VEINTIQUATRO

3056 Words
Minsan pa ♔ Samuel “Congratulations Samuel! You’re finally done with Law School” bati sa akin ni Mommy… Time flew so fast the first four months of the Year is done. Graduation Day! Yes! Sa wakas na tapos na rin… “Congrats Son!” bati ni Daddy, as usual sa walang emosyon tuno na naman… My relatives are here too, Grandpa & Grandma Valmonte, Tito’s and Tita’s, cousins… pero umiikot pa rin ang paningin ko hinahanap ang isang mukhang naging sandalan ko sa panahon halos lamunin na ako ng mga librong kailangan kung basahin. Mukhang alam kung kukumpleto sa kasayahan ko ngayon, nangako siyang pupunta siya. “Congratulations Mr. Aguila!” si Tyron naman… “Haba ng leeg natin ah, may hinahanap ka?” bulong niya sa akin “Hindi ko siya nakita” dagdag niya pa, hindi ko alam kung gini-good time ba ako ng kaibigan ko… Kinabahan pa rin ako, alam ko naman kasing nag aalinlangan siyang magpunta pero nangako siya. “Congratulations Boss” sabay sabay na bosses galing sa likod ko… Gia, Jude and My Love Olivia “Tang na para kang tanga sa ngiti mo” bulong na sabi ni Tyron… buti nakatalikod ako sa pamilya ko “Thank You All” naka ngiti kung sagot sa kanila, pero kay My Love ako nakatingin… kinindatan ko pa siya… pinandilatan lang ako “You’re all here, who's left in the office” gulat kaming lahat sa sinabi ni Daddy, sana hindi niya nakita ang kalokohan ko kanina… “Hey! The company will not go bankrupt, just because nobody is in the CEO’s office for a day” saway sa kanya ni Mommy. “Follow us, in our house we have a Buffet Dinner for Samuel’s Graduation” yaya niya sa Team ko “But, It’s a family celebration” kontra na naman ni Daddy, kahit kailan talaga ayaw niyang nakasalamuha ang mga ordinaryong empleyado namin. “Jaime! For God sake they are family… your son wouldn’t Graduate with Latin Honors as a bonus if not for the sacrifices and dedication of his Team, specially Ms. Robles here.” pinandilatan din siya ni Mommy “Fine!” pero ang sama pa rin ng tingin niya kina Livi… “Let’s go Samuel!” yaya na ni Daddy sa akin, sunod sunod na silang pumunta sa mga sasakyan nilang dala dala... “I’ll just follow Dad, I’ll go with Tyron” kailangan kung kausapin ang Team ko... “Hmmm, alam niyo na” bulong ni Jude “Please do join us” yaya ko pa rin sa kanila, kahit na alam kung hindi sila tutuloy… kilala ko na sila Gia at Jude hindi yan pupunta lalo na at may mga ganung salita si Daddy… “Boss, libre mo nalang kami sa ibang araw” sabi Gia “Ikaw, Ms. Robles?” umiling lang siya… kahit kailan malamig talaga ang pakikitungo sa kanya ni Dad hindi ko alam kung ano ang disgusto niya dito. Nahihiya na nga ako minsan kapag nasa meeting at kasama ko siya para siyang hangin tratuhin ni Dad. “Boss, I second demotion doon sa libre mo nalang kami sa ibang araw” sabat ni Jude “Third demotion” taas kamay na sabi ni Livi “Paano ba yan, tayong dalawa na naman niyan mag ka ulayaw buong gabi” asar sa akin ni Tyron “Ewan ko sayo” asar kung balik sa kanya Ng naka alis ang pamilya ko, inakbayan ko si Livi at pa simpleng hinalikan sa tuktok ng ulo niya "Ayan oh, buo na ang saya ni Boss” biro sa akin ni Gia… alam naman kasi nilang nilalandi ko si Livi pero patay malisya pa rin siya lagi “Thanks for coming and fulfilling your promise” sabi ko kay Livi “Sa amin ka mag Thank you, hindi yan pupunta kung hindi kami kasama” sabi ni Jude “Thank you Gia, Thank you Boo Bear” balik ko sa kanya… lakas ng tawa ni Livi at ni Gia, pulang pula na naman si Jude sa tawag ko sa kanya “Boss!” singhal niya sa amin… lakas ng tawa namin kasama na si Tyron, inakbayan rin niya si Jude habang naglalakad kami papunta ng parking… "Boo Bear" tawag niya rin dito naka busangot na si Jude… pero hindi naman yan na pipikon sa amin Tama si Mommy, I could not have done my work-school balance if not for my Team… lalo na si Livi. God! She's a machine at work and an angel as a support system for my schooling. And maybe I was just so inspired to do well because she’s beside me, ramdam ko pa rin naman ang pagpipigil niya ibalik sa akin ang paglalambing ko pero likas talaga siyang maalalahanin kaya instinct na niya ang alagaan ako. And now that Graduation is done, I can’t wait to pursue her… I know it would not be easy to let her believe in me again but there is nothing that Samuel cannot do if it’s for Olivia. ~~~~~~~~~~ “Hi, Good Evening” bati ko sa gulat na gulat na My Love ko… nasa condo niya ako, maaga kami umuwi ngayon after ng 3PM na meeting hindi na kami bumalik sa opisina. Tatlong araw na kaming overtime as in… mga nine, ten or eleven na uwian preparing for a presentation and today we presented and got very good feedback, I’ve even received the draft contract already for the project. “What are you doing here?” “Visiting you and this are for you” sabay abot ko sa bulaklak na dala ko, nanlalaki ang mga mata niya pero tinanggap niya naman… kita pa rin sa mata niya ang pagtataka. Hindi na naman kasi naniwalang dadalawin ko siya. “Thank you, they're beautiful, Get In” she smelled the flowers… she shyly smiled at me, warm and comfy, ang loob ng condo niya… my first time here. She’s been to my penthouse many times as the past months before graduation were so hectic that I have to work from home half the time. “Excuse my simple and small humble place, it’s not a penthouse like yours” sabi niya, gumilid siya para makapasok ako sakat isinara ang pinto. “Hey! No comparing” humarap ako kanya saka siya nginitian “Ano ba kasi ginagawa mo dito?” “I told you, I’ll visit you… I need to talk to you it’s personal” hiwakan ko mga kamay niya sa palapusuhan Napabuntong hininga muna siya… “Ok, Ok, Ok… go sit there” turo niya sa sectional sofa “I’ll just find some base to put these beauties” humalik muna ako sa noo niya bago siya pinakawalan sa hawak ko, kita naman sa sofa kung saan ako nakaupo ang maliit niyang kitchen-dining area… nilagay niya sa ibabaw ng dining table ang nasa base ng mga bulaklak saka lumapit kung nasaan ako. “Now, what is my CEO doing here?” seryoso niyang tanong habang nakatayo sa tabi ko, naka cross ang mga braso sa harap niya… Sungit! Tinapik ko ang tabi para maupo siya… tinaasan pa ako ng kilay, nginitian ko lang siya saka ko inabot ang braso niya para palapitin pa siya sa akin. “Please do sit” tahimik siyang naupo ng may distansya sa akin… tinapik ko ulit ang tabi ko, umiiling siya habang naka nguso. “Olivia!” warning ko sa kanya, ako na lumapit sa kanya siniksik ko siya sa dulo ng sofa… linapit ko rin mukha ko sa kanya saka siya ninakawan ng mabilis na halik sa labi. “Samuel Roman!” singhal niya sa akin, sabay takip sa bunganga ng mga kamay niya… natawa ako, na tampal tuloy ako sa braso. Sumandal ako sa sofa habang hinahaplos ang braso ko “Sorry po” bulong niya… pektib ang paawa ko, hindi niya talaga ako natitiis. Humilig ako sa balikat niya ng umayos siya ng upo at sumandal na rin sa sofa… ilang minuto rin kaming nanahimik “Mr. Aguila, what do you want to talk about, that cannot wait for tomorrow?” siya na rin bumasag ng katahimikan namin. Huminga muna ako ng malalim, hinawakan ko na rin siya sa bewang niya at lalo pang nilapit sa akin. “Promise me, don’t freak out and hear me out first, Please” umalis ako sa pagkahilig ko sa balikat niya at hinarap siya sa akin, pinagsiklop ko mga kamay namin. Tumango naman siya kahit na nakakunot ang noo. Alam kung may ideya naman siya sa sasabihin ko, ramdam ko naman na hindi siya manhid sa paglalambing ko. ~~~~~~~~~~ ♕ Olivia Kulang ang salitang “gulat” ng mapagbuksan ko si Samuel sa condo unit ko… at ng inabot niya ang mga bulaklak na dala, alam ko ng hindi magiging maganda para sa akin kung ano man ang pinunta niya. Matagal ko ng iniiwasan ang mga parinig niya, dine-deadma ko lang… mukhang hindi na ako makakaiwas ngayon… At hindi nga ako nagkamali… “Livi, My Love… I would like to officially court you. I can’t help it already. I've been restraining myself with you but you’re so lovely and smart and God help me but I think I’ve fallen to your charms. You’re so irresistible, I know you have doubts… I can feel your fears too but please let me woo you. I’m in my right mind, this is me Samuel Roman Aguila, I may be ruthless and arrogant but you know I have my good sweet side too” napangiti ako sa huli niyang sinabi, binitawan niya ang kamay ko at nilipat sa magkabila kung pisngi at pinagtapat ang mga tungki ng ilong namin. Ang lakas ng t***k ng puso halos kumawala na ito sa dibdib ko… ang mga paru paro sa tiyan ko nag sasayaw din, my heart is singing but my mind is shouting NO! “Samuel, I don’t think this would work… Boss kita” naiiling kung sabi… Pero umiling din siya “This will work, trust me… we are working effectively now, nothing will change about that it’s just that now you know my intentions why I am being like this with you” nakahawak pa rin siya sa mga pisngi ko, tinataas niya ang mukha ko para magpantay ang tingin namin… “I’ve been suppressing myself ever since you came back, I ignored you, I even pushed you away but all that just fueled my desire to be with you. I still don’t know what it is, all I know is I wanted you close, I wanted you for myself only, I wanted to own you. Love, I’ll go crazy if I keep on repressing what I feel so please bear with me.” emotional niyang sabi, gustuhin ko mang sumangayon agad sa gusto niya mas nangingibabaw ang takot sa akin. “Samuel, I can bear with you… but please do understand, I am scared. Let me think about it first” “No, My Love… I am not asking to court you, I am telling you that I will court you so no thinking about it already. Hmmm” saka ko siya hinalikan sa noo “Ano ba yan, manliligaw ka ba talaga… ma memwersa ka yata eh?” biro ko sa kanya, masyado na kaming seryoso kasi “Yeah! I am not giving you a choice, I will court you period and that’s final” inihilig niya din ako sa dibdib niya “Hayyy naku po, di ka marunong manligaw” saka ko siya mahinang tinulak para magkalayo kami “I have my own ways” sabi niya, sabay nakaw na naman ng halik sa pisngi ko “Each stolen kiss is a minus points for you” asar ko sa kanya “It’s either stolen kisses or I’ll kiss you senseless and r****h you 'til you’re breathless” nangingiti niyang balik niya sa akin “Roman!” sigaw ko, sabay tayo para lumayo sa kanya… tawang tawa ang loko, kita ko namang nagbibiro lang siya sa mga sinabi niya. Natawa na rin ako. “Just kidding My Love but I can’t wait for that time that I could have my way with you” ok na sana ang just kidding may pahabol pa. Naiiling nalang ako lumakad papunta sa may kitchen ko… Ng tinanong ko siya kung kumain na, tumunog ang doorbell. At surprise, surprise… may delivery from one of our favorite pizza restaurants. At dahil hindi naman ako ang nag order malamang ang bisita ko ang may gawa, kinindatan pa ako ng poging CEO ko. - Hoooy! Olivia saan galing ang pogi??? singhal ng matino kung utak - Pogi naman talaga sagot ng maharot kung utak Sh*t! Nabaliw na ako After niyang bayaran ang delivery siya na rin ang nag ayos sa dining table ko, at home na at home ang mama. We ate with gusto and happy conversations. He’s in his cute and adorable mode and if not for our ugly past you could easily fall for him. Mabilis na lumipas ang mga araw… at kagaya ng sinabi niya noong gabing yun walang nagbago sa trabaho namin. Professional pa rin naman kami at maayos naming nagagawa ang aming trabaho. Hindi rin nawala ang paglalambing kapag kami lang dalawa, sa schedule lang namin medyo may nagbago… sinusundo at hinahatid niya na kasi ako. Gulat na gulat sila Gia at Jude noong unang araw na sabay kami pumasok. Napapansin naman na kasi nila ang mga palipad hangin ni Samuel, minsan na nga nila ako na tanong kung nanliligaw ang Boss namin sa akin. Pero tikom lang ang bibig ko… wala naman kasing nagbago sa turingan namin ni Samuel sa labas, napag usapan na rin kasi namin na labas ang opisina sa personal