Nakatitig lang si Lhevie sa kawalan habang nakaupo sa kusina. Madaling araw na, at ang kape sa harap niya ay matagal na ring lumamig. Hindi maalis sa isipan niya ang mga baril, ang mga blueprints, at ang malamig na titig ni Niccolo sa loob ng vault.
"Hindi ka pa rin ba tinatablan ng antok, Lhev? O baka naman masyadong naging 'masigla' ang asawa mo kaya gising na gising ang diwa mo?"
Napatingala si Lhevie. Si Bebang, bitbit ang isang tray ng mga baso, ay kapapasok lang sa kusina. Kahit madaling araw, tila hindi ito napapagod.
"Bebang... kailangan nating mag-usap," seryosong sabi ni Lhevie.
Nahalata ni Bebang ang bigat ng boses ni Lhevie kaya dahan-dahan nitong ibinaba ang tray at naupo sa tapat niya. Wala ang karaniwang biro sa mukha nito.
“Tungkol ba ito sa nakita mo sa West Wing?"
Nanlaki ang mga mata ni Lhevie. "Alam mo?"
"Lhevie, matagal na ako rito. Ako ang naglilinis ng mansyong ito bago ka pa dumating. Alam ko ang bawat sulok, bawat sikreto, at bawat dugong dumanak sa sahig na nilalakaran mo," diretsahang sagot ni Bebang.
“Bakit, B? Bakit kailangang gumawa ni Niccolo ng ganoong mga bagay? Kriminal siya, Bebang. Pumatay siya, nagbebenta siya ng kamatayan," nanginginig na wika ni Lhevie.
Huminga nang malalim si Bebang at hinawakan ang kamay ni Lhevie.
“Makinig ka sa akin, bata ka. Hindi ipinanganak na masama si Niccolo. Ang mundong ito ang pilit na pumatay sa kung anong kabutihang meron siya noon."
Napakunot noo naman si Lhev.
"Bastardo si Sir Niccolo," panimula ni Bebang.
“Anak siya sa labas ng matandang Altierre sa isang simpleng babae. Lumaki siyang bullied, Lhevie. Tinatawag siyang 'anak-sa-pagkakasala,' basura, walang silbi. Pero kahit ganoon, mahal na mahal niya ang nanay niya. 'Yun lang ang tanging liwanag niya."
Tumulo ang luha ni Bebang habang inaalala ang nakaraan.
“Saksi si Sir Niccolo nang mamatay ang nanay niya. Hindi lang basta pagkakasakit, Lhev. Pinanood niyang mawalan ng hininga ang tanging taong nagmamahal sa kanya sa gitna ng ulan, sa isang barung-barong na halos gumuho na. At ang mas masakit? Walang dumamay sa kanya. Noong inilibing ang nanay niya, siya lang ang nandoon. Isang maliit na batang lalaki, naghuhukay sa putikan para bigyan ng disenteng himlayan ang magulang niya."
Napahawak si Lhevie sa kanyang dibdib. Nararamdaman niya ang kirot para sa batang Niccolo.
"Kinuha siya ng tatay niya pagkatapos nun, pero hindi para ituring na anak," pagpapatuloy ni Bebang.
“Dinala siya sa bahay ng mga Altierre para maging punching bag ng legal na asawa at ng mga kapatid niya. Ginawa siyang alipin. Pinapakain ng tira-tira. Ipinapahiya sa harap ng maraming tao. Ang stepmother niya, ‘yung bruhang 'yun ang utak ng lahat ng paghihirap niya. At alam ni Sir Niccolo, sa kaibuturan ng puso niya, na may kinalaman ang babaeng 'yun sa kung bakit hindi nakakuha ng tulong medikal ang nanay niya noon."
"Kaya ba siya naging ganito?" tanong ni Lhevie.
"Oo. Nangako siya sa harap ng puntod ng nanay niya na hindi na siya muling aapihin. Na kukunin niya ang lahat, ang yaman, ang kapangyarihan, ang takot ng mga tao para wala nang makasakit sa kanya," ani Bebang. "
Ang mga ilegal na gawain na nakita mo? 'Yan ang sandata niya para pabagsakin ang mga taong sumira sa buhay niya. Naghiganti siya, Lhevie. Pinatunayan niya sa tatay niya at sa pamilya nito na ang bastardong itinapon nila ang siyang lalamon sa kanila nang buo."
Natahimik si Lhevie. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon kalamig ang mga mata ni Niccolo. Kung bakit tila wala itong emosyon kapag angkinin siya. Ang bawat haplos nito ay tila punong-puno ng galit sa mundo na kailanman ay hindi nagpakita sa kanya ng awa.
"Kaya huwag mo siyang husgahan nang mabilis, Lhev," bulong ni Bebang.
“Malamig siya, oo. Masama siya sa paningin ng iba, totoo 'yun. Pero sa likod ng lahat ng baril at pera na 'yan, may isang batang lalaki pa rin na naghahanap ng hustisya. At baka... baka ikaw lang ang tanging makakapagparamdam sa kanya na hindi lahat ng tao ay sasaktan siya."
