Pagbukas pa lamang ng pinto, ang amoy ng mga sariwang rosas na dala ni Lhevie mula sa kaniyang shop ay tila nalamon ng isang pamilyar at mabigat na presensya. Sa gitna ng malawak na sala, nakaupo ang isang babaeng tila anino na lamang ng dati niyang sarili. "Isabela?" bulong ni Lhevie. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na bouquet. Agad na humarang si Niccolo sa harap ni Lhevie. Ang kaniyang katawan ay naging alerto, ang mga ugat sa kaniyang leeg ay bumukol, at ang kaniyang kamay ay mahigpit na humawak sa braso ni Lhevie—tila proteksyon laban sa isang delubyo. Ang dating carefree na Niccolo ay biglang naglaho, napalitan ng isang lalakeng handang pumatay para sa kaniyang asawa. "What are you doing here? How did you get in?” asik ni Niccolo. Ang kaniyang boses ay kasing-talim ng sandat

