Chapter 9

2207 Words
Hindi sanay si Lhev sa ganitong katahimikan. Pagmulat pa lang ng mata niya ay ramdam na niya agad. Walang sigaw ni Bebang mula sa kusina. Walang kalabog ng mga pinggan. Naninibago siya. Mas sanay kasi siya na marinig ang tunog takuri na siga wni Bebang. Dahan-dahan siyang napabangon at napatingin sa orasan. Buti na lang walang trabaho ngayon. Nag-inat muna siya at humikab saka napatingin sa digital clock. Nanlaki ang mata sa nakita. “Alas diyes? Lintek!” Napabalikwas siya. “H-Hala, kaya pala tahimik at gabing-gabi na.” Mabilis siyang tumayo, halos matisod pa sa pagmamadali. Hindi niya namalayang nakatulog siya nang ganoon katagal. Pagod siya. Sobrang pagod. Isang linggo pa lang pero pakiramdam niya, isang buwan na siyang nagtatrabaho. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto. Tahimik ang hallway. Walang tao. Walang ingay. “Bebang?” mahina niyang tawag. Walang sumagot. Mas lalo siyang nanibago. Ang aga yata ngayon natulog. Pagbaba niya sa kusina ay malinis na. Maayos na parang walang tao. Napahawak siya sa mesa. “Ang tahimik…” bulong niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas lalo siyang kakabahan. Naghain na lang siya. Habang kumakain siya mag-isa, hindi niya maiwasang mapaisip. Sa trabaho, sa nangyari kagabi, sa lahat. At sa kabila ng pagod ay hindi niya maitatanggi. Malaki ang kinikita niya. Hindi lang sapat kundi sobra.Hindi mapuknit ang ngiti sa kaniyang labi. Naalala niya ang incentives na ibinigay ni Niccolo. Napailing siya. “Grabe naman ‘yun…” Hindi niya akalaing may ganitong klaseng trabaho. Nakakapagod, nakakapressure. Pero kapalit nu’n ay binabayaran nang sobra. At iyon lang ang pinanghahawakan niya. Titiisin niya ang ganitong trabaho at pumapaldo naman siya. Naghugas na rin siya ng pinagkainan niya pagkatapos. Nagtimpla ng gatas at nang matapos ay umakyat na sa ikalawang palapag. Mahinang naglalakad si Lhev papunta ng kaniyang kwarto hawak ang tubig na iinumin sana niya. Tahimik pa rin ang buong mansyon kaya halos marinig niya ang sariling hininga. Natigil siya saglit at parang may naririnig siya. Nagsitaasan ang kaniyang balahibo. “Sa laki ng bahay ni, Sir Nico paniguradong pinamamahayan na ‘to ng mga hindi nakikita,” mahinang aniya at agad na nagmadali. Pero may narinig na naman siya. Mahina na halos hindi marinig kaya napahinto siya. Napadasal siya nang wala sa oras. “Kung sino ka mang ligaw na kaluluwa ay wala po akong kasalanan sa kasamaan ng amo ko. Nagtatrabaho lang po ako rito,” aniya at nagpatuloy. “Hmm…ahhhh!” Napakunot ang noo niya. May umuungol at habang palapit siya ay medyo lumalakas din. Hindi masiydong malakas sakto lang. Hindi niya maintindihan. Parang may nasasaktan o nahihirapan. Dahan-dahan siyang naglakad. Papunta sa dulo ng hallway. Kung saan nagmumula ang tunog. Palakas nang palakas. Mas malinaw at mas kakaiba. Napatigil siya sa tapat ng isang pinto. “Ahhhh! Ahhh! Nicoooo!” Sa boses ng babae ay sigurado siyang nahihirapan ito. Paano kung sinasaktan ito ng boss niya? Lalo siyang na-curious. