bc

Contracted By The Mafia King!

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
contract marriage
HE
badboy
mafia
bxg
campus
wild
like
intro-logo
Blurb

Nasa hospital ang kanyang ina!Nagtatrabaho siya sa isang coffee shop! May malaking halagang pagkakautang ang kanyang ama! Isang mahirap na sitwasiyon ang nangyayari sa buhay ni Micaella, pero kahit na ganoon ay nakangiti siyang lumalaban ng patas. Pero magbabago ang lahat nang makilala nita ang isang taong pi agkakautangan ni kanyang ama, at doon ay papasok siya sa isang mundo na hindi niya inakala, isang mundo na susubok sa kanyang katatagan, sa kanyang nararamdaman, at sa kanyang isipan! Makikilala niya ang Don, si Alejandro Valverde! Kilala bilang walang pusong lalaki. Lahat ay takot sa kanya sa buong bansa dahil siya lang naman ang nag-iisang Mafia King! Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni Micaella kung ang kabayaran ng utang ng kanyang ama ay ang pagiging Alaga ni Don? Magiging maayos ba ang lahat o magiging impyerno ang buhay niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
"Anak, lumayo ka na ngayon! Alam mong hindi ligtas ang buhay mo!" sigaw ni Carlos, ang ama ni Micaella, mula sa telepono. "Hindi ako pwedeng lumayo, Dad! Nasa ospital si Mom!" sagot ni Micaella sa kanya. "At kung lalayo man ako, alam natin na hindi natin matatakasan ang grupong humahabol sa iyo, Dad!" Dagdag pa niya. "Kung hindi lang ako naging tanga, kung hindi lang ako naging gahaman sa pera at nalulong sa sugal, hindi sana mangyayari sa atin ang lahat ng ito, " sambit niya, may lungkot at pagsisisi sa boses ni Carlos. "Maganda sana ang buhay natin ngayon, hindi nawala ang ating negosyo, hindi naatake sa puso ang Mom mo, at nakakapag-aral ka sana sa magandang unibersidad ngayon," pagpapatuloy niya. Ngumiti nang mapait si Micaella habang pinapakinggan ang mga salitang binibitawan ng kanyang ama. May luha na ring bumabagsak sa kanyang mga mata dahil alam niya, biktima rin ang kanyang ama sa mga nangyari. Mabait at responsableng ama si Carlos. Ginawa niya ang lahat para sa kanyang pamilya, pero dahil sa isang pagkakamali, ang pagkalulong niya sa sugal, nagbago ang lahat. Na-addict siya at sa kagustohan niyang makabawi ay mas lalo siyang nalubog sa utang. Ngayon ay kalahating bilyon ang utang niya sa isang grupo na nagmamay-ari ng isa sa pasugalan sa bansa. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, Dad. Oo, nagkamali ka, pero alam kong malalagpasan din natin ito," sagot ni Micaella. "Hindi ba, palagi mong sinasabi sa akin noon na ang lahat ng mga nangyayari ay nakatadhana na? At lahat ng problemang dumarating ay masusolusyonan?" pagpapaalala niya. "Sana nga ay mangyari iyan, Anak, pero alam natin na mahirap ang sitwasyon natin ngayon," Sambit ni Carlos. "Huwag kang mag-alala, Dad. Matapos ang bagyong kinakaharap natin ngayon ay lilitaw ang magandang bahaghari," sagot ni Micaella, na siyang bahagyang nagpangiti kay Carlos. "Pagpasensyahan mo ako, Anak, kung napagdadaanan mo ang lahat ng ito. Pangako, matapos lang ang lahat ng ito ay gagawin ko ang lahat para bumangon ulit tayo at makabawi sa inyo," pangako ni Carlos kay Micaella. "Huwag kang mag-alala, Dad. Sa pagtutulungan natin, magagawa natin ang lahat ng gusto nating makamit," paninigurado ni Micaella. "Sige na, Dad. Patapos na ang lunch break. Kailangan ko nang bumalik sa resto," paalam ni Micaella. Napahugot nang malalim si Micaella nang matapos ang tawag. Bumalik siya sa loob ng resto para ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Naging maayos ang kanyang trabaho. Maraming mga costumers na dumarating lalong lalo na ang mga kalalakihan, hindi dahil sa masasarap na pagkain, kundi dahil sa kanya. Hindi maitatanggi na sa edad ni Micaella na dalawangpo, makikita ang ganda ng kanyang maputing katawan na maihahalintulad sa mga modelong napapanood sa mga telebisyon at makikita sa mga magazines. Ang kanyang mukha na parang isang anghel na bumaba sa lupa! "Ano ang order po ninyo, sir?" tanong ni Micaella sa costumer. "Kung pwede ka lang orderin ay ilalabas ko lahat ng pera ko, Ella," pabirong sagot ng lalaki. "Ikaw talaga, Mr. Cruz, mapagbiro ka! Baka kung ano isipin nila dahil sa mga sinasabi mo. Parang anak mo na ako, eh," sagot ni Micaella sa lalaki na nasa lagpas 50 year-old na. "Hindi naman ako kakain, ang panganay kong lalaki," nakangising sagot ni Mr. Cruz. "Pasensya na, Mr. Cruz, pero wala pa ang mga