Chapter 57

2021 Words

Alas-syete pa lang ng umaga, nasa tapat na ng guest house si Lhevie. Hawak niya ang isang tray na may lamang gatas, sariwang prutas, at mga vitamins na inireseta ng pinakamagaling na OB-GYN sa bansa. "Ubusin mo 'yan," utos ni Lhevie habang inilalapag ang tray sa lamesa ni Isabela. "Kailangan ng bata ang sustansya. Huwag mong isiping para sa 'yo 'yan. Para sa anak ni Niccolo 'yan." "Salamat, Lhevie," mahinang sagot ni Isabela. “Tungkol nga pala sa check-up bukas—" "Susunduin ka ni Luca. Kasama ako," putol ni Lhevie. "Ayaw kong magkaroon ng pagkakataon na makita mo si Niccolo o makausap siya. Lahat ng komunikasyon, dadaan sa akin. Malinaw ba?" Tumango si Isabela, tila isang batang pinapagalitan. Alam ni Lhevie na kailangan niyang maging matigas. Ang kaniyang kabutihan ay may hanggana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD