Ang pag-uwi ni Lhevie sa mansyon ay hindi naging madali. Ang bawat hakbang niya patungo sa kanilang kwarto ay tila may kasamang bigat ng buong mundo. Alam niyang ang desisyong ginawa niya sa flower shop ay magsisilbing mitsa ng isang malaking pagsabog sa pagitan nila ni Niccolo. At hindi nga siya nagkamali. "Are you out of your mind, Lhevie?” sigaw ni Niccolo, ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa apat na sulok ng kanilang silid. Ang kaniyang mukha ay namumula sa galit at gulat. “Matapos ang lahat ng ginawa niya? Matapos ka niyang saktan, traydurin, at muntik nang sirain ang buhay natin, papatira mo siya sa guest house natin?” "Niccolo, makinig ka muna—" pakiusap ni Lhevie, pero hindi siya pinatapos ng asawa. "Hindi! I won't allow it! I don't want her near you! I don't want you to w

