"Senyorito..." tawag ko rito para sana kausapin siya habang nasa biyahe.
Pero napahawak ako sa tiyan ko nang maramdamang kumulo iyon. Nagugutom na ako. Doon ko napagtantong mangga lang ang kinain namin ni senyorito kanina. Kaya siguro pagod na ako nang magdilim na.
Gumalaw si senyorito at inilahad sa akin ang paperbag. Kinuha ko iyon at 'di siya nilubayan ng tingin. "Ayos ka na ba, senyorito?" nag-aalalang tanong ko sa kanya sa gitna ng dilim at kaunting ilaw na tumatama sa kanya sa tuwing may madaraanan kaming nga poste na bukas ang ilaw.
"Yeah, just eat if you're hungry," tipid na sagot niya at muling humarap sa bintanang nasa tabi niya.
Dahil do'n ay nakanguso kong kinuha ang burger at kumagat para kumain na. Panay ang tingin ko kay senyorito habang ngumunguya. Tulog ba siya? Alukin ko kaya? Baka nagugutom na rin siya.
Tahimik akong lumapit sa kanya at sinuri kung talagang nagpapahinga siya. Nang makitang nakapikit siya ay tumango ako dahil nakumpirmang tulog nga siya. Akmang lalayo na ako sa kanya nang bigla na lamang huminto ang sasakyan. Inilagay ko kagaad ang kamay sa gilid ng mukha ni senyorito na nasa bintana para hindi siya mauntog.
Mukhang naramdaman niya epekto ng biglaang pagpreno ng sasakyan kaya nagising siya. Muling bumukas ang ilaw sa likuran ng kotse at saktong malapit pa ako kay senyorito kaya halos maduling na ako nang lumingon siya sa pwesto ko.
Mabilis akong umatras para mabigyan siya ng sapat na espasyo. "Ayos ka lang ba, senyorito?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Yeah," maikling sagot niya at tinignan si Kuya Rommel nang magsalita rin ito.
"Pasensya na sir. May bigla kasing dumaan na aso kaya nag-preno ako bigla."
Tumago si senyorito at ikinumpas ang kamay. "Drive safely and turn off the light here."
"Senyorito, gusto mo? Baka nagugutom ka na," singit ko bago pa mapatay ni Kuya Rommel ang ilaw.
"No, thanks," sagot nito at isinandal ang ulo sabay krus ng braso. Hindi na naman siya gumalaw kaya mukhang natulog ulit siya.
Napanguso ako at muling kumain nang hindi na siya inaalala. Bahala ka, senyorito! 'Di na kita pipilitin kung ayaw mo!
Safe kaming nakauwi sa masyon ng mga Monteverde. Ang kaso, gabi na. Sinalubong kami ng ilang kasambahay kasama na ang mga magulang ko na kaagad akong niyakap.
"Ginabi yata kayo. Nag-alala kami buti na lang nag-text si sir," saad ni papa at niyakap niya kami ni mama.
"Sorry for coming back this late than I promised." Napatingin kaming lahat kay senyorito nang kausapin niya ang mga magulang ko. "I was too mesmirized by the relxing view and didn't notice the time." Sa huli ay sumulyap siya sa akin.
Pagod akong ngumiti sa kanya. Akmang sasabihin kong gano'n din ako nang bumalik siya sa ibang kasambahay at nag-utos, "Prepare the dinner, we'll eat now."
"Ma, pa, kain na tayo. Nagugutom na 'ko," anyaya ko sa mga magulang at ipinalibot ang magkabilang braso sa kanila. "Kanina kasi mangga na may alamang lang kinain namin ni senyorito. Humingi kami sa kumapre mo, pa. Si Mang Fred, naalala mo?"
"Ah! Oo naman!" Tumango-tango ito at ngumiti, "Hulaan ko, nag-iinuman 'yong mga 'yon, ano? Tanghaling tapat kasi sila umiinom."
"Tama, papa!" namamanghang sagot ko at nakitawa. "Pina-inom nila si senyorito," dagdag ko pa at napabaling kay Senrito Brandon na siyang naka-upo na sa kabisera ng hapag kainan. Hindi kaya, inaantok na siya kasi uminom siya ng alak kanina? Baka matagal umepekto 'yong alak sa sistema niya kaya gano'n?
Nilampasan namin si senyorito at nagtungo sa kitchen kung saan kami kumakaing mga kasambahay. May lamesa rin kasi roon pero hindi nga lang kasing sosyal at komportable ng nasa dining room.
"Rika!"
Huminto kaming tatlo na magkakapamilya nang tawagin ako ni senyorito. "Bakit po, senyorito?" tanong ko sa kanya.
"Eat with me," sambit nito at tumingin sa iba pang kasambahay. "Kayo rin, sumabay na kayo sa akin," dagdag pa niya dahilan para tumili si Ate Cathy.
Umingay ang silid na iyon nang makumpleto kaming lahat na empleyado kasama si senyorito. Kahit day off kasi namin ngayon, dapat, kapag gabi na ay nakabalik na ulit sa bahay dahil maaga pa ang trabaho para bukas. Sari-sari ang masasarap na ulam na nakahain. May manok, baboy, isda at gulay. Syempre, ang paborito kong isda na naman ang kinuha ko.
"Take this dinner as my appreciation for everyone's effort for giving me a comfortable stay here," panimula ni senyorito. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya. Ang mature at fluent niya talagang magsalita. "And of course, for Rommel and Rika for being with me today." Mas lalo akong napangiti nang tignan niya ako habang binabanggit ang pangalan ko.
"You're welcome po, senyorito!" Nag-thumbs up pa ako sa kanya.
"Walang anuman, sir!" sagot naman ng iba pa.
Naghagikgikan ang ibang kababaihan lalo na nang tumayo si senyorito at kinuha ang babasaging baso na may lamang wine. "Cheers, everyone!" bati niya na sinagot namin sa pamamagitan ng pagkuha ng baso at pagsambit ng salitang, "Cheers!" habang nakangiti rin.
Ininom ko ang basong may orange juice matapos makipag-umupugan ng baso sa mga kasama. "Let's eat!" anunsyo ni senyorito nang bumalik sa pagkakaupo.
Mukhang bumalik na ang enerhiya ng senyorito! Malayo na ang itsura at ugali niya ngayon kaysa sa pagiging tahimik kanina sa biyahe. Pinanood ko siyang makipag-usap sa iba at napansin kong panay ang tingin niya sa katabing si Gemma. Umangat ang kilay ko at 'di inalis ang tingin sa kanila habang sumubo. Nang ngumiti sila sa isa't-isa habang nagtititigan ay namasid ako dahil sa kilig. Aba! Parang alam ko na 'yong dahilan ng pag-ngiti ni senyorito!