ganyan sa isipan ko." Napabungrong hininga si Mr. Cruz, "Sana ay makilala ka ng anak ko. Siguradong wala na siyang hahanapin pang iba." Napangisi at napailing na lang si Micaella, " Pwede ko na po ba kunin ang order ninyo, Mr. Cruz?" Pag-uulit ni Micaella. " Iyong dati," maikling sagot ni Mr. Cruz. Isinulat ni Micaella ang order ni Mr. Cruz, at mabilis na ibinigay sa mga cooks. Nang matapos maluto ang mga orders ng mga costumers, isa-isa niya itong dinala sa kanila. Habang abala sa pag-serve si Micaella, biglang may pumasok na apat na lalaki, malalaki ang kanilang katawan, matangkad at nakasuot sila ng shades at tuxedo. Ngumiti si Micaella sa apat na lalaki at mabilis niya itong nilapitam, "Maligayang pagdating..." hindi natuloy ni Micaella ang pagbati niya nang hawakan siya ng isang lalaki sa kanyang braso. "Micaella Buenavista," pagbanggit ng lalaki sa pangalan niya. Napalunok si Micaella habang nakatingin sa lalaking nasa kanyang harapan, "Ano ang maipaglilingkod ko?" nauutal niyang tanong sa lalaki. Mabilis na hinawakan ng lalaki ang braso ni Micaella, "Kailangan mong sumama sa amin!" sagot ng lalaki. Dahil sa pagkataranta, lumaban si Micaella sa lalaki. Nakawala siya sa pagkakahawak ng lalaki at mabilis na lumayo. "Ano ang kailangan niyo sa akin?" nauutal na sigaw ni Micaella. Ang mga tao sa loob ng resto ay napatayo na rin dahil sa nangyayari. Nakakaramdam ng takot dahil sa apat na lalaking kaharap ni Micaella. Lumapit muli ang lalaki kay Micaella. Dahan-dahan siyang napaatras habang nakatingin sa lalaking papalapit. Napalunok si Micaella nang wala na siyang pupuntahan. Muli siyang hinawakan ng lalaki sa braso. "Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ni Micaella. Nag-ipon ng lakas si Micaella para labanan ang lalaki, pero kahit na anong gawin niya ay hindi siya makawala. Napalunok si Micaella. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na makawala. "Pakiusap, bitiwan niyo ako. Wala akong kasalanan sa inyo!" pagmamakaawa ni Micaella. "Hindi maaari. Kailangan ka namin dalhin," sagot ng lalaki. Hinila ng lalaki si Micaella. Buong lakas siyang pumapalag, pero wala siyang magawa. "Bitiwan niyo siya!" sigaw ng isang lalaki. Napatingin si Micaella sa sumigaw at nakita niya si Mr. Cruz na may hawak na isang vase. Ibinato ni Mr. Cruz ang vase sa lalaking nakahawak sa kanya at natamaan ang ulo nito na siyang nagdahilan para mabitawan niya si Micaella. "Takbo, Micaella! Tumakas ka na!" sigaw ni Mr. Cruz. Umaksyon na rin ang mga ibang tao sa loob. Pinigilan nila ang apat na lalaki na gustong kunin si Micaella. Mabilis na lumabas si Micaella sa resro at tumakbo. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, basta ang mahalaga ay makalayo siya sa lugar na iyon at sa apat na lalaki. "Habulin niyo siya!!" narinig ni Micaella na sigaw ng isang lalaki. Hindi nag-aksaya si Micaella na lumingon. Deretso lang siya sa pagtakbo para pumunta sa Police Station. Ang mga tao na naglalakad sa kalsada ay napapatingin sa kanya. "Tulungan niyo ako! Pakiusap, tulungan niyo ako!" paghingi niya ng tulong sa mga tao. Merong gustong tumulong, pero kapag nakikita nila ang apat na lalaki ay napapaatras sila dahil ayaw nilang madamay at sa takot. Hindi nagtagal, naabutan nila si Micaella. "Bitawan niyo ako!" malakas na sigaw ni Micaella. "Tulong!! Tulungan niyo ako!!" pagpupumiglas ni Micaella. "Tulu..."hindi natuloy ni Micaella ang pagsigaw nang pagbantaan siya ng lalaki. "Sige, subukan mo pang sumigaw at mawawasak ang tagiliran mo!" Napalunok at nanginig sa takot si Micaella. Hindi niya mapigilan ang pag-agos ng kanyang luha dahil sa kalalagyan niya ngayon. "Ano ba ang kasalanan ko sa inyo? Ano ba ang kailangan ninyo?" nauutal na tanong ni Micaella. "Wala kang kasalanan sa amin, pero kung hindi ka makikipagtulungan, baka hindi mo na makita ang tatay mo kinabukasan!" sagot ng lalaki na may pagbabanta. "Huwag! Huwag ninyong sasaktan si Dad! Sasama ako sa inyo, basta huwag niyong sasaktan si Dad!" pagmamakaawa niya. "Madali ka lang naman palang kausap. Nagpagod pa tayo!" Matiwasay na sumama si Micaella sa apat na lalaki at sumakay sila sa isang itim na van.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
308.8K
bc

Too Late for Regret

read
279.1K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
136.7K
bc

The Lost Pack

read
384.5K
bc

Revenge, served in a black dress

read
145.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook