Hawak Kamay Muli
♔ Samuel
“Bro, Are you ready for your exams” bungad sa akin ni Tyron. Days… Months… Flew so fast like a whirlwind, it’s the month for the Bar Exam. My review was a blast, I have Tyron and some of his mentors helping me and I am confident I can ace the exams. My family supported me by taking out some responsibility from me. Mom is temporarily acting as a CEO in some meetings during the last month of my review and during this month of the Bar Exam. Livi is doing most of the work and Mom is just sitting in the meetings, as My Love doesn’t want to do it on her own.
“Thanks for your help Bro and Yes I am ready” balik ko sa kanya, nasa penthouse kami ngayon… bukas na ang first day ng exam, wala si Livi umuwi sa kanila pero nangako naman siyang luluwas bukas para suportahan ako. Kung si Tyron ang nagpupuno ng utak ko sa Law Books, si Livi naman ang source of strength and inspiration ko… halos gabi gabi siyang dumadaan sa penthouse para lang ipagluto kami ni Tyron nitong nakalipas na buwan.
“That’s good to hear, dapat confident lang Bro alam kung kayang kaya mo yan baka mag top ka pa mas henyo ka kesa sa akin. At may Olivia ka pang inspirasyon, I can’t believe that woman stayed by your side kahit masungit ka” natatawa niyang sabi
“Well, I told you the feeling is mutual between us” mayabang kung sabi
“Yabang mo, agawin ko kaya yang My Love mo” asar niyang balik sa akin
“You can try, but I doubt you’ll win over me” confident kung sabi
“Ang hangin, Oo na… wala akong panalo sayo mukha namang na uto mo na naman ang My Love mo” hirit na naman niya
“Bro, I did not make “uto” her… You know our past, this is our second chance and I will not waste it with “pambobola”. This is me in my truest form and I am a happy man that she’s accepting all my flaws and faults” paliwanag ko
“Yeah! You are one lucky man, totally whipped too” sang ayon niya…
Hell Yeah! I am a lucky f*cking son of a b***h to have Livi by my side and I can’t wait to be done with this Exams and have my way with her. She may not say it but I can feel it, she’s fallen to my charms as I am to her.
Four Sundays of painstakingly difficult exams… is finally done. It was strenuous, grueling... hellish even but I am optimistic as well as convinced that I’ve aced it. I am not a very religious man but My Love put me through a series of church visits, hearing masses, novenas and offerings… para daw sa maayos exam days at para na rin sa pag pasa ko. Hindi ko man aminin malaki ang naging tulong nito sa akin… kumalma ako at pinaubaya sa “Taas” ang lahat. Hindi rin ako iniwan ni Livi, all Sundays siya ang kasama ko at si Tyron… masyado kasing ninerbiyos si Mommy at as usual walang pakialam si Daddy all he wants is for me to pass it… with flying colors if possible.
Luckily, I am so inspired to do the exam… we are a couple now. Noong unang Linggo ng exams, ipinag drive niya ako papunta sa venue kabado ako antagal kung lumabas ng kotse…
“Samuel, you can do this” sabi niya sa akin, dumukwang siya at hinawakan ang magkabila kung pisngi para iharap sa kanya saka ako nginitian ng apaka tamis. Hindi na ako nagpigil pa, pinaglapat ko ang mga labi namin, masuyo ko siyang hinalikan wala naman siyang pagtutol. Para akong Bar Topnotcher ng oras nayun… matagal ko rin hinintay ang pagkakataon na ito. Para kaming uhaw na uhaw sa isa’t isa… huminga lang kami ng maubusan ng hangin at bumalik ulit sa walang humpay na halikan. We are kissing with smiles on our faces, it’s playful but sensual too.
“Samuel Roman! May exam ka pa” halos pabulong niyang sabi ng lumipat ang mga halik ko sa pisngi at likod ng tenga niya. Saka ko lang rin napansin na nasa kandungan ko na siya… God! We are making out so early in the morning…
“But, Love this is more important” biro ko sa kanya… habang naka yukyok sa balikat niya, na tampal tuloy ako
“Mr. Aguila, sayang ang pag aaral at pag pupuyat mo kung sa first day late ka dahil sa pakikipag landian mo” sabi niya saka ako ninakawan ng mabilis na halik saka bumalik sa driver seat.
“Love, You're mine now? ” patanong kung sabi
"You don't want me to be" balik niya sa akin
"No, Love… I am not asking, I am telling you that You are mine now period, not question mark" natawa siya sa paliwanag ko
"Possessive, Tsss" pang aasar niya… kakabigin ko na naman ulit sana siya ng tumunog ang telepono ko… tinatawagan na ako ni Tyron bakit wala pa daw ako sa testing room ko… na singhalan pa ako ng sinabi kung nasa kotse pa ako. Mas kabado pa siya at nabatukan ako ng naka ngisi pa ako ng magkita kami. Hindi ko man yata sabihin sa kanya alam na niyang may magandang nangyari…
“Tang nang mga ngisi yan, G*go! mag concentrate ka baka mapatunganga ka lang sa loob niyan” asar niyang sabi, pero tinawanan ko lang… masyado akong masaya ng araw na yun para patulan siya.
And now this is it, Exams done… I have all my time for My Love, haven’t even brought her to a dinner date. And now I’m looking forward to our alone time… I’m feeling giddy like a boy, ganun talaga ang nararamdaman ko kay Livi kahit na noong mga bata pa kami. God! Hindi ko alam kung bakit pilit ko pa siyang iniwasan noon, natatanga at nababaliw ka nga pagka harap mo ang babaeng “ginawa para sayo” ang taong galing sa tadyang mo at siyang bumubuo sa pagkatao mo.
Tanggap ko na yun ngayon, may takot sa kakaharapin naming mga pagsubok wala namang relasyon hindi dumadaan doon… sana lang kayanin namin ano man yun. Ayoko mag overthink pero hindi maiwasan dahil kahit hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa magulang ko kung ano man ang meron kami ngayon.
For now we both agreed to keep it to ourselves… Tyron, Gia and Jude may see that we are already in a relationship officially but we are not saying anything to them.
~~~~~~~~~
*Year End Party… Again
“Love, Please stay by my side… I don’t want supermodels touching me” biro ko sa kasama ko, ayoko maulit ang nangyari last year and gusto ko rin makita ang reaction nila Mommy at Daddy kung isasama ko siya sa table namin. I hope they will be civil and polite enough, I hope nobody would make a big fuss over it.
“But, Samuel… this is an office event, I am first and foremost your EA here” protesta niya
“We are not telling anybody about us, so just be yourself… I’ll make this work trust me” pag aalo ko sa kanya. But…
“Good Evening Mom, Dad” I greeted my parents when we reached our table… may bisita na naman sila na may kasamang anak na babae, isa na naman sa mga matagal na nilang nirereto sa akin… Haaayyy! kelan ba sila titigil pakialaman ang pakikipag relasyon ko.
“Good Evening Everyone” magalang namang bati ni Livi sa kanilang lahat… pinaghila ko siya ng upuan para makaupo, pansin ko ang pag aalangan niya… nginitian ko lang siya
“Good Evening Samuel, Sit down” seryosong sabi ni Daddy, hindi man lang binati ang kasama ko… minsan gusto ko ng ikahiya ang pagiging walang modo ng ama ko minsan.
“Good Evening Son, Ms. Robles” si Mommy naman, buti nalang talaga nandito siya
“Aren’t you in the wrong table Ms. Robles” habol pa rin ni Daddy
“Jaime” saway sa kanya ni Mommy
“She’s sitting with us Dad” ako na sumagot, umismid pa rin siya… kahit na pinanlalakihan ng mata ni Mommy. By the end of the Dinner… I so hated my father for being such an a**, he keeps on blubbering about Livi sitting with the high and mighty people like us. But God! My Love is so poise and compose with her interaction with us, kahit na pati ang bisita namin kasama sa mga nagpaparinig sa kanya. Nakatulong rin na dumating si Tyron at sa lamesa namin sumiksik. What an Angel! I am so blessed to have her by my side. And I am so embarrassed with how my Dad and circle of acquaintances treated her. They are such a bully, how I would like to wish I don’t know them.
~~~~~~~~~~
♕ Olivia
“Aren’t you in the wrong table Ms. Robles” pasakalye lang yun ni Mr. Jaime Aguila… marami pa siyang parinig kasama ang bisita nila na kasama sa lamesa namin. Ang hindi nila alam well trained na ako sa ganun, I was taught by Mamita to be always composed in whatever the elites throws at me. Noong hinayaan ko ang sarili kung tanggapin ko ulit si Samuel sa buhay ko alam kung dadaanan kami sa butas ng karayom… kaya hinanda ko na rin ang sarili ko, basta pareho kami lumalaban tatayo ako… unless na siya na ang magsabi na ayaw na niya. And I am hoping against hope that he will stand by my side this time...
The Year Party did not end well for me… patapos na ang party may humabol pa
“Olivia Robles, Stay where you are… I’ve tolerated you long enough but know your place, You’re an EA to the CEO no more no less you have no right to be sitting with us” singhal sa akin ni Mr. Jaime Aguila, galing ako ng banyo at dumaan ako sa lamesa nila Gia at Jude. Nanlaki ang mga mata ng mga nasa lamesa, mukha siyang nakainom na at hindi na siguro nakapagpigil.
“Stop flirting with my Son, you will never be good enough for him. This early I am telling you, stay away from him, I will not allow… NO! I will never… I repeat will never allow any personal relationship with you two. I am warning you!” ang lumakas na rin ang boses niya… Gusto ko ng lamunin nalang ng lupa sa kahihiyan, alam ko naman ang lugar ko siguro nga sumabog na siya dahil nag matigas si Samuel na isama ako lamesa nila kanina.
Kita ko ang dali daling paglapit ni Samuel at Tyron kung nasaan ako…
“Dad?” tawag sa kanya ni Samuel, linampasan lang siya nito at ng tumuloy ang isa para sana puntahan ako...
“Samuel Roman!” tawag nito sa kanya sa galit at mataas na boses, tinapik siya ni Tyron… walang magawa si Samuel kung hindi sumunod sa Daddy niya, panay ang lingon niya kung nasaan ako. Si Tyron na ang lumapit sa akin at nag tanong kung OK lang ako.
Ok lang naman ako, sobrang nakakahiya lang sa mga nakarinig… buti nalang nasa medyo sulok ang lamesa nila Gia, konti lang nakapansin sa komusyon. Ng mahimasmasan ako nagpaalam ako sa mga kasama ko, kailangan ko ng makaalis bago pa kumalat ang nangyari at pag usapan ng iba. Kahit na kilala naman talagang masungit at mapang mata si Mr. Jaime Aguila, executive pa rin ito at ginagalang sa opisina… ako at ako pa rin ang masama sa tingin ng lahat. This is why I wanted the relationship to be non-existent sa loob ng opisina.
~~~~~~~~
After I left the Year End Party event, Gia and Jude have been frantically calling me… But I did not bother answering them, I wanted to go home to the Hacienda that night but it’s too late already sa madaling araw pa ang susunod na mga biyahe. Pagdating ko ng condo nag empake ako ng mga dadalhin pauwi…
Nagising ako sa tunog ng doorbell, hindi ko na dapat papansinin wala naman kasi akong alam na dadalaw sa akin sa ganitong oras… alas dos ng madaling araw! Bwisit lang di ba!... Kapag ng pa prank ang isang ito tatamaan to sa akin… Pero, Nak ng tinapa lang ayaw tumigil ang nangbubulabog sa akin. Pikit mata akong lumakad papunta sa pinto ng condo ko at pabalang ko itong binuksan… nakalimutan ko man lang i-check sa monitor kung sino ang nasa kabila… isang magulo ang buhok na Samuel ang unexpected visitor ko. Walang sabi sabi tong pumasok saka sinara ang pinto...
“Love, sorry to wake you up this wee hours” sinapo niya sa dalawang kamay ang mukha ko saka dinampian ng mabilis na halik sa labi… lasang alak! Pweee!
“What are you doing here? You’re drunk too” sita ko sa kanya
“I am here to fetched my gorgeous girlfriend” pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko saka ngumisi… Ang manyak ng CEO na to!
“Next time, Please don’t open the door looking like that” at doon ko lang napansin hindi ko man lang pala nadampot ang roba sa likod ng pinto… I am wearing a low waist pajamas bottoms at kita ang pusod ko dahil sa pagtaas ng spaghetti strap low v-neck na pang itaas ko. God! Kaya pala maka ngisi ang loko, kita cleav*ge ko. Napa krus ang mga kamay ko sa dibdib ko… lalo pa yata siya na amuse.
