"No, it’s not real! Ahhhh!” Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw nang sipain ni Isabela ang kaniyang vanity mirror. Ang mga mamahaling pabango na regalo pa sa kaniya ni Vito at Niccolo noong mga nakaraang birthday niya ay nagliparan at nabasag sa sahig. Ang amoy sa loob ng kwarto ay naging matapang at nakakahilo—halo-halong bango na sumasakal sa kaniya, parang ang mga alaala nila. Hinihingal siya, ang kaniyang dibdib ay parang sasabog. Ang kaniyang buhok na laging maayos ay gulo-gulo na, at ang kaniyang mga kuko ay bumaon sa kaniyang sariling palad. "Bakit siya, Niccolo? Bakit?” hikbi niya, habang dahan-dahang napaupo sa gilid ng kaniyang kama. Dito lumabas ang lungkot. Masakit para sa kaniya dahil si Niccolo ang lalakeng matagal na niyang pinapangarap. Akala niya, dahil magkaib

