Matapos ang madugo at mapusok na gabi ay mahimbing na nakatulog si Lhevie. Ang kanyang hininga ay mahinahon, isang malaking kaibahan sa nangyari g bagyo na kakarating lang at kapaalis lang sa silid na iyon.
Dahan-dahang bumangon si Niccolo. Hindi bakas sa kanyang mukha ang pagod, sa halip, may isang mapanganib na ningning sa kanyang mga mata. Kumuha siya ng isang bote ng mamahaling whiskey at ang kanyang paboritong sigarilyo. Lumabas siya sa terasa, hinahayaan ang malamig na hangin ng madaling araw na humalik sa kanyang hubad na dibdib. Sinindihan niya ang sigarilyo, ang usok ay dahan-dahang sumasabay sa anino ng gabi.
Doon, sa ilalim ng buwan, isang demonyong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
Takot? Hindi alam ni Niccolo ang salitang iyon pagdating sa nino man. Ang eksena kanina sa sala, ang pagbabanta ng kanyang stepmother ay isang malaking palabas lamang para sa kanya. Pinaglalaruan niya lang sila. He was leading them to a trap they didn’t even see coming.
Pumasok siya ulit sa loob at nilapitan ang natutulog na asawa. Tinitigan niya ang bawat kurba ng mukha ni Lhevie. She was his calm, his anchor in a world of filth. Pagdating sa babaeng ito, ang tanging gusto niya ay lamukusin ito ng halik, angkinin ang bawat pulgada ng balat nito, at ikulong sa kanyang mga bisig habambuhay.
“I’m a bastard, Lhevie. A goddamn monster,” bulong niya habang hinahalikan ang likod ng kamay ng dalaga. “And you… you’re the only beautiful thing I ever owned.”
Hindi niya gustong maging masama rito, pero galit siya sa sarili niya. Alam niyang gago siya, at ayaw niyang mapalapit nang husto si Lhevie dahil baka masaktan lang ito sa dumi ng mundo niya. Pero heto siya, hindi mapigilan ang sarili.
Kinuha niya ang kanyang Black Card mula sa pitaka at dahan-dahang inilapag sa side table, katabi ng unan ni Lhevie. It was for her. Lahat ng gusto at kailangan nito, ibibigay niya. Huwag lang itong magtatangkang iwan siya, dahil doon niya tunay na maipapakita kung gaano siya kademonyo.
Kinuha niya ang kanyang telepono at may tinawagan. Isang kilalang media mogul na matagal na niyang hawak sa leeg.
“Leak it. Now. I want the world to know the true face of that witch,” malamig niyang utos bago pinatay ang tawag.
Kinabukasan, hindi sikat ng araw ang gumising sa mga Altierre, kundi ang ingay ng telebisyon at ang baha ng notifications sa social media.
"SCOOP: ALTIERRE MATRIARCH, NASANGKOT SA ISANG MATINDING ISKANDALO NG PANLALALAKI NOONG KASALUKUYANG NASA ABROAD ANG ASAWA!"
Lahat ng tabloid at news site ay iisa ang laman. May mga kalakip pang malilinaw na litrato ng pakikipagtagpo nito sa iba't ibang lalaki. Ang imahe ng "marangal" na asawa ng matandang Altierre ay gumuho sa loob lamang ng isang oras.
Habang nagkakagulo ang buong bansa, si Niccolo ay prenteng nagbibihis ng kanyang pinakamahal na suit. Wala siyang pakialam sa gulo dahil siya ang may kagagawan nu’n.
Alas-diyes ng umaga nang pumarada ang itim na lambo ni Niccolo sa tapat ng mansyon ng kanyang ama. Pagpasok niya ay sinalubong siya ng nagliliparang mga gamit at ang boses ng kanyang ama na umaalingawngaw sa galit.
“HOW DARE YOU!” sigaw ng stepmother niya pagkakita sa kanya.
Ang mukha nito ay sabog-sabog ang make-up sa kakaiyak at galit.
“IKAW ANG GUMAWA NITO, NICCOLO! SINISIRA MO ANG PANGALAN KO!”
Nandoon din ang kanyang half-brother na si Rico, na namumutla habang hawak ang tablet nito. Ang ama naman ay nakaupo sa dulo, ang mukha ay tila tumanda ng sampung taon dahil sa kahihiyan.
Ngumisi si Niccolo, isang mapang-uyam at arroganteng ngiti. Prente siyang naupo sa sofa saka itinaas ang kanyang mga binti sa mesa, at kumuha ng isang mansanas na nasa bowl.
“How can I ruin your name, when it’s already ruined in the first place?” Humalakhak si Niccolo.
“I remember how you maltreated my mother. Calling her a b***h, a slut, homewrecker. But you’re the worst of all.
Galit na tiningnna niya ang ama at nadurog ang mansanas na hawak dahil sa paghawka niya roon nang mariin.
“My mom’s not at fault. Kasalanan iyon ng asawa mong malibog,” dagdag niya. Bumalik na naman sa alaala niya ang sinapit ng ina niya noon.
“YOU BASTARD!” akmang susugod ang stepmother niya pero hinarang siya ng mga tauhan ni Niccolo.
“Kumusta ang gift ko sa ’yo?” biro ni Niccolo. “Nagustuhan mo ba ang front page? HD ang mga kuha, 'di ba? Effort 'yan.”
Biglang seryoso ang mukha ni Niccolo. Ang lamig sa kanyang mga mata ay sapat na para mapatahimik ang buong kwarto.
“Binalaan kita kagabi. Sabi ko sa ’yo, huwag kang pupunta sa bahay ko para magkalat ng nonsense. Ngayon, heto ang resulta,” anito habang dahan-dahang tumatayo.
“Huwag mo akong susubukang bantaan tungkol sa mga illegal activities ko. Dahil bago mo pa maibukas ang bibig mo sa mga pulis, ikaw ang unang mabubunot sa wheel of fortune ko.”
Inilapit ni Niccolo ang mukha niya sa matanda, ang boses ay parang bulong ng kamatayan sa bigat at lamig nito.
“Alam mo ba kung anong nangyayari sa mga taong nauubos ang pasensya ko? Sinesemento sila sa loob ng drum at itinatapon sa gitna ng dagat. Doon, walang media. Walang camera. Isda lang ang makakarinig sa mga huling hiling mo.”
Ramdam niya ang takot sa mga mata nito. Ang matandang babaeng akala mo ay reyna kagabi ay nanginginig na ngayon sa harap ng bastardong pinalaki nila sa hirap.
“Niccolo! Stop this at once!” sigaw ng ama niya. “Asawa ko pa rin siya!”
Baling ni Niccolo sa kanyang ama.
“Shut your f*****g mouth or I’ll shut it with my bullets,” balik niya rito na nagpatahinik sa ama niya.
“How can you be so heartless?” udyok ni Rico.
“Heartless? Tinuruan niyo ako, Rico. Kinuhanan niyo ako ng puso noong ginawa niyo akong alipin sa bahay na 'to,” ganti ni Niccolo. “Huwag niyo akong tatakutin sa mga ebidensyang hawak niyo. I can break those evidences in a heartbeat. Kaya ko ring burahin ang bawat isa sa inyo sa kasaysayan ng mga Altierre.”
Tumayo siya nang tuwid at inayos ang kanyang suit saka ngumiti nang nakakaloko.
“Huwag niyo nang sayangin ang oras ko. Ang susunod na pagpunta niyo sa teritoryo ko nang walang paalam, sisiguraduhin kong sa sementeryo na ang tuloy niyo. Isasabay ko na kayo sa nanay ko, para naman may kasama siya roon sa putikang sinasabi niyo.”
Galit na pinagalitan naman ng ama niya ang stepmother niya dahil sa iskandalong dala nito, habang si Niccolo naman ay ngumiti lang ng isang ngiting tagumpay.
“Remember who I am,” huling hirit niya bago lumabas. “Huwag niyo akong pag-aksayahan ng oras. Dahil oras na maubos ang pasensya ko, may paglalagyan kayong lahat.”
Sa isang huling nakakangilong tingin, tinalikuran sila ni Niccolo. Lumakad siya palabas ng mansyong iyon nang may taas-noo. He was no longer the bullied boy.
Pag-uwi ni Niccolo sa kanyang sariling mansyon, ang unang hinanap niya ay ang amoy ni Lhevie. Nadatnan niya ito sa garden, hawak ang Black Card na iniwan niya.
“Niccolo, ano’ng ibig sabihin nito?” tanong ni Lhevie, bakas ang kaba sa mukha matapos mapanood ang balita sa TV. She was so beautiful. Her eyes were pure and it makes him insane.
Hindi sumagot si Niccolo. Sa halip, niyakap niya ang asawa nang mahigpit mula sa likuran. Ibinaba niya ang kanyang mukha sa leeg nito, nilalanghap ang bawat pulgada ng katahimikang ibinibigay nito sa kanya.
“It’s for you. Buy everything. Even the things you don’t need,” bulong ni Niccolo.
“Pero ang balita... ang stepmother mo—”
“Shh. Don’t think about them. They’re irrelevant now,” putol niya. “Dito ka lang. Sa tabi ko. I’m a mess, Lhevie. I’m a goddamn criminal and a bastard. But as long as you’re here, I can at least pretend to be human.”
Tiningnan naman siya ng asawa niya at nginitian nang tipid. It’s as if an assurance that she’s always there for him.
——-
Pagkalipas ng ilang araw matapos ang pasabog ni Niccolo sa pamilya niya, biglaan siyang nag-utos ng isang "out-of-town business trip." Pero hindi ito basta biyahe sa kung saan, dinala niya si Lhevie sa isang pribadong isla sa Palawan para sa isang mahalagang pulong kasama ang pinakamalaking kasosyo niya sa bansa.
"Niccolo, kailangan ba talaga na ganito kaiksi ang suot ko?" tanong ni Lhevie habang hinihila pababa ang suot na white sundress.
Napatigil si Niccolo sa pag-aayos ng kanyang luxury watch. Tiningnan niya si Lhevie mula ulo hanggang paa.
“It’s Palawan, Lhevie. Unless you want to wear a turtleneck and die of heatstroke, that’s fine."
Pero sa loob-loob ni Niccolo, gusto na niyang balutin ng kumot ang asawa dahil kanina pa siya naiirita sa mga staff ng resort na patingin-tingin dito.
Pagdating nila sa isang marangyang beach-side restaurant, sinalubong sila ng isang lalaking tila lumabas sa isang magazine cover. Matangkad, moreno, disente, at may ngiting kayang magpabagsak ng kahit sinong babae.
Siya si Gabriel "Gabo" Valderama. Hindi lang siya basta negosyante, siya ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas.
"Niccolo! Good to see you, man," bati ni Gabo sabay baling kay Lhevie. "And you must be the legendary Mrs. Altierre. I thought the news were exaggerating, but you are even more beautiful in person."
Kinuha ni Gabo ang kamay ni Lhevie at hinalikan ang likod niyon. Isang simpleng galaw na nagpatingkad sa ugat sa leeg ni Niccolo.
"Gabriel," malamig na bati ni Niccolo. "Let's stick to the agenda."
"Oh, come on, Nicco. Relax! We're in paradise," tawa ni Gabo. Lumingon ulit ito kay Lhevie.
"Lhevie, if this brute ever gets too boring with his business talk, just tell me. I can show you the secret lagoons around here."
Natawa na lamang si Lhevie.
Habang kumakain, halos hindi makakain si Niccolo. Paano, si Gabo ay napaka-charismatic. Maingat nitong ipinapaliwanag kay Lhevie ang tungkol sa mga marine conservation projects nito. Si Lhevie naman, dahil sa likas na kabaitan, ay nakikinig nang mabuti at tumatawa pa sa mga jokes ni Gabo.
“Putragis na Gabo ’to. Akala mo kung sinong santo,” bulong ni Niccolo sa sarili habang mariing hinihiwa ang kanyang steak na parang leeg ni Gabo ang hinihiwa niya.
"You okay, Nicco? You're sweating," pansin ni Gabo na may nakakalokong ngiti.
"I'm fine. The steak is just... tough," sagot ni Niccolo.
"Maybe you're just not used to things you can't control," hirit pa ni Gabo.
Dito na nakaramdam ng matinding insecurity si Niccolo. Sa buong buhay niya, kapag may gusto siyang alisin, pinapatay niya. Kapag may gusto siyang makuha, ninanakaw niya. Pero si Gabo? Anak ito ng Presidente. Kapag ginalaw niya ito, buong militar ng bansa ang susugod sa mansyon niya.
Para siyang leon na nakakulong sa hawla habang pinapanood ang isang golden retriever na nakikipaglaro sa kanyang asawa.
Nang mag-alok si Gabo ng toast, uminom si Niccolo ng wine pero sinadya niyang mabunggo ang baso ni Gabo para tumapon ang wine sa mamahaling puting polo nito.
"Oh, my bad, Gabo. My hand slipped," walang kaemosyong sabi ni Niccolo, pero sa loob niya ay nagdiriwang siya.