“Stop gawking at me! If you value your eyes Mr. CEO” banta ko sa kanya habang tawang tawa naman siya
“I am just appreciating what’s in front of me” saka niya ako niyakap at hinalikan sa noo… dahan dahan din siya lumakad papunta sa sofa kasama ako… kandong niya ako patagilid ng umupo kami. Natahimik din kami, nakahilig lang ako sa dibdib niya… siya naman hinahaplos ang braso ko at panay ang halik sa noo at sentido ko. This is what I consider our intimate moments… silence and contentment in each other's arms.
That night we flew somewhere with no plans, just spontaneous movement. We ended up in Phuket, Thailand. He wanted to get away, na sermonan kasi siya ng Daddy niya pag alis ko… pinipilit na naman daw nitong ilabas niya yung bisita nilang si Frankie. The starlet who went out of her way to insult me more… Ngayon manigas siya, “You can’t be Samuel’s woman, you don’t belong to our circle” bunganga niya pagkatapos akong tawaging sl*t… Well girl too late for that, I am Samuel’s woman now.
I was stunned when we reached the airport and a private jet was waiting for us… hiniram niya daw sa kaibigan niya. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Samuel ang lahat ng bookings, sa Pearl of the Andaman kami humantong, this is f*cking luxury at its best! Banyan Tree Phuket. It is a private paradise, this resort offers luxurious all-pool villas nestled around a lagoon and surrounded by lush greenery. This is the perfect destination for travelers seeking a romantic resort. Sa mga Travel blog at magazine ko lang ito nakikita now I am here….
“Love, I’m sorry they don’t have a two-bedroom villa already, we have to share a room” kamot batok na sabi ni Samuel
“It’s OK, they have a huge sofa bed… I can use that” bulong ko sa kanya
“No need for that, we can share the bed… I promise to behave” taas kamay niyang sabi, gusto kung matawa alam ko naman kasi kung gaano siya kalandi.
“No touching or groping in the dark Love?” nangingiti kung tanong sa kanya
“”I’ll do my best” may pilyong ngiti naman, sabi ko na nga ba eh… kinurot ko tagiliran niya na lalo niya pang ikinatawa. - Sh*t! Ang sexy ng tawa… OMG ka Olivia ang harot mo na din, nahawa ka sa Boss mo
Ang “I’ll do my best” niya, waley! Naglalakad palang kami papunta sa Villa namin nakaakbay ng mahigpit sa sa bewang ko, panay ang nakaw ng halik sa expose kung balikat. Haayyyuuu! Sana lang hindi ako bumigay sa two-night stay namin dito. At lagot talaga ako sa pamilya ko kapag nangyari yun, ang paalam ko may biglaang business trip ang Boss ko at isinama ako. God! I am such a liar!
The spacious and serene Banyan Pool Villa is classy and lavish, it has its own outdoor pool, the perfect tropical retreat for relaxation and pool fun.
At dahil madaling araw kami umalis, early check-in din kami… After showers nakatulog ako sa sofa bed at nagising sa malaking kama sa mga bisig ng apaka gwapong Boss ko.
“Did you sleep well Love? paos niyang tanong, This is not the first time I woke up in his arms kapag kasi na kakaidlip ako sa penthouse niya paggising ko siguradong nasa bisig or kandungan niya ako.
“I did Boss, sarap ng unan ko eh” I playfully told him, I pinch his biceps too and showered his chest with small kisses … nangingiti ang loko kahit nakapikit.
“Love, you’re playing with fire… don’t blame me, If I'll end up ravishing you” banta niya sa akin. Saka ako matagal na hinalikan sa pisngi ko - Hindi ko pala pwedeng landiin ang mamang to baka sapian at hindi makapag pigil.
The trip was an energizer for both of us, pinag usapan namin ang ginawa ng Daddy niya… panay ang Sorry niya. Told him that we have to be more discreet now, baka kasi kung ano pa magawa ni Mr. Jaime Aguila kapag nalaman nito kung ano ang estado ng relasyon namin.
But unbeknownst to both of us, Mr. Jaime Aguila is one wicked evil man… and he did everything to destroy what we have. He unleashed his wrath on us! Leaving both of us BROKEN !