Si Lhevie, na dati ay puno ng buhay at kulay, ay naging matipid sa salita, malamig ang pakikitungo, at tila laging malayo ang tingin. Ang kaniyang mga insecurities ay naging parang anay na unti-unting kinakain ang kaniyang kumpiyansa sa sarili. Bawat sipa ng bata sa sinapupunan ni Isabela ay tila sampal sa kaniya na siya ang asawa, pero iba ang nabiyayaan. Niccolo was beyond frustrated. Sinubukan niyang ibigay ang lahat—alahas, atensyon, oras pero alam niyang hindi materyal na bagay ang makakagamot sa sugat ng asawa. Tinitiis na lang ni Lhevie ang lahat. Kaunti na lang, bulong niya sa sarili. Kapag nailabas na ang batang iyon, matatapos din ang kalbaryong ito. Isang umaga, hindi na nagawang bumangon ni Lhevie. Mabigat ang kaniyang katawan, umiikot ang paligid, at parang gusto niyang isuk

