Ang hangin sa labas ay malamig, ngunit ang distansya sa pagitan ng kanilang mga katawan ay naglalagablab sa apoy. Mariing nakasandal si Lhevie sa malamig na railings ng veranda, habang ang dambuhalang katawan ni Niccolo ay tila isang pader na humaharang sa anumang kawalan. "Niccolo... ang mga tao sa baba..." pagsusumamo ni Lhevie. Ang kanyang boses ay nanginginig, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa tensyong bumabalot sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao. "There are no people, Lhevie. Only me. Only us," paos na sagot ni Niccolo. Hinawakan ni Niccolo ang panga ni Lhevie at pilit itong iniharap sa kanya. Ang mga mata ng lalaki ay tila nagniningas na uling na puno ng selos na hindi nito magawang itago. "Look at me. Tell me, kanino ka lang dapat tumitingin? Kaninong kamay lang ang may

