Tahimik ang buong conference room. Isang siywasyong ayaw ni Lhev. Masiyadong tensyonado ang paligid. Idagdag pang puno ng mga taong sanay makipaglaro sa malalaking desisyon ang nasa loob. Seryoso at wala man lang may nagtangkang mag-joke. Nakatayo si Niccolo sa dulo ng mahabang mesa. He was serious, calm, and omposed. Bawat salita na lumalabas sa bibig nito ay sigurado at may pinalidad. “This deal doesn’t move unless the terms are clear.” Mababa ang boses niya. Diretso at walang paligoy-ligoy. Tahimik ang mga kaharap niya. Mga taong hindi basta-basta napipikon. Tahinik lang na nakikinig sa kaniya. Manghang-mangha naman sa gilid na nakatayo si Lhev. Bawat salitang lumlabas sa bibig ng boss niya ay malaman at may conviction. Hawak ang tablet at tahimik na nakikinig. Bagama’t hindi na

