusa namang hinawi ng mga kamay ko ang buhok niya, ang gwapo niya at hindi nakakasawang tignan.
"She's my wife," ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Agad kong tinakpan ang mukha ko at dahan-dahang inalis ang pagkakayakap sa akin. Pero mas lalo pa niyang hinigpitan.
"It's too early, baby," sabi niya, napakalalim ng boses niya lalo na at bagong gising lang ito.
"Nagugutom na ako," sinungaling kong sagot, dahil parang lalabas na sa katawan ko ang puso ko.
"Ok then, get ready, you shower first," aniya.
Ang maputing buhangin ay napakaganda lalo na ang dagat na sobrang linis, maganda ang tanawin. Ang paningin ko ay nasa dagat nang magsalita si Kaizen.
"Beautiful," sabi niya.
"The beach of course," sagot ko.
"No, you, you're beautiful, baby," sabi niya ng napakatamis, iniwas ko ang mukha ko sa kanya dahil alam kong para akong kamatis dahil sa sobrang pula.
Nang makarating kami sa restaurant ay agad akong nag-order ng pang-breakfast, ganun din si Kaizen. Sizzling pork sisig ang inorder ko at citrus salad with shrimp naman kay Kaizen.
Nang matapos kaming kumain, nagpapaalam akong mag-CR lang. Pagbalik ko, nakita ko siyang may kausap na babae. Sa palagay ko ay Amerikana ito dahil sa blond na buhok nito at maputing kulay.
Tumawa ang babae na ikinainis ko, sinabayan pa nito ng paghaplos sa balikat ni Kaizen.
Nagseselos ako, galit ako, hindi ko alam kung bakit pero nagseselos ako kahit na alam kong wala akong karapatan. Nahuhulog na ba ako sa kanya?
Ilang saglit pa ay umalis na rin ang babae at lumabas na ako sa pinagtataguan ko.
"Dami mong babae ah," sabi ko kay Kaizen nang makabalik ako sa mesa namin, nag-iba naman ang expression niya at tinignan ako direktang sa mata.
"What do you mean, baby?" tanong niya