Muling bumalik ang ingay ng keyboard at ang seryosong aura sa loob ng Altierre Tower. Nakaupo si Lhevie sa kanyang desk, pilit na tinatapos ang mga report na iniwan niya noong business trip. Si Niccolo naman ay nasa loob ng kanyang glass office, nakatitig sa monitor pero paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya. Isang protective look na may halong pagnanasa.
Biglang tumunog ang telepono ni Lhevie. Isang landline number mula sa eskwelahan ni Andrea.
"Hello? Opo, ako po ang Ate ni Andrea. Ano po? O-Opo, papunta na ako. Pasensya na po."
Nanginginig ang mga kamay ni Lhevie habang ibinababa ang phone. Agad siyang tumayo at pumasok sa opisina ni Niccolo nang hindi na nagawang kumatok.
"Niccolo, sorry. Kailangan kong umalis. Emergency lang sa school ni Andrea," hingal na paalam niya. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala at kaba.
"What happened? Is she hurt?" agad na tanong ni Niccolo, tumatayo na rin mula sa kanyang swivel chair.
"H-hindi ko pa alam ang buong detalye, pero kailangan ako roon. Mauna na ako, babalik ako agad," mabilis na sagot ni Lhevie at hindi na nahintay ang sasabihin ng asawa.
Pagdating ni Lhevie sa St. Claire University halos liparin niya ang pasilyo. Pagpasok niya sa Dean’s Office ay bumungad sa kanya ang kapatid na si Andrea. Nakaupo ito sa gilid, naka-cross arms, at imbes na matakot o mahiya, pasimple itong umirap nang makita siya.
"Andrea?" tawag ni Lhevie.
Hindi sumagot ang bata. Uminit ang ulo ni Lhevie.
“Andrea, kinakausap kita!"
"Ms. Galarosa, maupo ho kayo," sabi ng Dean na halatang seryoso ang mukha.
“Nahuli si Andrea at ang mga barkada niya sa likod ng science building. Naninigarilyo. Labag ito sa rules ng school, lalo na't scholar siya. We have no choice but to implement a two-week suspension, and this will be on her permanent record."
"Ma'am, baka naman po pwedeng madaan sa community service? Mawawala po ang scholarship niya kapag na-suspend siya. Isang taon na lang at ga-graduate na siya," pagsusumamo ni Lhevie.
Kinakabahan siya. Ang scholarship na 'yun ang tanging inaasahan niya para hindi na lumaki ang gastos.
"I'm sorry, Ms. Lhevie. Rules are rules."
Lumingon si Lhevie kay Andrea na umaasang makakita ng pagsisisi, pero ang nakita niya ay isang estranghero.
“Andrea, wala ka man lang bang sasabihin? Bakit mo ginagawa 'to?"
"Bakit ka ba andito? Sana hindi ka na lang pumunta," bulong ni Andrea na puno ng inis.
Napatigil si Lhevie. Simula nang pumasok siya sa buhay ni Niccolo, naging madalang ang pag-uusap nila. Realization hit her like a truck, hindi na niya kilala ang kapatid niya. Ang tingin nito sa kanya ay hindi na bilang Ate, kundi bilang isang istorbo.
"I believe we can find a better solution than suspension."
Sabay-sabay silang napalingon sa pinto. Nakatayo roon si Niccolo, suot ang kanyang dark gray suit, mukhang napaka-intimidating at makapangyarihan. Agad na nagbago ang expression ng Dean mula sa pagiging strikto, naging bakas ang pagkagulat at takot.
"M-Mr. Altierre? Kayo po pala?" tumayo ang Dean at agad na inayos ang salamin nito.
Lumakad si Niccolo papasok at tumayo sa likod ni Lhevie, inilapag ang kamay sa balikat nito ay isang protektibong galaw.
“Andrea is under my care as much as she is under her sister's. I know she made a mistake, but a suspension is too much for a scholar. I’m sure the new laboratory equipment I’m planning to donate to this school could compensate for the 'trouble' she caused."
Nanglaki ang mga mata ni Lhevie. Si Andrea naman ay napatingala kay Niccolo, halatang naguguluhan kung bakit andun ang "boss" ng Ate niya.
"O-of course, Mr. Altierre! Kung ganoon po, we can just give her a stern warning and some light campus cleaning. I-ignore na natin ang suspension," mabilis na bawi ng Dean.
"Good. Lhevie, let's go," malamig na sabi ni Niccolo.
Lumabas si Andrea na tila walang utang na loob. Mabilis itong naglakad palayo pero hinabol siya ni Lhevie at hinawakan sa braso.
"Andrea, sandali! Mag-usap tayo!"
"Ano pa ba ang pag-uusapan natin, Ate? Naka-eksena na ang boss mo, 'di ba? Nakakahiya! Bakit kailangan mo pa siyang isama?” sigaw ni Andrea habang pilit na kumakawala.
"Hindi ko siya isinama, sumunod siya! At Andrea, bakit ka ba nagkakaganyan? Alam mo ba kung gaano kahirap ang ginagawa ko para lang makapag-aral ka sa magandang eskwelahan na 'to?” nanginginig na ang boses ni Lhevie sa halong galit at lungkot.
"Hirap? Bakit, nagtatrabaho ka lang naman sa kanya, 'di ba? Secretary ka lang naman! Huwag mo akong sumbatan na parang binubuhay mo ang buong mundo!" irap ni Andrea.
"Secretary? Andrea, tignan mo ako!" pilit na iniharap ni Lhevie ang kapatid.
“Wala na tayong magulang na kasama rito. Ako na lang ang meron ka! Simula nang magtrabaho ako kay Niccolo, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa 'yo dahil abala ako sa paghahanapbuhay para hindi tayo magutom! Para hindi ka matulad sa akin na kailangang kumapit sa... sa kahit ano para lang maka-survive!"
Hindi nakasagot si Andrea, pero makikita sa mata nito ang inis at ang distansyang unti-unting lumalaki sa pagitan nila.
"Konsensya mo na lang, Andrea. Kung balak mong sirain ang buhay mo sa sigarilyo at barkada, isipin mo naman 'yung taong gabi-gabi ay hindi makatulog kakaisip kung paano ka mabibigyan ng magandang buhay," huling sumbat ni Lhevie bago siya binitawan.
“Isa pa, kapag hindi ka umayos ngayon, mas mabuti pang tumigil ka na lang sa pag-aaral. Hindi ako magtitiis para sa isang taong walang ambisyon sa buhay. Sarili lang ang iniisip,” gigil niyang sambit at tuluyang umalis.
Naramdaman ni Lhevie ang isang mainit na yakap mula sa likod. Ang amoy ni Niccolo ay agad na bumalot sa kanya.
"Stop wasting your tears on her right now, Lhevie. She's young and stupid," bulong ni Niccolo.
"Hindi ko na siya kilala, Nicco. Para kaming magkagalit," iyak ni Lhevie habang isinasandal ang ulo sa dibdib ng asawa.
Hinila siya ni Niccolo paharap at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga hinlalaki. Ang tingin ni Niccolo ay puno ng kakaibang emosyon na tila nasasaktan din siyang makitang ganito ang asawa niya.
"She doesn't know anything, does she? She doesn't know you're my wife. She doesn't know who I really am," tanong ni Niccolo.
"Ayaw kong malaman niya. Gusto ko siyang manatiling inosente," sagot ni Lhevie.
Ngumisi nang mapait si Niccolo.
“Innocence is a luxury, Lhevie. But for now, I'll let her keep it. Tara na. I think you need something to take your mind off things."
Inalalayan ni Niccolo si Lhevie pasok sa sasakyan. Kahit seryoso at malamig, ramdam ni Lhevie ang pag-aalaga nito. Pero sa likod ng isip niya, natatakot siya. Paano kung malaman ni Andrea ang lahat? Paano kung malaman nito ang tunay na trabaho ni Niccolo at ang paraan kung paano siya nagbebenta ng sarili para sa pamilya?
Habang umaandar ang sasakyan, hinawakan ni Niccolo ang kamay ni Lhevie at pinisil iyon.
"Whatever happens, I'm here. You're not alone in this anymore."
Napatingin si Lhevie kay Niccolo. Sa kabila ng lahat ng gulo, ang lalakeng ito ang lalakeng kinatatakutan ng lahat, ang siyang nagsisilbing sandigan niya.
Gabi na nang makauwi sila mula sa eskwelahan ni Andrea. Sa loob ng sasakyan ay walang nagsasalita. Nakatingin lang si Lhevie sa labas ng bintana, yakap ang sariling mga braso.
Ramdam niya ang bigat ng presensya ni Niccolo sa tabi niya. Ang bango nito na humahalimuyak sa loob ng sasakyan, at ang awtoridad na dala nito kahit walang sinasabi.
Pagpasok sa mansyon ay dumeretso si Lhevie sa kusina para uminom. Gusto niyang mapag-isa. Pero hindi pa siya nakakasalin ng tubig nang marinig niya ang mabibigat na hakbang ni Niccolo sa likuran niya.
Tumigil ang lalaki ilang pulgada lang mula sa likod niya. Hindi ito humahawak, pero sapat na ang init ng katawan nito para manginig ang mga kamay ni Lhevie.
"You're still thinking about what she said," malamig na boses ni Niccolo. Maikli, direkta, at walang emosyon.
"Hindi," mahinang sagot ni Lhevie. Hindi niya magawang lumingon.
"Liar."
Naramdaman ni Lhevie ang paglapit pa ni Niccolo. Inabot nito ang pitsel sa harap niya. Sa halip na ibigay sa kanya, ibinaba ito ni Niccolo sa counter, dahilan para makulong si Lhevie sa pagitan ng counter at ng malapad nitong dibdib.
"I don't like it when you're quiet for too long," anas ni Niccolo sa may tainga niya. "It makes me want to break something."
"Bakit kailangang maging ganito ang paraan mo, Niccolo?" sa wakas ay humarap si Lhevie. Nakatingala siya, ang inosenteng mga mata ay puno ng pagkalito. "Bakit kailangang pera at pananakot ang laging sagot mo?"
Tinitigan siya ni Niccolo nang malalim. Ang aroganteng guhit sa kanyang labi ay naroon pa rin.
“Because that’s how the world works, Lhevie. You're too innocent to understand. You think kindness saves people? No. Power does."
"Hindi ako sanay sa ganito," bulong ni Lhevie, pilit na umiiwas sa titig nito.
“Minsan... natatakot ako sa'yo."
"You should be," sagot ni Niccolo.
Hinawakan niya ang panga ni Lhevie, marahan pero matigas ang kapit.
“But you're the only one I'm allowing to see this side of me. Don't waste it by acting like I'm a stranger."
Inis si Lhevie dahil kahit anong pilit niyang lumayo, tila hinihila siya ng kung anong magnetismo patungo sa asawa. Nakakainis dahil alam niyang arogante ito, pero pakiramdam niya ay mas ligtas siya sa piling nito kaysa sa kahit kanino.
"A-Akyat na ako," paalam ni Lhevie, pero imbes na bitawan siya, mas lalong inilapit ni Niccolo ang mukha nito sa kanya.
"Not yet."
Walang pasabing binuhat ni Niccolo si Lhevie at isinakay sa ibabaw ng kitchen counter. Napasinghap si Lhevie, ang kanyang mga kamay ay awtomatikong humawak sa balikat ng asawa.
"Niccolo... baka may makakita sa atin," pigil ni Lhevie, ang boses ay puno ng kaba.
"No one dares to enter my kitchen when I'm here," maikling sagot nito.
Nagsimulang dumaan ang mga labi ni Niccolo sa leeg ni Lhevie. Marahan, matagal, at puno ng pagnanasa. Nakakainis para kay Lhevie dahil kahit gusto niyang magprotesta subalit ang katawan niya ay tumutugon sa bawat dampi ng balat nito.
"Niccolo... ahhh," mahinang ungol ni Lhevie nang maramdaman ang kamay ni Niccolo na dahan-dahang nagtataas ng kanyang suot.
Hindi nagsasalita si Niccolo. Hindi siya 'yung tipong nagtatanong o nagpapaliwanag. He just takes what he wants. Ipinaghiwalay niya ang mga binti ni Lhevie at pumuwesto sa gitna nito. Ang bawat paghinga ni Niccolo sa balat ni Lhevie ay tila isang utos na dapat niyang sundin.
"Look at me, Lhevie," utos ni Niccolo habang tinatanggal ang butones ng sariling polo nang hindi pinuputol ang titig sa asawa.
Nanginig si Lhevie pero sumunod siya. Nakita niya ang pagnanasa at ang kakaibang pag-aalaga sa likod ng madidilim na mata ng asawa. Nang tuluyan niyang maramdaman ang pagpasok ni Niccolo, napakapit siya nang mahigpit sa braso nito.
"Ohhh... Niccolo..."
"Mine," bulong ni Niccolo. Maikli. Isang salita na sapat na para burahin ang lahat ng gulo sa isip ni Lhevie.
Ang ritmo ni Niccolo ay hindi nagmamadali, pero bawat pagtulak ay may kasamang bigat at otoridad. Ramdam ni Lhevie ang bawat pulgada ng asawa sa loob niya. Ang bawat ungol na lumalabas sa bibig ni Lhevie ay tila mas lalong nagpapadilim sa tingin ni Niccolo.
"Ahhh! N-Niccolo... s-stop..." pagsusumamo ni Lhevie dahil sa sobrang sarap na nararamdaman, tila hindi na niya kaya.
"I won't," sagot ni Niccolo bago lalong binilisan ang galaw. "Stay with me."
Sa gitna ng tahimik at malamig na kusina, tanging ang tunog ng kanilang mga katawan at ang mabibigat na paghinga ang maririnig. Nang marating nila ang rurok ay mariing isinandal ni Niccolo ang kanyang noo sa balikat ni Lhevie, habang ang mga kamay niya ay nakayakap nang mahigpit sa beywang ng dalaga.
