Kinabukasan ay maingat na naglakad si Lhev pababa papuntang kusina. Hindi pa man nakalalapit ay napangiti na siya nang marinig ang matinis na boses ni Bebang. Nagmamadaling pumasok siya ng kusina at nakitang nagluluto ito. “Super B,” tawag niya rito at kaagad na umupo sa counter ng kitchen. Nakangiting nilingon naman siya ng matanda at tinikwasan ng kilay. “Good morning sa ‘yo, Lhevie. Ano nakatulog ka ba nang maayos kagabi? Hindi ka ba ginapang ng boss nating pogi?” tanong nito. Natigilan naman si Lhev sa tanong ni Bebang. “Ha?” “Asus! So, hindi nga?” paninigurado nito. “Hindi no, ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Baka marinig tayo ni, Sir Nicco ano pa ang isipin niya,” wika niya at hininaan ang boses. Natawa naman si Bebang. “Huwag kang mag-alala. Ganitong weekend ay hindi

