CHAPTER 8

1933 Words
Chapter 8 “Good morning, nerd!” minulat ko ang aking mata, narinig ko kasi ang isang boses sa aking tabi. Ngunit ang boses na iyon ay kilala ko, ngumiti akong tumingin sa kaniya, kahit pa alam kong wala akong ayos at parang sabog ang itsura ko. “Wake up, mag-aalmusal na tayo.” hinawakan niya ang aking noo, naramdaman ko ang pagiging gentle no’n sa akin. “O-okay.” mabilis kong tinakpan ang aking bunganga, baka mamaya ay maamoy niya na bad breath ako. “Why you-” “Kasi hindi pa ako nagtu-toothbrush, Dell!” “So what? Hindi pa nga ako naghihilamos or toothbrush rin.” halakhak niya, kahit ako ay natawa na lang rin sa kaniyang sinabi. “Fine, mag-aayos lang ako. Wala naman tayong pasok ngayon ‘no?” tumungo naman siya at umiga sa tabi ko. “Masarap ba tulog mo dito?” tanong niya sa akin, isinandal niya ang kaniyang likod sa board ng kama. “Uh-huh, masarap naman. Malamig, may air con.” hindi ko alam kung bakit ako natawa sa aking sinabi, “Alam mo naman na wala kami n’yan.” turo ko sa malaking air con. “Gusto mo ba nang ganiyan? Bibili tayo.” hinaplos niya muli ang aking noo, ngunit wala akong naramdaman na kahit anong paninindig ng balahibo. “Niloloko lang kita, ayaw ko nang may ganiya’n, baka hindi na ako umalis ng bahay.” pagbibiro ko, siya naman itong kinatawa ang sinabi ko. “Well, If you want. I will buy you-” “Gagi! Joke nga lang ‘yon, ayoko nga! Nakakahiya ‘yon at saka hindi ko naman iyon tatanggapin. Ayoko, gusto ko bumili ng gamit sa sarili kong pera.” iniayos ko ang aking iga at umupo rin sa likod ng kahoy. “Magiging successful rin ako, Dell. Ako naman ang tutulong sa inyo, once na naging successful na ako.” ginulo niya ang aking buhok at tumungo. “Iintayin ko iyang sinabi mo, but for now? I want you to help me kay Kim.” nahinto ako sa pag-iisip nang sabihin niya iyon, bakit naman sa pwede mong ihingi sa akin ng tulong ay bakit iyan pa? I know, crush ko si Dell. Simula nang malaman at makita ko ang first love at crush ko ay mas gugustuhin ko na lamang si Dell, kaysa kay Pivo na manloloko. “Ano naman ang matutulong ko?” kamot kong tanong sa kaniya. “Oh, bakit parang ayaw mo?” natatawang tanong niya sa akin, talagang ayaw ko ‘no! Tsk, hindi ko lang masabi na ayaw ko, pero wala naman akong magagaw, kung hindi ang tulungan ka. “Hindi naman, ah! Ang sakit kasi ng ulo ko, ginising mo kasi ako.” kahit ang totoo ay kusa lang naman akong nagising, dahil feeling ko ay may nakatingin sa akin. Siguro, malakas talaga ako makaramdam, kahit tignan mo ako sa likod ay mararamdaman kong may nakatitig sa akin. “Then sleep ka muna ulit, baka lalong sumakit ang ulo mo.” nag-aalala niya akong tanungin, “No, I’m fine! Siguro na bigla lang ako sa biglaang pagtayo.” mukha namang naniwala siya doon, kahit ang totoo ay ayaw kong gawin ang kahit ano’ng pwede niyang ihiling sa akin na tulungan ko silang dalawa ni Kim. “Ano ba ang maitutulong ko sa ‘yo?” kinutkot ko ang aking mata, siya naman itong nanlaki ang mga mata at bigla na lamang akong niyakap. “Ang bait mo talagang ‘best friend!” hinigpitan niya ang kaniyang yakap sa akin, habang nakaupo kami sa kama. Best friend.. tss.. “Ano nga?” ako pa itong bad mood, kahit pa bahay naman nila ito at nakitulog lang naman ako. Well, siya ang may gustong matulog ako dito at wala naman akong nagawa, kaya sorry