Chapter 24

1639 Words
Nang sumikat ang araw, ang unang naramdaman ni Lhevie ay ang bigat ng braso ni Niccolo na nakapulupot sa kanyang beywang. Napaka-payapa ng mukha ng asawa, malayo sa aroganteng CEO na kinatatakutan sa labas. Ngunit nang maramdaman ni Niccolo na gumagalaw si Lhevie, unti-unti ring nagmulat ang kanyang mga mata. Sa loob ng ilang segundo, nanatili ang lambot sa kanyang tingin. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata at maalala ni Niccolo kung paano siya "bumigay" at nag-open up kagabi, biglang nagbago ang aura niya. Dali-dali siyang bumitaw sa yakap at bumangon, hindi tumitingin kay Lhevie. "Fix yourself. We're leaving in 30 minutes," malamig niyang sabi habang kinukuha ang kanyang robe. "Niccolo, okay ka lang ba?" tanong ni Lhevie, bakas ang pag-aalala. Huminto si Niccolo sa tapat ng pinto ng banyo. Hindi siya lumingon, pero ramdam ni Lhevie ang tensyon sa kanyang mga balikat. "I'm fine. Don't mention anything that happened last night. It was just... the whiskey talking." Napangiti nang mapait si Lhevie. Whiskey? Alam niyang hindi uminom si Niccolo kagabi bago sila mag-usap. Nahihiya lang ito dahil nakita niya ang kahinaan nito. Pagbaba nila sa dining area, nandoon na si Bebang, may dalang sandok at nakapamaywang. “Oh, ang aga niyo yata? Mukhang masarap ang tulog ng ating 'lion' ah?" "Shut up, Bebang. Get me my coffee. Black. No sugar," asik ni Niccolo habang binubuksan ang kanyang tablet para magbasa ng balita. "Ay, heto na naman po tayo sa kape. Walang cream kasi nilinisan ko na ang kalat kanina,” anito at kumindat natigilan naman si Lhevie nang mapagtanto ang ibig nitong sabihin. “Senyorita Lhevie, anong nangyari? Na-high blood na naman ba si Sir?" bulong ni Bebang kay Lhevie habang naghahanda ng kape. "Hayaan mo na, B. Nahihiya lang 'yan," mahinang sagot ni Lhevie. "I can hear you both," malamig na singit ni Niccolo nang hindi nag-aangat ng tingin. "Lhevie, eat. You're too thin. Ayokong isipin ng mga tao sa opisina na pinapabayaan kita." "Opo, kakain na," sagot ni Lhevie, habang pasimpleng inilalagay ang paboritong ulam ni Niccolo sa plato nito. Biglang tumingin si Niccolo sa plato niya, tapos kay Lhevie. "I don't need you to serve me." "Gusto ko lang gawin," matapang na sagot ni Lhevie. Napalunok si Niccolo. Hindi na siya sumagot at mabilis na kumain, pero nakita ni Lhevie ang bahagyang pamumula ng kanyang mga tenga. Nakakainis man ang pagiging masungit nito, alam ni Lhevie na ito ang paraan ni Niccolo para protektahan ang sarili niya. Bago sila umalis patungong opisina, pumasok muna si Lhevie sa study room ni Niccolo para kunin ang naiwan niyang notebook. Pero pagpasok niya, nakita niyang nakatayo si Niccolo sa bintana, tila malalim na naman ang iniisip. "Niccolo, aalis na ba tayo?" Mabilis na lumapit si Niccolo sa kanya. Sa isang iglap, ikinulong siya nito sa pinto. Ang masungit na mukha kanina ay napalitan ng pamilyar na pagnanasa. Ito na naman siya. Napalunok naman si Lhev. "I told you not to look at me like that," bulong ni Niccolo. "Like what?" "Like you know my secrets. Like you're the only one who can tame me," asik niya bago marahas na sinakop ang labi ni Lhevie. Hindi ito sweet na halik. It was a kiss of dominance. Tila ba sinusubukan ni Niccolo na bawiin ang awtoridad na nawala