naming ugnayan kung saan man kami dalhin ng panliligaw niya. Wala namang policy na bawal ang ligawan or pakikipagrelasyon sa opisina, pero para iwas sa issue or tsismis yun ang rule no. one na binigay ko sa kanya, bawal ako ligawan sa opisina. CEO pa rin siya kahit na saan tingnan may mga hindi makaintindi sa gusto niyang mangyari para sa amin, lalo na at hindi pa rin lingid sa aming Team ang disgusto ng Tatay niya sa akin. He is so busy with his Review for the Bar Exams, Atty. Tyron is always present be it in the office or his penthouse. Kaya awa ng Diyos bihira naman kaming mag solo kapag nasa penthouse ako… mahirap na madarang ako lalo na at master na yata sa seduction ang lokong CEO ko. At kahit na ano man kasing pigil ko sa sarili ko, alam kung kagaya niya I have fallen into his charms again. The feelings have always been there, it hides in the depths of my heart and it is coming out now. ~~~~~~~~~ “Boss, please don’t get mad… I have something to ask'' kausap sa kanya ni Jude… ngayon ang araw na lahat kami libre para doon sa blow out ni Samuel… natagalan na dahil sa tambak na trabaho. Lumipas na rin ang Company Outing, hindi kasi pumayag si Gia at Jude na isabay doon ang blow out niya madaya daw yun. “What?” nangingiting tanong ni Samuel… magkatabi kasi kami sa lamesa at kanina pa siya aligaga sa pag silbi sa akin, kahit sa harap nila Gia, Jude at Tyron. “What are you two? Are you a couple already?” walang prenong bunganga ni Jude… tiningnan niya muna ako saka “You all should know, I am courting her.” nanlalaki ang mata ko, secret lang namin kasi yun… “What the heck, Boss” bulalas ni Jude sa sinabi niya “But please do keep it to ourselves, can I trust you all with that?” bawi naman ni Samuel sa sinabi niya… I’m sure pulang pula na ako ngayon “And, Jude Boo Bear… I’m so sorry Livi is so charming she need not do anything and I am trapped” lambing-asar niya dito “Boss, Are you sure you're not making her rebound from that… woman” hirit pa rin ni Jude “Nga naman Boss, please don’t play with out friends feelings” si Gia naman, si Tyron na ngingiti lang. Feeling ko may alam siya sa past namin ni Samuel. “Hey! For your information… Victoria is nothing to me but a fling, a temporary girlfriend. I know it may sound crazy but that is what she is for me” paliwanag ni Samuel “Oli, Ok ka lang ba” tanong ni Gia, tumango lang ako “Hoooy, babae magsalita ka, haba ng hair mo” pang aasar sa akin ni Jude, nailing nalang ako… hiyang hiya pa rin ako sa pinag uusapan namin “Ms. Robles, pag isipan mo muna ng mabuti kung papatulan mo tong si Mr. Aguila… alam mo naman sigurong womanizer yan. Hindi lang ngayon dahil busy siya” hirit naman ni Atty. Tyron… na hampas siya ni Samuel na ikinatawa naming lahat. “Bro, You’re ruining my image to her… Stop it” singhal niya kay Tyron… humalakhak lang ang isa “I don’t need to do that, She knows you more than anybody here… I am just warning her” tawang tawa pa rin nitong sabi “Livi, Please don’t believe in that man… I am a changed man now.” sabi niya sa akin… natatawa ako sa itsura niya, alalang alala na baka maniwala ako kay Tyron. Hindi niya alam, alam ko na lahat ng kalokohan niya dati, kaya ng naninimbang pa rin ako sa kanya. “Thanks for the warning Attorney, I’ll bear that in mind” natatawa kung sabi sa kanya “Patay ka, Boss” “You’re a deadman Boss” halos magkasabay na sabi ni Jude at Gia… pinanlakihan lang sila ng mata ni Samuel “Mr. Aguila, don’t scare my friends” sabi ko… inakbayan niya ako at walang hiyang pinatakan ng halik sa noo at senditido ko... Ewww! Yucks!... F*ck! Bro get a room! Yun ang mga narinig kung salita galing sa tatlo… sabay lakas ng tawanan namin. Puro pang aasar kay Samuel ang naging usapan buong dinner namin, panay naman ang akbay o kaya nakaw ng halik ng loko saka magyayabang na “the feeling is mutual” sa aming dalawa kaya wala ng magagawa ang mga paninira nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD