Nagising si Lhevie sa malawak na kama at agad na sinalubong ng isang nakabibinging katahimikan. Kinapa niya ang kabilang panig ng kutson at malamig iyon. Napamulagat siya. Wala na si Niccolo. Ang tanging naiwan ay ang gusot sa unan at ang amoy ng kanyang pabango na tila nakadikit na rin sa balat ni Lhevie. Kaagad siyang napabangon at nakahinga nang maluwag. “Salamat naman at wala siya,” aniya. Kagabi ay halos mahimatay na siya sa takot. May maikling note sa side table kaya kinuha niya iyon at binasa. “Business called. Stay home. Bebang will look after you. Don't go to the office today. — N.A." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Lhevie. Kahit asawa na siya, ang pakiramdam niya ay isa pa rin siyang tauhan na naghihintay ng susunod na utos. Nakagat niya ang kamay niya at hindi