sa kanya kagabi. Hinawakan niya ang mga hita ni Lhevie at isinampa ito sa kanyang beywang. "Ahhh! Niccolo... late na tayo!" pagsusumamo ni Lhevie. "I'm the boss. I decide when the office opens," sagot ni Niccolo habang mabilis na tinatanggal ang kanyang belt. Sa ibabaw ng pinto ng study room, muling angkinin ni Niccolo si Lhevie. Bawat pagbayo niya ay puno ng intensity, parang sinusubukan niyang burahin ang image ng "vulnerable" na Niccolo at palitan ito ng "possessive" na asawa. "Say my name, Lhevie!" utos niya habang nararamdaman ang panginginig ng asawa. "Niccolo... ohhh! Niccolo!" Nang matapos sila, hinihingal na isinandal ni Niccolo ang kanyang noo sa balikat ni Lhevie. “Don't ever think that just because I opened up to you, I've become weak. You're still mine. And I'm still the one in control." Natawa na lamang si Lhev sa narinig. He fet embarassed. Pagdating sa opisina, balik muli sila sa kanilang roles. Si Niccolo, ang malamig na CEO. At siya na isang assistant nito. Ngunit habang busy si Lhevie sa kanyang desk, may pumasok na isang napakLakinhg boquet ng dark red roses. Walang card, pero may isang maliit na note na nakasulat sa mamahaling papel. "Eat your lunch. Don't be stubborn. — N.A." Napangiti si Lhevie habang nakatingin sa glass office ni Niccolo. Nakita niyang nakatingin din ang asawa sa kanya, bago ito mabilis na umiwas at nagpanggap na may binabasa sa laptop. "Arogante pa rin, pero marunong nang magpadala ng bulaklak," bulong ni Lhevie sa sarili. ——- Maayos ang takbo ng umaga sa Altierre Tower hanggang sa bumukas ang elevator at lumabas ang isang babaeng tila pag-aari ang buong palapag. Matangkad, sopistikada, at bawat hakbang ng kanyang stilettos ay tila isang babala. Siya si Celestine Valderama-Sy, ang dating fiancé ni Niccolo. Anak ng isang makapangyarihang pamilya na naging bahagi ng madilim na nakaraan ng asawa niya. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa pinto ni Niccolo. Hinarangan siya ni Lhevie, pilit na pinapanatili ang propesyonalismo sa kabila ng kaba. "Excuse me, Ma'am. Do you have an appointment?" mahinahong tanong ni Lhevie. Tiningnan siya ni Celestine mula ulo hanggang paa, isang mapang-maliit na ngiti ang sumilay sa labi nito. “Appointment? Honey, I don't need one. Nicco and I go way back. At sino ka? The new help?" “I'm Lhevie... I'm his assistant,” matapang na sagot ni Lhevie, kahit nanginginig ang kanyang boses. Humalakhak si Celestine. “Assistant? Oh, I see. The rumors are true. Niccolo really did pick up a nobody to spite his father. How... charity-like of him. Assitant ka lang naman, get out of my way!” Bumukas ang pinto ng opisina. Lumabas si Niccolo, pero imbes na itaboy ang babae gaya ng inaasahan ni Lhevie ay napahinto ito. Nakita ni Lhevie ang paniningkit ng mga mata ni Niccolo. Hindi dahil sa galit, kundi dahil sa isang emosyong hindi niya maipaliwanag. Familiarity. "Celestine," maikling bigkas ni Niccolo. Ang boses niya ay hindi malamig gaya ng karaniwan. May halong gulat na tila ba naging mahalaga ang babaeng ito sa kanya noon. "Nicco! You look... dangerous. I love it," lumapit si Celestine at hinawakan ang braso ni Niccolo. Sa halip na bawiin ang kanyang braso, hinayaan lang ito ni Niccolo. Tinitigan niya si Celestine nang matagal, tila nakalimutan niyang nasa tabi