siya. “Gusto ko sana siya bigyan ng flowers.” matamblay akong nakatingin sa kaniya at tumungo, “At? Ayon lang? Ano magagawa ko d’yan, bibigyan mo pala ng flowers.” wala akong part doon, ano gusto niyang gawin ko? Tumingin? Iyon na lang ba ang makakatulong? “I mean, tulungan mo ako kung ano’ng flower na ibibigay ko.” iyon lang pala, edi bumili ka ng rosas. “Roses, girls like roses.” baka sabihin niyang hindi, sasakmalin ko siya. “Bibili tayo, bukas ay tatanungin ko na siya kung papayag na ba siyang maging girl friend ko.” ngumiti nanaman siya sa akin, ngunit ako? Hindi ako makangiti, hindi ako makatawa, hindi ko mapigilan ang tumaas ang aking kilay. “Wow, oo naman. Sasagutin ka niya.” wala nanamang kabuhay-buhay kong sabi sa kaniya. “Oo nga, kita nga sa ‘yo na proud ka.” ngumiwi siyang tumingin sa akin. “Nye.” aminado akong nalulungkot ako. Nasanay akong, ako lang. “Siguro nagseselos ka ‘no? Nako! Ang best friend ko!” kinikilita niya ang tagiliran ko, tinutusok-tusok niya ito, hindi ko nararamdaman ‘yung kiliti, e. ‘Yung sakit mismo ang nararamdaman ko. “Kahit na may girl friend na ‘ko, ikaw pa rin ang pinakamahal kong best friend.” ngumuso ako at tumungo, isang yakap ang kaniyang ibinigay sa akin. “’Wag ka nang magtampo, saka parati pa rin naman kitang susunduin at sabay pa rin tayong uuwi.” nang pakawalan niya ako sa kaniyang yakap ay isinandal ko ang aking ulo sa balikat nito. Sanay naman siya na ginagawa ko iyon sa kaniya. Gano’n kami ka close sa isa’t-isa. I mean, para kaming magkapatid o hindi naman kaya na girl friend- boy friend na hindi. Ang gulo, ‘di ba? “You’re still my girl, Tine.” I wish na ‘yung ‘girl na sinasabi mo ay iyong ‘girl ng buhay mo. Nang makababa kami ay una kong nakita si Pivo na kumakain sa kaniyang upuan. Sa bahay na ito ay may kanya-kanya silang pwesto, ako lang ang salit-pusa na umuupo sa tabi nila. “Good morning.” kahit hindi kami gano’n ka close ay hindi naman gano’n ka walang modo, tulad niya. Binabati ko pa rin siya ng ‘good morning. “What’s good in the morning?” ngumuso na lamang ako nang sabihin niya iyon. Ang aga-aga ay mainit nanaman ang kaniyang ulo. “Mas mainit pa ulo niya, kasysa sa kapeng hawak ko.” bulong ko kay Dell na kaniya namang ikinatawa, “Don’t say that, nasa tapat lang natin si Kuya.” nguso niya sa aking harapan, nang sundan ko iyon nang tingin ay agad kong nakita si Pivo. Kumain rin siya ng waffles na may chocolate syrup sa ibabaw, habang tumitikhim sa kaniyang inumin. “After nito ay pahinga lang muna tayo, nood na lang tayo movie ‘tapos saka na tayo pumunta sa seaside.” wala siyang pakialam kung nariyan ang kaniyang kapatid, basta patuloy lamang siya sa mga kaniyang sinasabi at mga gagawin namin ngayon araw. “Ihahatid na lang kita, bago magdilim.” ngumiti siya sa akin, masaya kong makita siyang nakangiti lagi. Mabuti na lang talaga at nakangiti siya, dahil nakakahawa iyon, hindi tulad ng isa. Sa sobrang sungit at suplado ay nahahawa na rin ako sa kaniya. “Eat.” utos ni Dell, sa bahay ang inuumagahan ko lamang ay pandesal. Wala na minsan si mama sa umaga at napunta na siya ng farm, minsan naman ay nariyan upang paghandaan ako sa umaga. “Hindi mo na ako kailangan pang pagsabihan.” hampas ko sa kaniyang braso, siya naman itong humalakhak, “Gusto mo pa ata nang