"It's okay, Nicco. I have a spare," nakangiting sabi ni Gabo. "Lhevie, could you help me find the waiter? My Tagalog is a bit rusty when I'm stressed."
"Sure, Gabo!" sagot ni Lhevie.
Tumayo ang dalawa. Naiwan si Niccolo sa lamesa, nakatingin sa malayo habang nanggigigil. Biglang lumapit si Bebang na kanina pa pala nagmamasid sa likod ng isang puno ng niyog, suot ang isang dambuhalang floppy hat at shades.
"Sir, amuyin mo nga ang kilikili mo. Amoy selos hanggang dito sa pampang," bulong ni Bebang.
“Shut up, Bebang," asik ni Niccolo.
"Sir, anak ng presidente 'yan. Hindi 'yan pwedeng i-semento. Talunin mo sa 'charm'! Ngumiti ka naman, mukha kang tinitibi!" payo ni Bebang bago mabilis na naglakad palayo habang kumakanta ng 'Ibaon mo, ibaon mo na lamang.
“Ikaw ang uunahin kong patayin, old hag!”
Pagbalik nila sa kanilang villa matapos ang dinner ay hindi na nakapigil si Niccolo. Pagkasara pa lang ng pinto, hinarap niya agad si Lhevie.
"What was that?” sigaw niya.
"Ang alin?" takang tanong ni Lhevie habang nagtatanggal ng hikaw.
"The laughing! The secret lagoons! The way you looked at him like he’s some kind of hero!" bulyaw ni Niccolo habang pabalik-balik sa paglalakad.
"Niccolo, ang bait lang ni Gabo. At saka kasosyo mo siya—"
"He's not kind, Lhevie! He's a politician's son! He's trained to lie with a smile! And he was hitting on you right in front of me!"
Huminto si Niccolo sa tapat ni Lhevie. Sa unang pagkakataon, nakita ni Lhevie ang kawalan ng kumpiyansa sa mga mata nito.
"He's decent. He's powerful in a way that I'm not. He's clean, Lhevie. And I... I'm just a bastard with blood on my hands."
Nagulat si Lhevie. "Nagseselos ka ba kay Gabo?"
"I am NOT jealous!" sigaw ni Niccolo habang namumula ang tenga. "I just... I just don't like his polo. It's too white."
Natawa si Lhevie.
“Niccolo, kahit sampung Gabo pa ang humalik sa kamay ko, ikaw pa rin ang pinakasalan ko. Ikaw pa rin ang asawa ko."
Ang tawa ni Lhevie ay tila naging hudyat para kay Niccolo na itigil na ang pag-iinarte at gawin ang alam niyang pinakamagaling siya ang pag-angkin dito.
"Asawa?" bulong ni Niccolo. "Then prove it."
Binuhat niya si Lhevie at inihiga sa kama na may view ng dagat at ng buwan. Walang pasintabi niyang hinalikan si Lhevie, isang halik na puno ng insecurity na nauuwi sa matinding pagnanasa.
"Niccolo... ahhh!" ungol ni Lhevie nang maramdaman ang mga kamay ni Niccolo na mabilis na nagtatanggal ng kanyang sundress.
"I don't care if he's the Prince of the Philippines," anas ni Niccolo habang ibinabaon ang mukha sa dibdib ni Lhevie. "Tonight, I'll make sure you'll forget even your own name, let alone his."
Sa ilalim ng liwanag ng buwan sa Palawan, muling pinatunayan ni Niccolo ang kanyang dominasyon. Ang bawat pag-ungol ni Lhevie ay tila gamot sa nasugatang ego ng asawa.
"Ahhh! Niccolo! Ohhh god... sa'yo lang ako! Sa'yo lang!" tili ni Lhevie habang nararamdaman ang matitinding pagbayo ni Niccolo na tila ba nakikipagkarera sa hampas ng alon sa pampang.
"Say it! Call me your husband!" udyok ni Niccolo, ang pawis nito ay bumabagsak sa balat ni Lhevie.
"My husband! My Niccolo! Ahhh! Ohhh!"
Nang matapos ang gabi, yakap-yakap ni Niccolo si Lhevie nang sobrang higpit.
"Tomorrow, we're leaving this island. I don't care about the contract. We're going home where there are no lagoons and no presidents' sons."
Napangiti na lang si Lhevie. Ang halimaw niya ay marunong din palang maging isip-bata kapag tinatamaan ng selos.