lang nila si Lhevie na tila naging isang anino na lang sa paligid. "What are you doing here?" tanong ni Niccolo, ang boses ay malalim pero may kakaibang lambot na hindi naririnig ni Lhevie sa kanya. "I missed our talks. And my father wants to discuss the new port deal. Only with you," hinalikan ni Celestine ang pisngi ni Niccolo, malapit sa labi. Hindi umiwas si Niccolo. Pinanood lang niya ang babae. Isang maliit na ngiti—ang bihirang ngiti na hindi kailanman nakita ni Lhevie na gumuhit sa labi ni Niccolo. Tila nag-e-enjoy siya sa presensya ng babaeng kapantay niya sa estado. "Come inside," pag-aanyaya ni Niccolo kay Celestine. "S-Sir Niccolo..." tawag ni Lhevie, ang boses niya ay gumuho sa gitna ng opisina. "May meeting ka pa sa board—" Binalingan siya ni Niccolo. Ang kanyang mga mata na kanina ay may kakaibang ningning habang nakatingin kay Celestine, biglang bumalik sa pagiging malamig at matigas nang tumingin kay Lhevie. "Cancel it," maikling utos niya. "At huwag kang magpapapasok ng kahit sino. Celestine and I need privacy." "Pero—" "I said cancel it, Lhevie. Do your job," madiing sabi ni Niccolo bago isinara ang pinto sa harap mismo ni Lhevie. Naiwang tulala si Lhevie sa kanyang desk. Rinig niya ang mahinang tawanan sa loob ng opisina. Ang tawang iyon ni Niccolo ay tila mga saksak sa puso ni Lhevie. Ngayon lang niya narealize ang sinasabi ni Celestine—na isa lang siyang "charity case." Habang busy siya sa pag-cancel ng meetings, lumabas ang dalawa pagkalipas ng isang oras. Nakapulupot ang kamay ni Celestine sa beywang ni Niccolo. "Let's have lunch, Nicco. Sa dati nating paboritong place," yaya ni Celestine. "Sure," sagot ni Niccolo. Lumingon siya kay Lhevie, walang kahit anong bakas ng pag-aalala. "Lhevie, I'll be out. Don't wait for me." "Niccolo... akala ko ba mag-uusap tayo tungkol kay Andrea?" mahinang tanong ni Lhevie, halos pabulong na dahil sa hiya sa harap ni Celestine. "It can wait. This is more important," diretsong sagot ni Niccolo. Pinanood ni Lhevie ang paglakad nila palayo. Nakita niya kung paano bumulong si Celestine kay Niccolo at kung paano ito tumugon nang may kasamang kakaibang atensyon. Tila ba sa isang iglap, nabura ang lahat ng "vulnerability" na ipinakita ni Niccolo sa kanya kagabi. Ang sakit. Sobrang sakit dahil pinaramdam sa kanya ni Niccolo na kahit asawa niya ito sa papel, ang puso at mundo nito ay laging mananatili sa mga taong kapantay niya. Nang makaalis ang dalawa ay unti-unting nanghina si Lhevie at napaupo sa kanyang upuan. Dumating si Bettina na may dalang meryenda sana para sa kanila. "O, Lhev? Nasaan si Sir? At bakit... bakit namumugto ang mga mata mo?" nag-aalalang tanong nito. "Umalis sila ni, Ma’am Celestine. Magla-lunch daw," sagot ni Lhevie, ang unang luha ay pumatak na sa kanyang pisngi. “Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nito. Ngumiti naman siya nang tipid dito at tumango. “Oo naman, sige na. Salamat,” aniya rito. Yumuko si Lhevie at humagulgol sa kanyang lamesa. Pakiramdam niya, bumalik siya sa pagiging maliit na batang walang kalaban-laban. Ang black card sa kanyang bag, ang mamahaling damit, lahat 'yan ay walang silbi kung ang lalakeng nagbigay niyan ay handa kang ipagpalit sa isang tawag lang ng nakaraan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD