Humiyaw ako at itinaas ang kamay sa ere habang dinadama ang pagtama ng sariwang hangin sa mukha ko. Idagdag pa ang puro kulay berdeng mga puno at d**o. Ang payapa. Nakaka-miss pumunta rito!
"Senyorito!" tawag ko sa kasama at bumaba muna para yayain siya. Nakabukas kasi ng bahagya ang bubong ng kotse niya kaya nakuha kong matayo roon at makita ang tanawin. "Hali ka rito! Masarap 'yong hangin, sakto 'di gaanong maaraw rito!"
Pero umiling ito at inalis ang suot na itim na salaming pamprotekta sa sinag ng araw. Kanina pa siya gan'yan! Nasa lilim pa rin kami pero naka-shades na siya. "Dali na!" pagpupumilit ko.
"Dito ka na lang. Malapit na tayo."
Umungol ako sa pagkadismaya at napanguso. "Rommel, pakisarado na," utos pa niya kay kuyang driver na nasa harap.
Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang polo at inalog. "Senyorito naman, e! Ang killjoy mo!"
"Tsk!" masungit na asik lang ang isinagot niya at inilayo ang braso. "You're acting like a child."
Mas lalo akong napanguso at nagsumiksik sa kabilang gilid, malayo sa kanya. "Bata pa naman ako, e! Ikaw lang 'yong matanda rito! OA!" muling reklamo at pinagkrus ang braso.
Narinig ko naman ang pagpigil niya ng tawa at umiiling-iling pa. "Such a baby."
"May sinasabi ka, senyorito?!"
"Wala!" Mas lumakas ang halakhak niya. Nairita tuloy ako lalo. Nang-aasar talaga siya!
Mariin ko siyang tinignan habang nanliliit ang mga mata at nakangiso. "Hindi na kita sasamahan! Gumala ka mag-isa mo!" Inirapan ko siya nang masabi iyon at tumingin na lamang sa dinaraanan.
"Okay!" mahinahong sagot niya. "Bumaba ka na."
"Ano?!"
"Rommel, pakihinto."
"Hoy, ano ba?!" Hinampas ko si senyorito nang makalapit ako sa kanya. Umabante kasi siya mula sa pagkakaupo para kausapin si Kuya Rommel. Maya-maya pa ay dahan-dahang bumagal ang galaw ng kotse. Seryoso ba talaga siya? Iiwan niya ako rito?
"Isa, senyorito! Isusumbong kita kay papa ko, sige ka!" pananakot ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya at muling umayos ng upo. "Bumaba ka na sabi," ulit niya nang huminto ang kotse.
"Ayaw ko!" pagmamatigas ko at kumapit ng mahigpit sa upuan.
"Rika..." tawag niya sa akin at humalakhak. Naningkit ang mga mata niya at kitang-kita ang mapuputi at pantay na ngipin niya, pati ang kaunting kulay pink na giliagid niya ay nagpakita. Ano namang nakakatawa?
"Bumaba ka na, nandito na tayo," dagdag niya.
"Weh?" 'di naniniwalang tanong ko. "Gusto mo lang akong lumabas, e! Mauna ka, senyorito!" hamon ko sa kanya dahil sanay na ako sa prank ng mga kaibigan ko. Mamaya kasi kapag bumaba ako ay bigla silang umalis ni Kuya Rommel. Malayo pa naman dito ang bahay nina senyorito.
"Ayaw mo pang maniwala!" natutuwang reklamo niya at nagsuot ng sunglasses bago binuksan ang pinto ng kotse na nasa tabi. Nang makababa siya ay tinignan niya ako. "Hali ka na."
Pinanliitan ko ulit siya ng mga mata at tinansya ang balak niyang gawin.
"Bilis, Rika!"
"Oo na!" putol ko sa reklamo niya at doon na rin ako bumaba sa pinaglabasan niya.
Napaawang ang labi ko at napatingin sa kanya nang kunin niya ang kamay ko at inilagay iyon sa may 'di kababaang V neckline ng suot ko para takpan.
Napalunok ako ng sariling laway dahil sa pagkabigla sa ginawa niya. Aba, nagiging gentleman bigla ang senyorito! Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy sa paghakbang.
Nang bigla akong nalaglag dahil nakalampas na ang paa ko sa kotse.
Mahinang napamura ni senyorito at mabilis na hinawakan ang braso ko para pigilan akong malaglag. "Mag-ingat ka nga!" pagalit na sabi niya at inalalayan akong bumaba.
"Sorry naman! 'Di ko naman sinasadya 'yon!" reklamo ko rin at binawi ang brasong hawak pa rin niya. Napa-tsk lang siya at tinignan ang suot na relo sa kaliwang palapulsuan.
"Samahan mo 'ko, libutin natin ang lugar na 'to," tawag niya sa akin at nagsimulang maglakad.
Inilibot ko ang paningin. Walang masyadong bahay na nakatayo roon kaya kitang kita ang asul at puting langit. Tahimik rin at huni lang ng ibon ang naririnig. Nang makakita ng puno ng mangga sa 'di kaluyan, tumakbo ako para yayain papunta roon si senyorito. Natanaw ko rin kasi ang ibang trabahador na dating kasama rito ni papa at parang may salu-salo sila. Magsasaka kasi siya bago pa naging driver at kasambahay katulad ni mama.
"Senyorito, gusto mo ng mangga?" tanong ko sa kanya nang maabutan siyang maglakad.
"Okay," maikling sagot niya.
Napangiti naman ako kahit papaano. "Kukuha ako! Tikman mo, ha? Masarap 'yong mga apple mango ro'n!" sabay turo ko sa isang puno na malapit sa dating bahay namin at tumakbo. Nang makalapit ay hinubad ko ang puting sapatos at medyas para umakyat.
"Rika, what the hell?!" gulat na sigaw ni Senyorito Brandon at tumakbo palapit sa akin. "Bumaba ka, ako na ang kukuha!"
"Kaya ko, ano ka ba?! OA mo na talaga, senyorito!" natatawang pagpapakalma ko sa kanya at itinaas ng kaunti ang palda ng bestida para makaakyat agad. 'Di naman ako nag-aalalang masilipan dahil wala namang tao na malapit maliban sa kanya at may suot naman akong short sa pang-ibaba.
Nang makasampa sa sanga ay nagsimula na akong magtingin ng mga hinog ng mangga. Kumapit ako sa mapayat na sangga at pumitas ng tatlo. Hindi ko ininda ang lagkit na naramdaman sa kamay nang makuha ang mga iyon. "Ito na, senyorito!" natutuwang ipinakita ko iyon sa kanya.
"Ayos na 'yan, bumaba ka na rito," sagot niya.
"Ayaw ko pa! Tatambay muna ako!"
Dismayado naman siyang napatayo. "Come on, Rika! Baka malaglag ka pa."
Inilabas ko ang dila para asarin siya. Padabog naman siyang inalis ang suot na sunglasses bago nag-ambang aakyat din. "No, senyorito! Baka malaglag ka, kasalanan ko pa!"
"Bumaba ka o aakyat ako r'yan para ibaba ka?" tanong nito habang nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang bewang. Humagikgik ako dahil mukha siyang na-stress sa ginagawa ko.
"Heto na, bababa na po, senyorito," sagot ko at binalase sa kamay ang mga makuhang mangga bago bumaba nang maingat.
"Ang kulit mo!" bungad niya sa akin at lumuhod sa harap ko na parang prinsepe. Kinuha niya ang medyas at sapatos ko at isinuot iyon sa akin.
Napatitig ako sa kanya nang 'di makapaniwala at tumikhim nang matapos niyang itali ang sintas. "Salamat."
Imbes na sumagot, kinuha sa akin ang prutas na nakuha. "Hali ka na."
"Wala ka namang sawsawan, senyorito. Makikihingi lang ako sa kanila," saad ko sabay turo ko sa mga magsasaka sa malayo.
"Do you eve kn—I mean, kilala mo ba sila?" tanong niya babang nakasunod sa akin.
Tumango ako at nag-kwento, "Opo, senyorito! Taga-rito kami rati at mga ka-trabaho sila ni papa."
Tumakbo ako para mabilis na makalapit sa kanila. "Hello po, Mang Fred," bati ko sa nag-iisang kakilala.
"Oh! Pare, may chicks na naghahanap sa 'yo!" sabi sa kanya ng katabi at nagsalin ng alak sa baso.
Mukhang wrong timing ang paglapit ko sa kanila.
"Ano 'yon, hija?" Tiningala niya ako habang na mumungay ang mga mata. "Napaka-sexy mo naman!" Confirmed, lasing nga siya!
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Senyorito Brandon pati ang paghawak niya sa braso ko. Tiningala ko siya at nakita ang pag-aalala sa mga mata niya. Nginitian ko siya bago humalakhak para makupagbiruan sa mga lasing. "Nako, ang bolero mo naman, Mang Fred! Ako lang 'to, si Rika, 'yong anak ni Canor!"
"Rika?" tanibg niya at tinitigan ako bago siya bumaling kay senyorito. "Ah! Ikaw ba 'yong anak ni Canor at Karina?" 'di makapaniwalang tanong niya. "Ang laki mo na!"
"Anak ka pala ni Karina! Kaya pala sexy rin!" dagdag pa ng isa dahilan para mapangiwi ako.
"P'wede pong makahingi ng alamang tapos pahiram na rin ng kutsilyo. Ipangbabalat ko lang rito?" tanong ko kay Mang Fred at itinuro ang gamit na nasa lamesa nila.
"Oo naman! Kumuha ka lang!" aniya at itinuro ang bombahan na nasa likod. "Doon ka na maghugas."
"Salamat po!" ngiting sagot ko at akmang aayain na sumama si senyorito nang tawagin ulit ako ni Mang Fred. "Sino 'yang kasama mo? Boyfriend mo ba?"
Malakas akong napahalakhak. "Hindi po! Amo namin siya sa mansyon. Siya si Brandon Monteverde."
"Monteverde?!" gulantang na tanong nilang lahat at napalagok ng alak bago binati si Brandon. Iniwan ko muna sila nang yayain nila siyang makipag-kwentuhan at binalatan ang mangaa na ipapatikim kay senyorito. Inilagay ko iyon sa bagong hugas na plato. Iyong walang laman na platong gamit nina Mang Fred at tingin ko ay ginamit nilang lalagyan ng pulutan.
Nang matapos ay bumalik ako sa kanila. Naabutan kong pinainom nila ng alak si senyorito bago nila siya pinakawalan. Lumapit siya sa akin at tinignan ang hawak ko. "Tara na? Kainin natin 'yan habang naglilibot."
"Sige, magpapaalam lang ako," sagot ko at kinawayan ang grupo ni Mang Fred. Binati naman nila ang pag-alis namin habang winawagayway ang baso.
"Oh, senyorito," alok ko nang makalayo kami ng lakad.
Tinignan niya iyon saglit bago bumalik sa magandang tanawin sa harap. "Ikaw na muna," sagot niya.
"Umupo muna kaya tayo," sagot ko at inayos ang bestida para umupo na lang bigla sa d**o. Maliit lang naman ang mga 'yon kaya p'wede na.
"Tumayo ka," aniya at hinubad ang polong suot at inilapag ang damit sa d**o. "Lumipat ka rito. Marurumihan ka r'yan," utos pa niya.
"Gentleman 'yan?" tukso ko sa kanya bago lumipat doon at tumabi sa kanya. "Ang bait mo ngayon!"
"Tsk!" asik niya. "Mabait naman ako lagi."
"Anong lagi? May oras lang kaya na mabait ka lang sa akin!" sagot ko at inilagay sa harapan niya ang plato na may prutas at sawsawan. "Kumain ka na."
"Sabay tayo."
Humalakhak ako at kumuha ng isang slice at nilagyan ng alamang. "May pa sabay-sabay ka pang nalalaman!" tukso ko at inilapit iyon sa bibig niya. "Kain na, senyorito."
Umawang ang labi niya at tinignan iyon. "I told you, eat with me," sagot niya at lumayo para gayahin ang ginawa ko kanina.
Hinarap niya ako at itinapat din ang prutas sa bibig ko. Mas lalo akong natawa. "Ano, tayo, magjowa?" tanong ko at umayos ng upo sabay subo ng hawak na prutas. "Kainin mo rin 'yang sa 'yo."
"Okay," tila dismayadong sagot niya at ngumuya. Maya-maya pa ay itinungkod niya sa d**o ang magkabilang kamay at umupo habang naka-slant ang likod.
Aba, nagre-relax ang senyorito!
"Ayaw mo na?" pagtukoy ko sa mangga.
"Gusto. Subuan mo na lang ako," utos niya.
"Ang tamad mo!"
"Kung sisipagan ko, mawawalan ka ng trabaho," banat niya.
Natawa ako at kinuha ang plato. "Kaya nga dapat tamarin ka lang lagi, senyorito," dagdag ko at sinubuan siya.
Nilingon niya ako at umiling siya. "Stop using that sweet tone. It cringes the hell of me," puna niya.
"Ayaw mo bang pina-plastic kita?" ngising tanong ko sa kanya.
Umayos siya ng upo at kumunot ang noo. "So, you're just faking it whenever you're nice with me?"
"Oo, hindi ba halata, senyorito? Nandidiri rin ako, kung alam mo lang!"
"The hell!" pagmumura niya dahilan para humalakhak ako. Mukha siyang nalugi base sa reaksyon nila.