Chapter 10
“Ikaw na lang muna ang mauna sa seaside.” kumunot ang noo ko, pinagmamadali niya ako kanina, tapos ngayon ay papaunahin niya ako doon? “Akala ko ba, sabay tayo?” nagtataka na ako, kanina pa kasi siya tipa nang tipa sa cell phone niya.
“Ah! Nag-chat kasi sa akin si Kim, magkita daw kami saglit.” tumaas ang kilay ko, dahil lang doon? Dati naman ay may mga nililigawan rin siya, ngunit sa tuwing time naming dalawa ay hinahayaan niyang maghintay ang babae na ‘yon sa kaniya. Ngunit ngayon ay nag-iba na, baka mahal niya talaga si Kim. Sympre, maganda ang boses.
“Ha? Paano ako?” may kung ano sa boses ko ang medyo nalungkot. Feeling ko naman ay naramdaman naman iyon ni Dell, dahil nakita niya ang aking itsura na malungkot. “C’mon, Tine! Babalik rin ako, nagpapasama lang siya bumili ng gitara.” magtatagal ‘to panigurado, syempre kakain pa sila. Magtatawanan, kwentuhan, marami pang iba! “Minsan ko lang makakasama si Kim, please.” nag-puppy eyes pa siya sa akin, huminga na lamanga ko ng malalim. Wala naman akong magagawa, dahil gusto naman niya talaga ang babaeng iyon, kaya dahan-dahan na lamang akong tumungo.
“Yes! Magdadala ako pasalubong, ano gusto ng best friend ko?” sa tuwing sasabihin niya iyon ay parang naiirita ako, kahit totoo naman ang sinasabi niya na bestfriend niya ako, bakit feeling ko nasasaktan ako? “Kahita ano, basta malamig.” ngumuso ako, saka ako unti-unting ngumiti. “Okay, alright! Doon ka lang sa kubo ah! Babalik rin ako agad, dala mo ba cell phone mo?” tinignan niya ang kamay ko, kung may bitbit ba ako. Itinaas ko ang aking kanang kamay, dala-dala ko ang cell phone ko.
“Tatawag ako sa ‘yo, once na nakarating na ako sa mall.” ngumiti muli ako ng tipid. Nang makalabas na kami ay inihatid niya lamang ako sa kubo, katapat no’n ang magandang tanawin ng asul na dagat. Parang ang sarap tuloy maligo, kaso naisip ko na may gagawin pa pala ako. At nakakahiya naman na bumalik ng mansyon na wala si Dell. Baka sabihin ay feeling home na talaga ako doon, kahit pa sinasabi ni Tita Belle na mag-feel at home lang ako sa mansyon nila, syempre nakakahiya pa rin naman.
“I’ll call you, okay? Good bye.” mabilis niyang hinalikan ang noo ko, sanay naman ako na gano’n siya. Kahit pa noong mga bata pa kami ay gano’n na siya sa akin sa tuwing aalis siya. Nu’ng nag-high school na kami at senior high ay pinatigil ko siya sa kakagano’n niya sa akin. Marami kasing babae ang nagagalit sa akin, kahit pa alam naman nila na best friend lang ako.
Maraming nag-iisip na kaya ko lamang kinakaibigan ang mga Villion, dahil may pera sila. Lalo na nu’ng makarating sa kanila na scholar ako. Sa school kasi namin ngayon ay hindi ko mapagkakailang mayayaman ang mga naroroon, dahil scholar lang naman ako ni Tita Belle sa school na iyon ay talagang nag-aral ako ng mabuti.
Umalis si Dell at ngayon ay ako nalamang mag-isa sa kubo, mabilis kong sinimulan ang pagta-type ko sa kaniyang document. Dahil sa ganitong paraan na lamanga ko makakabawi sa kanila, kulang pa nga ito, dahil magkano na ang nagastos nila sa akin. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang lahat ng iyon, kapag nakatapos ako nang walang nangyari sa buhay ko.
“Sana pala ay kumuha ako ng biscuit.” kumalam ang sikmura ko sa kalagitnaan nang pagsusulat. Kanina pa nga ako tingin nang tingin sa aking telepono, tila inaantay kung nag-text na ba si Dell. Ngunit wala pa rin, siguro mga twenty minutes na ang nakakalipas. Hindi pa rin siya natawag? Hindi naman malayo ang mall, ah! Siguro ay nakalimutan niya lamang ako, dahil kasama naman niya si Kim. “Nakakagutom!” hindi ko mapigilang isigaw iyon, luminga-linga ako. Alam ko ay may puno rito ng saging na mababa, “Wala naman sigurong magnanakaw ng laptop niya rito, ano?” tanong ko sa aking sarili nang maisipan kong kumuha ng kahit anong makakain.
Lumingon ako sa mansyon na matatanaw mo lang sa aking kinauupuan. Aakyat ka lang sa bato at naroon na ang masyon nila Dell.
“Bahala na, nagugutom na ako.” nang makatayo ako ay mabilis akong lumabas ng kubo. Dinama ko ang tunog ng alon na humahampas sa dalampasigan. “Ah, so refreshing!” sarap na sarap ako sa hangin na aking nararamdaman, tinanggal ko ang aking tsinelas at binato iyon sa aking likod na kung saan ay naroroon ang kubo. Mabilis akong naglakad, ngumiti ako nang maramdaman ko ang tubig na tumatama sa aking paa, mula sa maliit na alon sa dagat. “Ang lamig ng tubig.” masaya kong sambit.
Luminga-linga ako. Ang alam ko pa kasing puno ng saging na mababa ay nasa kalagitnaan nito. Nagdadalawang isip na tuloy ako, kung papasok ba ako sa mansyon para humingi ng pagkain o kukuha na lamang ako ng saging sa alam kong puno na mababa.
“Bahala na nga!” mabilis akong naglakad nang nakayapak, mabuti na lang at hindi mainit sa paa ang buhangin na puti. Kung ako nga lang sa mga Villion ay gagawin kong resort ito. Sayang ang ganda, kung wala naman masyadong nakakakita. Ang linis ng dagat at palagay ko maraming dadalo rito na iba’t-ibang lahi.
Ngumiti ako nang maalala ko na malapit na ako sa unang tagpuan namin ni Pivo. Naglalakad lamang ako nang hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako, habang naiisip iyon.
“Uhmm.. Pi.. vo..” nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang boses ng babae, kumalabog ang puso ko. Hindi ako makalingon sa gilid, dahil alam ko sa sarili ko kung sino iyon. Kung sino ang lalaking nakatalikod, habang may hinahalikang babae na nakasandal sa bato. Nanlaki ang aking mata, nang tignan ko silang dalawa. “Ahmm..” kitang-kita ko kung paano kagatin ng babae ang kaniyang labi, nang halikan siya ni Pivo pababa sa kaniyang leeg.
Unti-unting kumuyom ang aking dalawang kamao sa aking nakita, hindi na siya talaga nadala! Pinagsabihan na siya ng kaniyang ina, ngunit ngayon ay ginagawa niya pa rin! Kailan ba siya matututo?
“Oh, god!” nanlaki ang mata nang babae nang minulat niya ang kaniyang mata at nagtama ang paningin namin. Mabilis niyang itinulak sa Pivo, “M-may bata..” rinig ko pang bulong niya, hindi nawala ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nang lingunin ako ni Pivo, ay parang hindi na siya nagulat na narito ako. “H-hindi ba, siya iyong best friend ng kapatid mo?” iba nanaman ang babaeng kasama niya, nu’ng kahapon ay si Zen. Iyong babae na sikat sa school namin, ngayon naman ay iba?
“Uh-huh. Kid, what are you doing here? Asan si Dell?” kid? Wow, ah! Tinawag mo akong kid? Tinarayan ko lamang siya at naglakad na lamang papalayo sa kanilang dalawa. Hindi kalayuan sa kanila nang umakyat ako muli sa bato, ngunit sa sobrang katangahan ko ay agad nadulas ang kanang paa. “Ouch!” napapikit ako sa sakit, nang tignan ko ang paa ko ay nakitaan ko iyon ng sugat at dugo. “Ang malas ko talaga!” singhal ko, nagugutom na nga ako, badtrip pa ako sa nakita ko, ngayon naman ay nasugatan pa ko!
“Why you’re so clumsy?” umangat ang tingin ko nang magulat sa nagsalita. “Tsk, kahit kailan ay ang tanga-tanga mo. Kada taon ay lumalala ang pagiging tanga mo.” talagang ngayon niya pa ako nilait, ah! Hindi ko ininda ang sakit nang mabilis akong tumayo, “Ano ginagawa mo dito? Pumunta ka na don sa babae mo.” nakagat ko ang aking labi, nang maramdaman ko ang sakit.
“Satingin mo may gana pa akong halikan ‘yon, kung narito ka?” doon ko lamang nakita ang kaniyang suot. Isang sando nanaman na tila parang nakulangan sa tela at shorts na gray, habang ang suot naman niyang tsinelas na sandugo. Pumikit-pikit naman ako nang makita ko kung paano hanginin ang kaniyang itim na buhok, napakagat na lamang ako sa labi.
