Ang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng malaking bintana ay tila mga karayom na tumutusok sa talukap ng mata ni Lhevie. Sinubukan niyang iunat ang kanyang katawan, ngunit isang matalim na kirot mula sa kanyang puson hanggang sa kanyang mga hita ang nagpabalikwas sa kanya. "Argh..." ungol niya. Ngunit bago pa siya tuluyang makabangon, isang pares ng nanunuring mga mata ang sumalubong sa kanya. "Ay, kabayo!" halos mahulog si Lhevie sa kama nang makita ang mukha ni Bebang na ilang pulgada na lang ang layo sa mukha niya. "Anong kabayo? Sa ganda kong 'to, Lhevie, gagawin mo lang akong hayop? Napakasakit mo naman magsalita! Akala ko ba magkaibigan tayo?" Madamdaming humawak si Bebang sa dibdib niya, akala mo ay bida sa isang telenobela na naapi. "B-Bebang, ikaw pala. Ano’ng ginagawa m

