"Nag-walkout ako, kaagad niya naman akong sinundan. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko para pahintuin ako sa paglalakad, pero pilit ko rin itong binabawi mula sa kanya.
"Baby, what's wrong?" tanong niya. He looks so puzzled by why I am acting like this.
"Wala."
"Baby, please.. tell me what's wrong."
"Doon ka sa babae mo," mataray kong sabi.
"You mean that girl? She's one of my clients. She just greeted me. She is here with her husband. That girl is already married, you don't have a reason to be jealous at all," he said, full of assurance.
"May asawa na yon?"
"Just like what I said, yes."
"Ok."
"C'mon, do you want to swim?" pag-aaya niya.
Tirik ang araw at sobrang init, ang paglangoy ay magandang suggestion para kahit papaano ay mapawi ang init.
"Ok," tipid kong sagot sa kanya, naiinis pa rin ako.
Nagpa-alam akong babalik sa room namin dahil mag bibihis ako. Kumuha ako ng green colored na bikini sa maleta ko.
Bago ako lumabas tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin sa cr, tinalian ko ng puting tela ang baywang ko para magandang tignan.
"Pak! Ganda!" saad ko sa sarili ko habang uma-aura.
Nang matapos ako ay kaagad din akong lumabas, nakatayo si Kaizen sa tabi ng dagat, ang sinag ng araw ay tumatama sa kanya, ang gwapo. May kausap ito sa telepono, problemadong-problemado ang mukha nito, kaagad naman niyang binaba ang cellphone niya.
"May problema ba?" tanong ko rito.
"Remember that girl, that reporter? She posted an article about you. The article is about you being the twin of Mary Jane, and your father denied it. He said that he only has one and only daughter," he explained, umuwang ang panga nito sa inis.
"So, ano na ang mangyayari? Ayokong bumalik sa kanila, Kai," hinawakan ko ang mga braso niya, tinitignan ko siya sa mata na para bang ayaw kong pakawalan niya ako. "Kai.. Kai."
"Don't worry, I will solve this problem. I will not let them get you from me," malambing na saad nito, nilagay niya ang ulo niya sa ulo ko.
"Ok," tipid kong saad.
Nawalan ako ng gana upang maligo sa dagat kaya inayaya ko nalang siya na bumalik sa room namin dahil gusto kong magpahinga.
Humiga ako sa malambot na kama at hindi namalayang nakatulog, nagising na lamang ako at hindi ko na nakita si Kaizen sa kwarto. Inisip ko nalang na baka may pinuntahan ito.
Bored ako kaya pinaandar ko nalang ang TV at nanood. Bumungad naman sa akin bigla ang balita na tungkol sa akin.
Ito ba yong tinutukoy ni Kaizen? Ramdam ko ang malakas na pagkalabog ng puso ko, para bang aatakihin ako sa puso.
Hindi pa nanunumbalik ang memorya ko, tapos ito naman ang mangyayari. Siguro ay hindi na ako dapat sumama pa kay Kaizen. Problema lang ang dala ko sa kanya.
Gulong-gulo na ang utak ko, hindi ko alam kung anong gagawin.
Nakatunganga ako ng bigla pumasok si Kaizen sa kwarto, nag-iba ang mukha nito at agad kinuha ang remote ng TV na nasa kamay ko, pinatay nito ang TV.
"I'm sorry," hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon pero parang iyon dapat ang sabihin ko para sa problema na dinala ko sa kanya.