“Kahit na! Ano naman ngayon?” taas tingin ko pang sambit. Ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng bulsa ng kaniyang shorts. Inilabas niya ang kaniyang kaliwang kamay at tila isinuklay iyon sa kaniyang buhok. “Kung iiwanan kita rito, baka hindi lang ‘yan ang mangyari sa ‘yo sa sobrang katangahan mo.” turo niya sa paa ko. “Nadulas lang ako! Pero kaya ko naman!”
“Ang tanga ng bato, ‘no?” kumunot ang noo ko sa kaniya, talagang inaano niya pa ako na tanga ang bato. Mukha ‘bang may buhay ‘yan? Hindi niya na lang sabihin sa akin na tanga ako, aminado naman ako. “Ang hilig mong maglakad ng walang tsinelas.” agad siyang lumapit sa akin at agad namang lumuhod. “O-oy!” inilayo ko ang aking paa na may sugat sa kaniya. Baka mamaya ay pisilin niya pa iyon, wala pa naman ‘tong awa. “Umayos ka nga!” nagulat ako nang kaunti sa kaniyang sigaw, para akong naging kuting na umamo, dahil sa kaniyang sigaw.
“Upo.” utos niya, kumalabog ang dibdib ko at agad kong hinawakan ang kaniyang balikat, upang maging suporta sa aking pag-upo. “A-ano ang ginagawa mo?” kinabahan ako nang hubadin niya ang kaniyang sando na kulang sa tela. Kung pwede lang matunaw ang kaniyang dibdib ay matutunaw na iyon ngayon sa sobrang titig ko sa kaniyang dibdib, bumaba ang tingin ko sa kaniyang abs. Oh, sh*t!
Nang matanggal niya ang kaniyang sando ay agad umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha.
“B-bakit mo-” hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hilain niya ang paa ko at tila ginawa niyang benda ang sando nito sa aking sugat. “A-ouch!” hindi ko mapigilang indahin nang maramdaman ko ang sakit, dahil tumama ang kaniyang tela sa aking sugat. “Don’t worry, malinis ang damit ko.” tinitignan ko lamang siyang iniikot ang sando niya sa aking sugat. Ngunit, hindi nakatakas ang paningin ko sa kaniyang leeg, bakit parang ang sarap niyang tignan?
Ang muscle niyang hindi masyadong malaki, ngunit masasabi mo namang fit siya. Nagwo-work out siya sa pagkakaalam ko, hindi pa masyadong mature ang katawan niya, pero ang sexy niya nang tignan.
“Ano ba ang ginagawa mo dito?” nang matapos niyang balutin ang paa ko, para tuloy akong pilay. “K-kuha ng saging.” nahihiya man akong sabihin iyon sa kaniya ay wala naman akong magagawa kung hindi magsabi na lang ng totoo. “Saging? May saging sa bahay, bakit dito ka pa kukuha?” kumunot nanaman ang kaniyang noo, pinagpag niya ang kaniyang dalawang kamay. Habang ako naman ay nakaupo pa rin. “Asan si Dell? Bakit ka niya hinayaan nanaman na pumunta-”
“Umalis kasi siya, sinamahan iyong girl friend niya na bumili ng gitara. Nahihiya kasi akong bumalik sa mansyon at kumuha ng pagkain.” nguso kong sabi, iritado siyang kinamot ang kaniyang ulo. “Paano kung wala ako dito? ‘Di, gagapang ka pabalik ng mansyon?” kunot-noo niya pang bulyaw sa akin, hindi naman ako nakasagot sa kaniya, dahil totoo naman ang kaniyang sinabi. Paano na nga lang ako, kung hindi niya ako sinundan.
Nanlaki ang aking mata, sinundan niya ako. Nasan na ang babae? Iniwan niya?
“Teka, ‘yung kasama mo?”
“Mukha ‘bang uunahin ko pa ‘yon? Nandito ka!”
Nahinto ako, hindi ako nakangiti ngunit kumakalabog naman ang dibdib ko. “Maghintay ka lang d’yan, kukuha ako ng saging at may unggoy na nagugutom.” hindi siya ngumiti, kalimitan sa tuwing nang aasar siya ay nakangiti siya. Siguro ay badtrip talaga siya sa aking ngayon.
Agad kong sinundan ng tingin siya kung maglakad papalayo, upang kumuha sa mababang puno ng saging. Ngunit, umarangkada sa isip ko ang kaniyang kagaguhan, napakababae ng lalaking ito.