"Pero Bebang, natatakot ako sa kanya," pag-amin ni Lhevie.
"Normal lang 'yan. Pero aminin mo, sa kabila ng takot na 'yan, may nararamdaman ka na para sa kanya, 'di ba? Hindi lang ito dahil sa kontrata," pambubuko ni Bebang sabay balik sa kanyang pagiging palabiro kahit basa pa ang mata.
Hindi nakasagot si Lhevie. Bumalik sa isip niya ang imahe ni Niccolo na mag-isang inililibing ang kanyang ina. Ang sakit na kinimkim nito sa loob ng maraming taon ay tila naging isang malaking pader na tanging apoy lang ng pag-ibig ang makakatunaw.
"Sige na, pumanhik ka na sa itaas. Siguradong hinahanap ka na ng dyablo. Ipakita mo sa kanya na kahit gaano siya kadilim, may isang Lhevie na handang manatili sa tabi niya. Ano man uyong sinabi ko ngayon sa ‘yo, ay paniguradong katiting lang ng sakit na pinagdaanan niya. Siya lang ang nakakaalam, Lhev,” ani Bebang saka kinindatan siya.
.
Pag-akyat ni Lhevie sa kwarto ay nadatnan niya si Niccolo na nakatayo sa veranda, nakatalikod at nakatingin sa malayo habang may hawak na baso ng whiskey. Ang tindig nito ay puno ng otoridad, pero sa mga mata ni Lhevie, mukha itong napaka-lungkot.
Dahan-dahan siyang lumapit at, sa kauna-unahang pagkakataon ay siya ang unang yumakap sa likod ni Niccolo. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan ng asawa sa gulat.
"What are you doing, Lhevie?" malamig na tanong ni Niccolo, pero hindi siya kumakawala.
“I'm just staying here," bulong ni Lhevie habang isinasandal ang kanyang mukha sa malapad na likod nito. "Kahit anong mangyari, Niccolo... dito lang ako."
Hindi sumagot si Niccolo, pero naramdaman ni Lhevie ang pagpapatong ng kamay nito sa kanyang mga braso na nakayakap sa kanya. Isang maliit na kilos, pero para kay Lhevie, iyon ang simula ng pagguho ng pader sa pagitan nilang dalawa.
Ang sandali ng kapayapaan sa pagitan nina Lhevie at Niccolo sa veranda ay tila isang marupok na salamin na biglang nabasag nang tumunog ang telepono ni Niccolo sa ibabaw ng bedside table. Ang tunog nito ay matalim, tila isang babala sa gitna ng katahimikan ng gabi.
Dahan-dahang kumalas si Niccolo sa yakap ni Lhevie. Ang init na naramdaman ng dalaga kanina ay mabilis na napalitan ng pamilyar na lamig nang makita ang reaksyon sa mukha ng asawa matapos mabasa ang mensahe.
"What is it?" kabadong tanong ni Lhevie.
"Stay here. Don't come out until I say so," maikling utos ni Niccolo. Ang kanyang boses ay bumalik sa pagiging otoridad, ang panga niya ay mariing nakatikit.
Hindi nakinig si Lhevie. Nang makarinig siya ng malakas na busina at ang ingay ng mga sapatos sa engrandeng hagdanan ng mansyon, dahan-dahan siyang sumunod pababa. Mula sa itaas, nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng purong itim, mula sa kanyang belo hanggang sa kanyang mamahaling takong.
Nandito na naman ang stepmother ni Niccolo. Kasunod nito ang ilang bodyguards at si Rico, na mukhang asong sunud-sunuran saina niya.
.
"Napakaingay ng balita tungkol sa pagpapakasal mo, Niccolo," panimula nito habang iginagala ang paningin sa sala.
"Akala ko ba ay matalino ka? Ngunit tila nagkamali ako. Pinakasalan mo ang isang basurang walang pangalan. Sinasabi ko na nga ba eh. This woman appeared so sudden dahil may plano ka.”
"Get out of my house," malamig na tugon ni Niccolo. Nakatayo siya sa gitna ng sala, ang kanyang mga kamao ay nakakuyom sa gilid.
"Don’t push me to my limit, hindi unlimited ang pasensya ko. Leave while I’m still sane,” he warned.
"Ah, the bastard still has teeth," humalakhak ito, , isang tunog na nagpataas ng balahibo ni Lhevie.
"Huwag mong kakalimutan kung sino ang may hawak ng mga dokumentong pwedeng magpabulok sa iyo sa bilangguan. Ang mga 'kargamento' mo sa pier? Isang tawag ko lang, Niccolo, maglalaho ang lahat ng pinaghirapan mo."
Lumingon ang matanda at nahagip ng kanyang mata si Lhevie na nakatago sa itaas. Isang mapang-aping ngiti ang gumuhit sa labi nito.
“So, ito pala ang bagong laruan mo? She looks fragile. Parang ang nanay mong palamunin na namatay sa putikan."
Sa isang iglap, tila nagdilim ang paligid. Mabilis na nakalapit si Niccolo sa matanda at hinawakan ang leeg nito, sapat para mapasinghap ang matanda. Ang mga bodyguards ay agad na nagbunot ng baril, ngunit mas mabilis ang mga tauhan ni Niccolo na lumabas mula sa anino ng mansyon. Nagulat pa si Lhevie sa nasaksihan.
"Huwag na huwag mong babanggitin ang nanay ko gamit ang marumi mong bibig," bulong ni Niccolo, ang boses ay puno ng pumatay na pagnanasa.
“Dahil sa oras na gawin mo 'yun, hindi ko na iisipin kung babae ka man o kung legal na asawa ka ng tatay ko. Iingudngod kita sa putikang sinasabi mo."
"Niccolo, tama na!" sigaw ni Lhevie habang tumatakbo pababa. Hindi niya kayang makita ang ganitong karahasan kahit gaano pa kasama ang babae.
Binitiwan naman agad ni Niccolo ang ina-ina niya na tila ba diring-diri siya rito.
"Isang babala lang, Niccolo," pag-aayos ng matanda ng kanyang suot, hinihingal pa rin.
“Ang kontratang pinirmahan niyo ng batang iyan? Alam ko ang bawat clause. At alam ko ring ginagamit mo lang siya para makuha ang tiwala ng mga board members. Kapag nalaman nilang ilegal ang kasal na ito, babagsak ang imperyo mo. Maghanda ka, dahil sisiguraduhin kong sa susunod na pagkakataon, hindi lang kumpanya ang mawawala sa iyo kundi pati ang babaeng ito."
Mariing tinitigan ng matanda si Lhevie. "Enjoy your stay, dear. Hindi ka magtatagal dito."
Pagkaalis ng matanda at ng kanyang mga tauhan. Ang mansyon ay binalot ng isang nakabibinging katahimikan. Hinarap ni Niccolo si Lhevie. Ang galit sa kanyang mukha ay hindi pa rin humuhupa.
"I told you to stay upstairs!" sigaw ni Niccolo. Ang boses niya ay gumuho sa buong sala.
"Natatakot ako para sa'yo, Niccolo!" ganti ni Lhevie, umiiyak na.
Hindi sumagot si Niccolo. Sa halip, hinila niya si Lhevie paitaas, pabalik sa kanilang kwarto. Isinara niya ang pinto nang may kalakasan at isinandal si Lhevie roon.
"You want to know if I'm using you?" anas ni Niccolo, ang kanyang hininga ay tumatama sa labi ni Lhevie.
“Maybe I am. Or maybe, I'm just trying to keep you safe from people like her. Pero isa lang ang sigurado, Lhevie, hindi ka aalis sa tabi ko. You are my shield, my weapon, and my obsession."
Sa gitna ng galit at takot, ang pagnanasa ay muling sumiklab. Walang pasabing hinalikan ni Niccolo si Lhevie, isang halik na tila humihingi ng tulong, tila sinusubukang kalimutan ang sakit ng nakaraan na muling binuhay ng matanda kanina.
"Niccolo... ahhh!" ungol ni Lhevie nang maramdaman ang marahas na pagpunit ni Niccolo sa kanyang suot.
Ipinatong siya ni Niccolo sa kama at agad na pumatong sa ibabaw niya. Walang salita, puro galaw. Ang bawat pagtulak ni Niccolo ay puno ng frustrasyon at matinding pag-aari. Tila ba bawat saksak nito sa loob ni Lhevie ay paraan niya para sabihing “Akin ka. Walang makakakuha sa iyo.”
"Ahhh! N-Niccolo! Ohhh god!" napapikit si Lhevie, ang kanyang mga binti ay nakapulupot sa beywang ng asawa.
“I-I'm here... I'm not leaving... ahhh!"
"Say it again! Tell me you're mine!" ungol ni Niccolo, ang kanyang mga ugat sa leeg ay litaw na litaw habang binibilisan ang ritmo.
"I'm yours! Ahhh! Sa'yo lang ako, Niccolo! Ohhh... ahhh!"
Ang gabi ay napuno ng tunog ng naglalapat na balat at ang mahihingal na ungol ng dalawang taong pilit na tumatakas sa mundong puno ng panganib. Sa rurok ng kanilang pagsasama, naramdaman ni Lhevie ang isang patak ng luha mula kay Niccolo na tumulo sa kanyang pisngi. Isang patak na nagpapatunay na sa likod ng matitigas na baril at ilegal na yaman, may isang pusong nagnanais lamang na mahalin at protektahan.
"Niccolo... ohhh... m-my god!"
Sabay silang bumagsak sa kutson, hinihingal at pagod na pagod. Niyakap nang mahigpit ni Niccolo si Lhevie, tila ba kapag binitawan niya ito ay bigla itong maglalaho.
"Don't listen to her, Lhevie," bulong ni Niccolo bago sila tuluyang lamunin ng dilim. "As long as you're with me, no one can touch you. Not even the ghosts of my past."