Ang bango ng mga sariwang rosas at lilies sa loob ng shop ay tila hindi na sapat para gumaan ang pakiramdam ni Lhevie. Habang maingat niyang inaayos ang isang bouquet ng baby’s breath, bigla na lamang nanlabo ang kaniyang paningin. Isang mainit na patak ng luha ang bumagsak sa kaniyang kamay, kasunod ng isa pa, hanggang sa hindi na niya mapigilan ang paghikbi. Mag-isa lang si Lhevie sa likod ng counter. Pinili niyang paalisin muna ang kaniyang assistant para sa lunch break dahil gusto niya ng katahimikan. Pero ang katahimikang hinahangad niya ay naging kaaway niya, dahil dito mas lalong nag-iingay ang kaniyang mga kaisipan. Sa kabilang dako ng siyudad, alam niyang abala si Niccolo sa kumpanya. Alam niyang nagsusumikap ang asawa na ayusin ang lahat ng legal na aspeto ng kanilang buhay par

