Ang nakabibinging tunog ng ventilator at ang ritmong t***k ng heart monitor ang tanging sumasaliw sa malamig at maputlang kwarto ng intensive care unit. Sa loob ng mahabang buwan, ang silid na ito ay naging saksi sa isang buhay na nakabinbin sa pagitan ng lupa at langit. Si Isabela ay nakahiga, payat, walang kulay ang mga labi, at tila isang mamahaling manika na tuluyan nang nasira at iniwan ng panahon. Ngunit sa gabing iyon, matapos ang tawag ng doktor kay Vito, nagbago ang ihip ng hangin. Dahan-dahang gumalaw ang mga daliri ni Isabela. Isang mahaba at mabigat na paghinga ang kumawala sa kaniyang dibdib, sapat para mag-alarm ang mga sensitibong makina sa kaniyang tabi. Ang kaniyang mga pilik-mata ay mayayanig, pilit na lumalaban sa tindi ng bigat ng ilang buwang pagkakatulog. Nang tu

