"Bakit ba rito ka gumagala, senyorito?" tanong ko habang naglalakad kami. Nakakapagod pero hindi nakakasawang pagmasdan ang mga tanawin. "P'wede namang sa Mall o sa—"
"Kasi payapa rito," sagot niya habang nasa likod ang kamay. "At sinusuri ko ang lugar kung magandang pagtayuan ng bahay at negosyo."
Nilingon ko siya dahil naging kuryoso ako lalo. "Bahay? Ayaw mo na sa mansyon?" tanong ko at naglakad paabante pero nakaharap sa kanya.
"Gusto ko rin ng sarili kong bahay bakasyunan, Rika," seryosong sagot niya at tumingala ng kaunti nang ihipan ng malakas na hangin ang buhok niya.
"Bakit ang gwapo pa rin kahit magulo ang buhok mo?" naiinggit na sambit ko at habang inaayos ang ilang takas na buhok nang tumakip ang mga 'yon sa mukha ko.
"Ang unfai—" Natigil ako at nanlaki ang mga mata nang mawalan ng balanse matapos matisod sa isang nakaharang na bato.
Mabilis at malaki ang hakbang na ginawa ni senyorito para makalapit sa akin. Kaya sa pangalawang magkakataon, nahawakan niya ako ng braso ko bago pa tuluyang matumba. Hinila niya ako palapit sa kanya at dahil napalakas iyon, tumama ako sa dibdib niya. "Ang tigas naman, senyorito!" reklamo ko at muling suminghot dahil sa amoy niya. "Bakit ang bango mo pa rin?"
"Ang dami mong reklamo!" sambit niya at ginulo ang buhok ko bago lagpasan. Napanguso ako at hinabol siya.
Itinulak ko siya at sinabing, "Foul!" Sabay halakhak. Akala ko, makakabawi ako at matutumaba siya pero matibay ang senyorito!
"What are you doing?" may bahid ng ngiting tanong niya.
Umiling ako at muling tumawa. "Wala!"
Habang palayo nang palayo sa pinaggalingan ay palapit naman nang palapit sa paningin namin ang bundok na nasa malayo. Mas lalo iyong gumanda dahil sa sikat ng palubog na haring araw. Tahimik kong kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng shorts na suot at binuksan iyon.
"Senyorito, tumabi ka muna r'yan!" utos ko sa kanya at pumwesto para kuhanan ang magandang tanawin. Pahiga ko iyon kinuhanan ng litrato at sunod ay nag-selfie ako kahit medyo malabo na harap ng camera. Ipapalagyan ko na lang ng filter kay Franz. Magaling din kasi iyong mag-edit!
Napatingin ako kay senyorito nang makarinig ng pag-click ng camera. Nang makitang sa akin iyon nakatapat ay umangat ang kilay ko. "Senyorito, sabihin mo naman kung gagawin mo akong model para ready ako!" sigaw ko sa kanya sa gitna ng malakas na hangin.
Humalakhak siya at umiling. "Napindot lang!"
Tinignan ko siya nang hindi makapaniwala at lumapit. "Sige na nga! Kunwari naniniwala na ako!" natatawang sabi mo at tumabi sa kanya. "Ganda ng phone mo! Pa-selfie nga ako?"
"Bakit 'di mo gamitin 'yang sa 'yo?" aniya at nginuso ang hawak kong cellphone.
"Malabo na 'yong camera kasi luma na," sagot ko at ipinakita iyon sa kanya. "Tignan mo naman, senyorito. 'Di ka ba naaawa sa akin?" dagdag ko habang itinuturo ang basag sa harap no'n.
"Sige na!" pag-sang ayon niya at kinuha iyon sabay ibinigay ang phone niya sa akin.
Tumalon ako dahil sa tuwa at nangialam sa camera ng cellphone niya. May panorama roon kaya sinubukan ko ulit kuhanan ng litrato ang tanawin bago ako nag-selfie kasama ng magandang tawin. Naging kulay kahel pa ang kulay ng mukha ko dahil sa replesyon ng palubog na araw pero ang ganda tignan kahit medyo nagulo pa ang buhok ko dahil sa hangin.
Nang magsawa sa selfie ay tumakbo ulit ako kay senyorito, na ngayon ay nakaupo na ulit sa damuhan dahil nangawit na yata kakahintay. "Senyorito, picture-an mo 'ko!" pakiusap ko dahil gusto ko nang lubusin ang pagkakataon. Baka minsan lang 'tong sunset o 'yong pahiramin ako ng cellphone na maganda ang camera.
"Sa tagal mong 'yon, 'di ka pa tapos mag-picture?" gulat na tanong niya bago siya tumayo. Hinila ko siya at ibinigay sa kanya ang cellphone bago tumakbo para maghanap ng pwesto.
Nagbilang siya kaya alam ko kung kailan magpapalit ng pose. "Dito pa, senyorito!" utos ko at nagpalit ng pwesto. "Last na!" hirit ko na siyang ikinatango niya.
"Pinakalast na, senyorito! Picture tayong dalawa!" hiling ko at tinabihan siya. Kita ko ang paghinga siya ng malalim. Napagod na siguro! "Kahit isa lang, senyorito!" dagdag ko at tumiklay para kahit papaano ay hindi ako magmukhang maliit. Itiniklop naman niya kaunti ang tuhod niya kaya naging pantay na ang mukha namin.
"Smile, senyorito!" sigaw ko at malawak na ngumiti.
"Salamat!" Binigyan ko pa siya ng matamis na pagbati nang matapos niyang maipasa sa akin ang lahat ng litrato ko, pati na iyong nag-iisa na kasama siya. "Mas pagbubutihin ko na ang pagiging personal maid mo, senyorito! Hindi na ako magiging plastic, promise!"
Humalakhak siya dahil sa pangako kong iyon at niyaya na akong bumalik para umuwi.
"'Di ka pa ba pagod, senyorito?" tanong ko sa kanya sa gitna ng paglalakad. Hiningal na kasi ako dahil mukhang malayo ang nalakbay namin.
"Hindi. Ikaw? Gusto mo, buhatin kita?"
Umiling ako at tumigil sabay napahawak sa magkabilang tuhod. "Nakakahiya naman, senyorito! Pahinga na lang muna tayo saglit!" sagot ko at umupo sa damuhan.
Tumabi naman siya sa akin at inilabas ang cellphone. "Let's just wait here, I'll text Rommel to fetch us."
Sumang-ayon na ako dahil wala na akong ganang maglakad. Naubos na sa paglalakad at pag-selfie kanina. Humikab ako at itinaas ang tuhod para humiga roon. Mas inantok ako dahil sa malamig na hangin at padalim nang paligid.
Napatingin ako kay senyorito nang isindi niya ang flashlight ng cellphone at hinawi sa gilid namin ang polo niya para bugawin ang mga lamok at insektong mas nagiging aktibo na.
"Can't I just carry you on my back? Baka nasa daan na si Rommel."
"Mabigat ako, senyorito!" paalala ko at mahinang tumawa.
"I'm fit enough to I carry you while walking."
"Sigurado ka ba?"
Umungol siya bilang pag-sang ayon at tumango. "Tumayo ka na r'yan," aniya at bago siya lumuhod patalikod sa harap ko.
Tinitigan ko lang siya habang nakatutok ang hawak na cellphone niyang nakabukas ang flashlight. "Binalaan kita, senyorito, ah? Baka naman bigla 'kong ilalaglag bigla!" walang tiwalang sabi ko sa kanya.
"Hindi mangyayari 'yon," seryosong sagot niya. "Sakay na! Pagabi na, Rika."