Bumalik ang katahimikan. Nanatili si Niccolo sa posisyong iyon ng ilang segundo bago dahan-dahang humiwalay. Inayos niya ang damit ni Lhevie nang walang imik, tila ba hindi siya ang lalakeng katatapos lang umangkin sa asawa sa ibabaw ng counter.
Binuhat niya si Lhevie pababa.
"Go to bed. I'll finish my drink here," maikli nitong sabi bago tumalikod at kumuha ng baso.
Nakatayo lang si Lhevie habang nag-aayos ng sarili, naiinis siya dahil pagkatapos ng lahat, balik na naman si Niccolo sa pagiging mailap at malamig. Pero habang paakyat siya ng hagdan, narinig niya ang mahinang boses ni Niccolo.
"And Lhevie... don't lock the door."
Napahinto si Lhevie, mabilis na tumibok ang puso niya. Alam niyang sa kabila ng arogante at malamig na pakikitungo nito, hinding-hindi siya nito pababayaan.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Lhevie. Nakahiga siya sa malapad na kama, nakatingin sa kisame at hinihintay ang pagpasok ni Niccolo. Gaya ng iniutos nito, hindi niya ni-lock ang pinto.
Maya-maya, narinig niya ang marahang pagpihit ng door knob. Pumasok si Niccolo, pero hindi gaya ng dati na diretso ito sa banyo o agad na hihiga para angkinin siya, tila may kakaiba sa bawat kilos nito. Mabagal ang kanyang paglakad, at ang balikat na laging diretso at puno ng awtoridad ay tila bagsak ngayon.
Hindi nagpahalata si Lhevie na gising siya. Pinanood niya si Niccolo mula sa ilalim ng kanyang mga pilikmata. Naupo ang asawa sa gilid ng kama, nakatalikod sa kanya. Nanatili itong nakayuko, ang mga siko ay nakatukod sa tuhod at ang mukha ay nakasubsob sa kanyang mga palad.
Isang mahaba at mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Niccolo. Isang tunog na puno ng pagod na hindi kailanman nito ipinakikita sa labas.
Dahan-dahang gumalaw si Lhevie at naupo sa likuran ni Niccolo. Naramdaman niya ang bahagyang paninigas ng katawan ng asawa, pero hindi ito lumingon.
"Niccolo?" mahinang tawag niya.
"I thought you were asleep," paos na sagot nito. Hindi siya gumagalaw, nanatiling nakatago ang mukha sa mga palad.
"Hindi ako makatulog." Nag-alinlangan si Lhevie, pero sa huli ay ipinatong niya ang kanyang kamay sa malapad na likod ni Niccolo.
“May problema ba? Tungkol ba ito sa pamilya mo?"
Natahimik ang buong silid. Ilang sandali ang lumipas bago dahan-dahang inangat ni Niccolo ang kanyang ulo, pero hindi pa rin siya humaharap.
"Every time I close my eyes, Lhevie... I see the mud," bulong ni Niccolo. Ang boses nito ay wala nang bahid ng arogansya. Puro na lamang ito sakit.
“I see her hands—my mother’s hands. She’s reaching out for help that never came. And I see myself... a useless, small boy who could do nothing but watch her fade away."
Naramdaman ni Lhevie ang panginginig ng mga balikat ni Niccolo. Hindi ito humihikbi, pero ang bigat ng bawat salita niya ay mas masakit pa sa iyak.
"People think I'm powerful because of the guns and the money," patuloy ni Niccolo, ang tawa niya ay mapait. "But the truth is, I'm just terrified. I'm terrified that one day, everything will turn back into mud. And I'll be that useless boy again."
Hindi nakapagsalita si Lhevie. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang vulnerable side ng asawa niya. Ang lalakeng akala niya ay gawa sa bato ay may puso palang durog na durog.
Dahan-dahang lumapit si Lhevie at niyakap si Niccolo mula sa likod. Isinandal niya ang kanyang pisngi sa matigas nitong likuran.
"Hindi ka na mag-isa, Niccolo. At hindi ka na 'yung batang 'yun. Nandito ako."
Sa isang mabilis na galaw, humarap si Niccolo at hinila si Lhevie sa kanyang kandungan. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga, tila roon humahanap ng lakas para huminga. Ang mga kamay niya ay nakayakap nang mahigpit sa beywang ni Lhevie. Hindi bilang pag-aari, kundi bilang isang taong malulunod na kung bibitaw pa.
"Don't leave me, Lhevie," bulong ni Niccolo. "Kahit anong mangyari. Kahit gaano ako kasama, please don't look at me the way they do."
"I won't," pangako ni Lhevie, habang hinahaplos ang buhok ng asawa.