Chapter 9
Nang matapos kaming kumain ay mabilis naming inihanda ang aming dadalhin para mamaya sa seaside. Malapit lamang iyon sa kanilang mansyon, pwedeng liguan at pwede mong pagtambayan. May daan rin doon na papunta sa amin, ngunit asahan mong medyo malayo.
“Akala mo talaga ay may gagawin siya sa seaside.” natatawa kong sabi sa kaniya, siya naman itong natawa lang rin sa sinabi ko. “Oo, ang tignan kang magsulat!” pang-aasar niya sa akin na agad ko namang kinatawa. “Ewan sa ‘yo! Busy ka sa phone mo, ah.” nguso ko sa kaniyang telepono, para kasing may ka-text siya, bakit pa ba ako nagtanong. Malamang iyan si Kim, ka-text niya ngayon. “Ah, wala.” mabilis niyang itinago ang kaniyang cell phone at tumingin sa akin.
Kahit itago mo pa ay alam ko naman ‘yan.
“Ano papanoorin natin?” lumabas kami sa kaniyang kwarto. Ang unang hinanap ng aking mata ay si Pivo, hindi ko alam kung bakit ko siya hinanap pero gusto ko lang makita, kung asan ba siya ngayon. “May hinahanap ka ba?” dumungaw sa akin ang mukha ni Dell, naningkit ang aking mata. “Si Ate Phini, sama sana natin manood.” tumaas ang kaniyang dalawang kilay. “Ano ba ang papanoorin natin? Baka mamaya ay hindi niya pala gusto ang papanoorin natin.” ngumuso akong sabihin niya iyon sa akin, “Oo na.” iyon lamang ang naging sagot ko nang makarating kami ng sala.
“Nakita mo ba si Pivo?” salubong agad sa amin ng kaniyang ina, “Wala ba sa kwarto niya?” tanong na sagot naman sa kaniya ni Dell. Minsan, hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang nila sagutin ng ‘Hindi o Oo, dahil iyon lang naman ang sagot sa tanong ng kaniyang ina. “God! Where’s Pivo!?” umarangkada nanaman ang kaniyang tono na tila parang naiinis sa kaniyang anak na si Pivo. Panigurado ako at tumakas nanaman iyon, hindi niya talaga kayang hindi mambabae.
“Mom, stop acting like Pivo was a child.” mahinahon niya iyon kung sabihin sa kaniyang ina. Ako naman itong nakatingin lamang sa kanilang dalawa, “Sakit talaga itong bata ‘tong sa ulo.” hinawakan niya ang kaniyang ulo, tumaas ang kaniyang kilay. Ngunit nang makita niya ako ay nanliwanag nanaman ang kaniyang mukha. “Oh! Tine, you’re here pa rin pala! Ano balak niyong dalawa?” nanunuksong tingin, kung tignan kaming dalawa ni Tita Belle. Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti lamang, “Gagawa ng assignments? Sa seaside?” sagot ni Dell.
“Ow! Assignments! Sige, bigyan ko kayo ng project.” nagkatinginana kami muling dalawa ni Dell. Hindi ko rin alam kung ano ang naiisip ng kaniyang ina. “What is it, Mom?”
“Project niyo ay bigyan ako ng apo!” saka siya humalakhak, nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Ni hindi nga ako gusto ng lalaking ito, tapos gusto niya pa ng apo? “Mom! ‘Wag mong pakinggan ang sinabi ni Mom!” hinawakan niya ang tainga ko, para siyang sira ulo. Narinig ko na nga, tapos saka niya lang ako sasabihan na ‘wag pakinggan! “Okay! Okay, babalik na ako sa office.” ngumiti siyang tumingin sa akin at kinindatan ako, ako naman itong nagulat lamang. “Kakaiba talaga si Tita Belle.” bulong ko kay Dell nang inihanda niya ang mga kakainin namin. Tinignan ko ang labas, nagbabakasakaling makita ko si Pivo.
Bakit ko ba iniisip si Pivo?
Nang makaupo ako sa kanilang sofa ay agad kong tinignan ang kanilang labas. Malaki ang kanilang bintana at kita mo ang labas nito, kahit anong tago ang gawin ko sa isip ko ay aminado akong hinahanap ng mata ko si Pivo. Ang hindi ko lang alam ay para saan ko iyon ginagawa? Para saan ko siya gustong hanapin?
“What do you want- are you looking for something?” napatalon ako nang kaunti, habang nakaupo sa sofa. Kumalabog ang aking dibdib nang tanungin ako ni Dell. Shaks, obvious na ba talaga? “W-wala! Si Ate Phini lang nga.” nanliit nanaman ang kaniyang mata na tumingin sa akin, “Napapansin ko nga, kanina mo pa siya hinahanap.” ngumuso ako, parang sarcastic na kasi ang pagkakasabi niya no’n, tila hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. “Si Phini.” tinuro ko ang kaniyang mukha, saka umaliwalas ang kaniyang ngiti.
“Lagyan mo ng ‘Ate nga, ‘di ba? Mas matanda si Ate Phini sa ‘yo nang ‘di hamak na taon!” isang taray ang nakita ko sa kaniya, bago siya lumapit sa akin na may hawak na remote. “Oo na, ito talaga! Nag-a-ate naman ako.” natatawa nanaman niyang sagot sa akin, “Nag-a-ate daw? Ano ka si Pivo?” kita ko ang paniningkit ng kaniyang mata. “Alam mo kanina ko pa napapansin, ah! Kanina mo pa hinahanap si Kuya.” umiling ako nang mabilis, ayokong mapansin niya iyon. Ito rin naman kasing sarili ko, hindi ko alam kung bakit rin ba hinahanap ang lalaking iyon. “Si Ate Phini nga ang hinahanap ko!” nang sabihin ko iyon ay nakarinig ako nang isang labag mula sa kanilang tiles, may papunta sa sala. Sigurado ako doon dahil ang tunog ay papalit lamang sa gawi namin.
Kada hakbang nang nariring ko ay kumakalabog ang dibdib ko, boset. Ang lalaking iyon lang talaga ang nakakagawa no’n sa akin!
“Oh, narito na ang juice niyo.” napaubo ako nang makita ko si Ate Phini na may hawak na tray at dinala iyon patungo sa amin. “Salamat, Manang.” pagpapasalamat ni Dell kay Ate Phini. Sa totoo n’yan ay ‘Manang talaga ang tawag niya kay Ate Phini, minsan naman ay Ate Phini rin, kanina niya lang tinawag na Phini. “Ano ba ang papanoorin niyo? Ang akala ko ay lalabas kayo at pupunta sa seaside?” tinignan ako nito na parang sa akin siya nanghihingi ng sagot. “Ah, mamaya pa po, siguro po mga hapon.” tumungo ito sa aking sagot. “Kanina ka pa niya hinahanap, sama ka daw manood sa amin.” turo ni Dell sa tv nilang may mga iba’t-ibang palabas.
“Nako, hindi ako makakasama sa inyo manood at may kailangan pa akong tapusin sa kusina.”
“Gusto niyo po ay tulungan na kita? Para makasama ka pong makanood sa amin ni Dell?”
“Hindi na! Nako, ang batang ito talaga ay napakabait.” gusto ko lang naman na tulungan siya, narito ako sa loob ng mansyon ng mga Villion. Natural lang lamang na tumulong ako sa kahit ano’ng paraan na pwede kong maitulong sa kanila. “Mauuna na ako, kayo na ang bahala d’yan.” umalis siya nang hindi hinintay ang sagot ko sa kaniya. “Ako na ang namili ng panonoorin natin, ah.” wala naman akong nagawa, kung hindi ang tumungo na lamang.
“Ayan, horror!” pumapalakpak pa siya, lumukot ang mukha ko. Alam naman niyang matatakutin ako, iyan pa ang napili niyang panoorin namin? “Oh, bakit ganiyan ang mukha mo?” turo niya pa sa noo kong kunot, sinundot niya iyon ng kaniyang hintuturo. Agad naman niyang iniangat, nang makita ko ang kaniyang mukha ay napangiti na lamang ako. Nahawa ako sa kaniyang maganang ngiti, “Kayong mga babae, pagtinatanong kayo, sasabihin niyo ‘kahit ano.” sumandal siya sa sofa, narinig ko ang panimula ng palabas. Aminado akong kinabahan ako, natatakot kasi ako sa tunog.
“Tapos ang sinasabi niyo ‘pag kami na ang namili, ‘ayaw ko n’yan.” panggagaya niya sa boses babae, hindi siya nakangiti ngunit ako naman itong natawa. Natatawa ako sa reaksyon niya, kahit sa kaniyang gesture. Ang labi niya kasi ay tila parang nang-aasar, iyong tipong nakanguso. “Ang gulo ng isip niyo.”
Hindi ako makapag-focus sa pinapanood ko, hinaharang ko kasi ang aking kamay, upang hindi ko makita. Ang nakikita ko lang ay iyong nasa gilid lang. Kahit nga hindi ko nakikita ay natatakot ako, dahil sa tunog. Minsan na rin akong nagulat, nakakainis naman itong palabas na ‘to!
“Ano ba ‘yan! ‘Wag mo takpan ‘yung mata mo! Nanonood tayo!” ibinababa niya pa niya iyon, ngunit ako naman itong nasigaw, dahil ayoko nga makita ang mukha ng multo. “Matatapos lang ‘yung palabas nang hindi mo napapanood.” bakit pa kasi iyan ang napili mo! “Nakakatakot kaya!” bulyaw ko sa kaniya, nakatingin ako sa kaniya nang sabihin ko iyon, habang ang aking kamay naman ay nakaharang pa rin. “Nakakatakot kaya.” panggagaya niya sa boses ko, “Malamang! Wala naman kaming pwesto. Pag-action ang pinili namin, hindi kayo manonood. Pag-horror naman natatakot kayo, pag-comedy nabo-bored kayo. Romance naman ‘hindi namin trip. Saan kami lulugar?” kamot niya pa sa kaniyang ulo.
“Maraming pwede namang panoorin, bakit nakakatakot pa?”
“Tinanong kita kaya kanina!”
“Alam mo namang hindi ako pwedeng manood n’yan, natatakot ako!” parang hindi naman niya ako kilala. Ang tagal na naming magkaibigan ‘no! “Kaya nga nakakatakot e, alangang kiligin ka!” ang hirap naman nitong kausap. “Oh, bakit kayo nag-aaway d’yan?” kahit nakaharang ang kamay ko ay kita ko sa gilid ko si Ate Phini, “Hindi mo pa iniinom ang juice mo, Tine?” umiling ako nang nakangiti. “Paano iinom ‘yan, ayaw makita ‘yung multo.” humalakhak siya nang malakas, kahit gusto ko siyang sampalin at hambalusin ay hindi ko magawa.
“Ibahin niyo na lang ang pinapanood niyo, kung natatakot ka, Tine.” magsasalita na sana ako nang sumagot si Dell, “Tapos na nga po, saka ako lang naman ang nanonood. Ako ata ang pinapanood nitong si Tine.” ngumisi lamang ako nang ibaba ko ang aking kamay. Totoo nga ang sinabi niya, wala nang palabas sa tv. “Ibig sabihin, dalawang oras nang nakataas lang ang kamay mo, Tine?” dalawa silang pinagtawanan ako, “Ang bata ‘to, talaga.” umiiling na kinuha ni Ate Phini ang ilang kalat sa mesa.
“Maliligo lang ako, tapos ayusin ko na ‘yung mga dadalhin natin sa seaside.” tumayo ito at naglahad ng kamay sa akin. Agad ko naman iyong kinuha, naramdaman ko ang pamamanhid ng aking tuhod. Kanina pa kasi ako naka-indian seat. “Oh! Oh! ‘Wag mong susubukan!” nakatayo lamang ako, kada galaw ko ay para akong nakikiliti. “Ha?” animo’y walang naririnig niyang tanong sa akin, nang bigla niyang binangga ang aking binti ng kaniyang paa.
Halos para na akong mamatay kakatawa, dahil sa kaniyang ginagawa.
“Ano! Ano!” mabuti na lamang at nawawala na rin kaunti ang pamamanhid nito, pero siya ay todo bangga at hampas pa rin sa binti ko. “Wala na!” siya na ngayon ang hinampas ko. “Tsk, maligo ka na rin sa taas, para pagtapos ko ay aalis na lang tayo.” ginulo niya ang buhok ko, tinignan ko lamang siyang makalayo sa akin at siya naman itong umakyat, patungo sa kaniyang kwarto.
“Kung gano’n ay mag-ayos ka na rin, Tine. Para hindi na kayo magsayang pa ng oras.” hinawakan ako ni Ate Phini sa likod, tila hinimas niya iyon. Sumabay ako sa kaniyang maglakad, nang makarating na ako sa hagdan ay agad naman kaming dalawa na huminto. “Hindi sa ayaw ko sa ‘yo para kay Dell, ah.” umawang ang labi ko. Ano ba ang sinasabi ni Ate Phini sa akin, ayaw niya sa akin para kay Dell?
“Pero, satingin ko ay pinapasa mo lamang kay Dell ang pagmamahal mo sa isang tao.” sa sobrang kaba ko ay hindi ako nakapagsalita, kagabi ay ganito rin siya sa akin. Kung anu-ano na ang napapansin niya sa akin. “’Wag mong pilitin ang sarili mo, Tine. Dahil pagpinipilit mo ang hindi gusto ng Panginoon na mangyari sa iyo ay papangit ang kakalabasan.”