sinusubuan.” nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi, “Sira ulo!” hindi ko napigilan iyon, isang ubo ang aking narinig. Ubo na hindi totoo, animo’y ubo na parang sinasabi na nasa hapag kami ng pagkain. “Ang corny niyong dalawa, kakain na lang ang dami niyo pang harot sa buhay.” para siyang literal na Kuya, kung pagsabihan kaming dalawa. “Kakain na po, Kuya.” hindi ko balak na inisin siya, sadyang nasabi ko lang iyon at hindi ko sinasadya. Okay, fine. Sinasadyan ko naman talaga na sabihin iyon sa kaniya. “Kasing pangit mo ang umaga ko.” umangat ang labi ko sa kaniyang sinabi, “Mas pangit ka, kasing pangit mo ang mukha mo.” hindi ko naisip ang sinabi ko, “Huh?” kahit si Dell ay hindi niya rin iyon naintindihan. “Good morning, kids.” magsasalita na sana ako nang biglang sumulpot si Tita Belle mula sa kaniyang long sleepwear gown. “Phini, my tea, please.” utos niya kay Ate Phini, mabilis naman tumungo ito at umalis. “So, Tine. Nakatulog ka ba nang maayos?” masayang tanong niya sa akin, ako naman itong nahihiyang tumango. “What a sweet caring lady.” ngumiti siya sa akin, “By the way, nasabi na ba sa iyo ni Dell?” kinabahan ako, baka sasabihin na ni Tita ang scholarship ko rito. “Magpaalam ka na kay Mommy mo, Tine. You will live with us-” “Mom, that’s unfair! Without my consent?” “Hijo, hindi ko papatulugin sa kwarto mo si Tine. Why you’re so angry, Anak?” “I don’t like her, Mom! Sinabi ko na iyan sa iyo kagabi!” tinignan ko si Pivo, ngunit hindi iyong masama. Naiintindihan ko siya, may karapatan siya dahil anak siya ni Tita Belle. Bahay nila ang titirahan ko, “Then, what do you want me to do? Bilhan si Tine ng condo unit?” mas lalong kumunot ang kaniyang noo, “No!” suminghap ang kaniyng ina ng hangin, sabay no’n ang pilit na ngiti sa kaniyang labi. “Ivoro, not right now. Kakagising ko lang, Anak.” turo niya nito gamit ang kaniyang hintuturo kay Pivo na kulay pula ang cuticle. “Dell, iayos mo ang papers niyong dalawa ni Tine. May isang taon pa kayo. Si Pivo ay graduating na this year at doon na siya mag-stay sa Manila.” muli kong pinasadahan ng tingin si Pivo, wala siyang gana natignan ang kaniyang waffle. “That’s unfair, Mom. You didn’t give me a choice! Then this woman, bibigyan mo nang pagkakataon na pag-aralan ang pangarap niya? I’m your son! It should be me, who you will give opportunities to reach my dream!” singhal niya, kita ko ang pagkabigla ni Tita Belle sa sinabi ni Pivo. “Ivoro, hilig mo lang iyon. You should be more practical! Can your damn camera, can make the Villion corp-” “This is bullsh*t!” malakas niyang hinampas ang mesa, kahit ako ay napatalon sa ginawa niya, habang nasa upuan ako. “Madam, ito na po ang ‘tea.” kasabay nang paglapag ni Ate Phini ng tea sa harap ni Tita Belle ay saktong umalis si Pivo, “Pivo!” sigaw naman ng kaniyang ina. “God, that man!” hilot-hilot niya ang kaniyang sintido. “I’m so sorry, Tine.” umiling ako, bakit si Tita Belle pa ang nanghihingi ng sorry sa akin? Doon ko lang naintindihan, kung bakit ayaw ni Pivo na pag-aralin ako ni Tita Belle. Hindi ko rin alam kung bakit pa luluwas ng Manila si Dell, kung mayroon naman rito ng course na gusto niya. Ang aking lang naman ang wala, “Please, continue your breakfast..” malambing niyang utos sa akin. Ako naman itong tumungo na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD