Nakayuko si Isabela, ang kaniyang mga mata ay tila namumula sa pagsisisi. Hawak niya ang mga kamay ni Lhevie na tila ba ito ang kaniyang huling pag-asa sa mundo. "Lhevie, please... patawarin mo ako," simula ni Isabela, ang boses ay nanginginig. “Hindi ako nakatulog nang maayos. I was just so scared for you. Seeing Niccolo in that hotel, nadala lang ako ng emosyon. I hate seeing you being abused or lied to. My protective side just went overboard because I love you, bestie." Si Lhevie, sa kaniyang likas na kabaitan at pagiging "naive," ay dahan-dahang lumambot. Nakita niya ang luha ni Isabela at naalala ang maraming taon ng kanilang pagkakaibigan. Para kay Lhevie, hindi kayang gawin ng kaniyang BFF ang manira nang dahil lang sa kasamaan. "Naiintindihan ko, Isa. Alam kong concerned ka la