Sumampa ako sa likod niya at ipinalibot ang braso sa leeg niya para roon kumapit. Kaagad kong naamoy ang bango niya. Parang 'di man siya pinagpawisan! Naramdaman ko naman ang kamay niyang sumoporta sa hita ko habang maingat na tumayo at nagsimulang maglakad.
"Kaya pa senyorito?" tanong ko habang nasa kanang bahagi ng mukha niya.
"Oo, 'di ka naman gano'n kabigat."
Ngumiti ako at inilawan ang daan namin. Hindi pa naman gano'n kadilim ang langit. Pero mas maigi 'to para makita kami kaagad ni Kuya Rommel.
"Sabi mo kanina, saglit lang tayo. Pero tignan mo, senyorito, mag-gagabi na," pagbasag ko sa katahimikan.
"Hindi ko namalayan 'yong oras. 'Di mo rin naman ako niyaya pa-uwi," dahilan niya.
Napatango ako bilang pagsang-ayon. "Parehas lang pala tayo. Nag-enjoy ako sa gala natin!"
"Buti ka pa nag-enjoy." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang ang lungkot pa ng boses niya.
"Ikaw ba hindi? Boring ba akong kasama, senyorito?!"
Tumigil naman siya at nilingon ako. Nauntog tuloy ako sa matangos na ilong niya. Mabuti na lang ay umayos siya kaagad ng tingin. "A-ang lakas ng boses mo," reklamo niya at dahil sa lapit namin, narinig ko ang mariing paglunok niya.
Nasa gano'ng posisyon kami nang makarinig ng busina. Napatingin ako sa liwanag na palapit sa amin. "Si Kuya Rommel!" bulalas ko.
Lumuhod naman si senyorito kaya mabilis akong nakababa. Hinila ko siya para tulungang makatayo nang manatili siyang nakaluhod. "Senyorito, kaya pa ba ng buto mo?" nag-aalalang tanong ko. Iba kasi kakag matanda na, marupok na ang mga buto lalo na sa tuhod.
Sinalubong kami ni Kuya Rommel at inalalayan namin si senyortio na makapasok sa kotse. Binuksan din niya ang ilaw sa likurang bahagi ng kotse at nilingon kami.
"Senyorito, ayos lang ba kayo?" tanong nito sa amo namin at inabot sa akin ang paperbag mula sa fast food chain. "Heto 'yong binili kong meryenda niyo kanina. Rika, painumin mo si sir."
Tumango ako at binuksan ang tubig para ibigay sa namumulang si Senyorito Brandon. Anong nangyari sa kanya? "Inom ka muna ng tubig, senyorito," alok ko at inilapit ang tubig sa labi niya.
Napaawang ang labi ko nang kunin niya iyon sa akin nang hindi ako tinitignan. Kamay ko ang nahawakan niya. Akmang aalisin ko iyon nang maunahan niya ako. Para siyang napaso na ewan dahil sa bigla niyang pagbitaw sa akin.
"Rommel, let's go home," utos niya sa driver at kinuha sa akin ang paper bag para siya na mismo ang kumuha ng tubig at uminom. Umandar ang kotse nang 'di ako kinikibo ni senyorito. Nagalit yata siya sa akin. Baka dahil mabigat ako?
"Senyorito..." tawag ko sa kanya pero ipinikit niya bigla ang mga mata at isinandal ang ulo sa upuan.
Napanguso ako at napaayos ng upo dahil sa ginawa niya. Bakit parang ayaw niya rin akong kausapin?
"Turn off the light here, Rommel," maya-mayang sabi niya. Nang mamatay ang ilaw, mas lalong 'di ko makita ang emosyon niya. Galit ba siya sa akin? O may nararamdaman siyang masakit kaya gano'n siya umasta? O baka naman pagod lang siya?
Napakamot ako sa ulo dahil sa daming tanong na nasa isip. Nagi-guilty ako at ayaw ko ng pakiramdam na 'to!