Padabog na pumasok si Lhevie sa loob ng mansyon, dire-diretso sa kanilang kwarto. Sumunod si Niccolo, halos madapa sa pagmamadali habang sinusubukang habulin ang asawa. Pagpasok nila ay agad na ibinalibag ni Lhevie ang pinto. "Lhevie, love, listen to me," pagsusumamo ni Niccolo. "I was just playing with Hulk. Bigla na lang siyang sumulpot. When she tripped, it was reflex! Ayaw ko lang na may mangyari sa baby dahil alam kong ikaw ang unang masasaktan kapag nabulilyaso ang plano mo para sa kaniya." "Reflex? O baka naman na-miss mo rin ang amoy niya?" bulyaw ni Lhevie. "Nakita ko ang hitsura niyo mula sa itaas, Niccolo. Ang tagal niyo sa ganoong posisyon! Kung hindi pa ako bumaba, baka nag-propose ka na uli sa kaniya!” "That's not fair!" sigaw ni Niccolo, pero agad din siyang kumalma nang

