Chapter 14

1045 Words
"Two thousand nine hundred ninety-nine?!" gulantang na sambit nina Franz at JP nang makitang iyon ang halaga ng load na meron ang bagong phone ko. Napabangon naman ako mula sa pagkakahiga sa arm chair. "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, sis! Yaman mo sa load!" sagot ni JP at may idinagdag pa, "Pahingi naman!" Napa-isip ako. Sobrang dami nga no'n at wala naman akong text mate kaya baka hindi ko maubos bago pa mag-expire. "Sige lang." "My god, Rika!" Nilapitan ako ni Franz. "Sino ba 'tong senyorito na 'to at ganito ka-bongga magregalo?" kuryosong aniya. "Tingin ko si Brandon Monteverde 'yan!" hindi siguradong sagot ni Mona sa kanya. "Nabalitaan ko kasing umuwi siya sa mansyon pero umalis lang din kahapon. Tama ba, Rika?" tanong nito sa akin. Simpleng ungol at pagtango lang ang ginawa ko dahil tinatamad akong magsalita at gumalaw ngayong araw. Pero pumasok pa rin ako dahil malaking puntos din ang attendance at isa iyon sa inaasahan ko para pumasa. Inilagay ni Franz ang kamay sa ilalim ng mukha at tumingin sa itaas. "Hindi ko pa iyon nakita. Pero sa apilyedo pa lang, halata na ngang mayaman!" "True, sis!" sang-ayon ni JP at hinawi ang buhok ko sa likuran. "Rika, baka naman kailangan pa nila ng bagong yaya! Mag-a-apply ako!" Napangiti ako at umiling. "Madami na kami! Bawi ka na lang next life!" "Ano ba 'yan?!" Napangiwi siya. "Pero baka may umalis, i-rekomenda mo 'ko kaagad, ha?" Doon ay humalakhak na ako at tumango na lang bilang pagsang-ayon. Paniguradong iingay ang mansyon kung sinamahan niya ang kadaldalan ni Ate Cathy. "Mga sis!" tili ni Franz na siyang may hawak ng phone ko. Napatingin tuloy kami sa kanya. "Nag-text ang senyorito ni Rika!" "Anong sabi?" pare-parehas naming tanong pero magkakaiba ng tono. Kay JP, excited at may halong kilig. Si Mona naman ay kuryoso. Samantalang ako, tinatamad. "Can I call daw?!" sigaw nito at natakip ng bibig. "Ang gwapo ng typings niya, sis! Hindi jejemon!" "Tanong mo nga kung bakit," utos ko sa kanya dahil bakit naman siya tatawag? Wala ba siyang trabaho ngayon? "Wanna check if you're okay raw!" muling sabi ni Franz at pinaghahampas si JP. "I cannot! Kinikilig ako!" tili niya. Ginantihan naman siya ng hampas ni JP. Ako ang nasasaktan sa paghampas nila sa isa't-isa! "Payag ka na, sis!" "Sige," tipid na sagot ko at napatingin kay Mona nang magsalita siya. "Face time na lang! 'Di ba, gusto niyo siyang makita?" tanong niya kina JP at Franz. Mabilis naman silang tumango at sumigaw ng, "Bet!" "Sis, sabihin ko video call kayo!" paalam ni Franz habang nagtitipa. Hinayaan ko na lang din sila na gumastos ng fifty pesos load para magkaroon ng mobile data at pakialaman ang social media accounts ko para mai-add si senyorito at maka-video call. Umayos naman ako ng upo at hinawi pa ang ilang hibla ng buhok para hindi tumakip sa mukha ko. "Hoy! Mukhang may nagpapaganda rito!" ma-dramang sabi ni Mona sa dahilan para mapatingin sina Franz at JP sa akin. "Ayusan mo, sis!" utos ni JP kay Mona. "Ang putla mo, Rika!" "True, hindi ka dapat gan'yan humarap kay senyorito!" sang-ayon ni Franz. "Ang issue niyo! Ang tanda na kaya ni senyorto saka hindi ko siya bet!" mabilis na pagtatama ko. "Gaga! Ang gwapo kaya! Tignan niyo, mga sis!" kinikilig na sabi niya at iniharap sa amin ang litrato ni senyorito. "Legit 'tong blue eyes niya, Rika?!" hindi makapaniwalang tanong ni JP. Tumango ako para sumang-ayon sa sinabi nilang dalawa at hindi inalis ang tingin sa profile picture ni senyorito. Maayos ang buhok niya at may parteng bumabagsak sa noo niya na siyang tumatakip sa kilay niya. Medyo nakataglid ang mukha niya roon sa picture kaya kita ang perpektong hugis ng panga niya at ang matangos na ilong. Mas nakakaakit pa iyon dahil namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa malayo at nakaawang ng mga labi na may kaunting sumisilip na ngipin. Para siyang modelo dahil hindi rin biro ang suot niyang polo at coat. Ang gwapo talaga ng senyorito! "Ayan na! Tumatawag na!" Tumili si Franz at pinaypayan ang sarili na parang naiinitan. Sinagot niya iyon at akala ko kakausapin niya pero iniharap niya iyon sa akin. "You're in school?" bungad ni senyorito habang nakaupo siya at nakasuot ng white long long sleeve na pinatungan ng itim na coat at may necktie. May suot din siyang eyeglasses at parang nasa opisina siya. Lakas ng dating niya parang naging matalino lalo. Nagta-trabaho yata siya, e! Nahihiya akong tumango at pinigilan ang sariling ngumiti dahil parang tanga ang tatlo na nakabungisngis sa akin. "Why are you smiling, huh? You missed me that much?" Napangiwi ako at mabilis na umiling. "Ew, senyorito!" Humalakhak naman siya at inalis ang eyeglasses nang pinagtuonan ng pansin ang cellphone. "Just kidding! Is it your free time?" Tumango ako at iniharap ang cellphone sa mga kaibigan ko. "Gusto ka raw nilang makilala, senyori—" Hindi pa ako tapos nang kumaway sina Franz at JP sa cellphone ko. "Hi, Senyorito Brandon Moteverde!" pabebeng bati nila rito. Sumunod naman si Mona. "Good afternoon, Sir Brandon!" "Sir!" panggagaya ni Franz. "Ang formal mo naman, sis!" Tumawa lang ako at ibinigay sa kanila ang phone para makita kaming lahat. "Nasaan ka po, Senyorito Brandon? Work?" tanong ni JP. Tulad ko, siguradong napansin niyang parang nasa opisina si senyorito dahil sa background nito at sa suot na business suit. "Yup, I'm working as the CEO of the company," pormal na sagot ni senyorito. Napaawang naman ang mga labi namin dahil sa pagkamangha. CEO pala siya?! Sabagay, sa yaman nilang iyon, paniguradong marami silang kompanya at si senyorito ang tagapagmana at tagapamahala ng mga iyon. "Senyorito Brandon, baka naman naghahanap pa kayo ng bagong yaya? Nandito lang ako, ha? Masipag po ako!" pagbibida na naman ni JP sa sarili na sinundan ni Fanz "Sure! As long as you're on your twenties and meet all the requirements, you can apply." Kumunot ang tanong ko sa sinabi ni senyorito. Gano'n pala 'yon? Bakit sa akin wala namang gano'n noon? "Sir, bakit po si Rika? Mag-e-eighteen pa lang pero—" Nabitin sa ere ang sasabihin ni Mona nang muling magsalita si senyorito. "She's an exemption." Kumunot lalo ang noo ko at napaayos ng upo. Exemption ako? Bakit naman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD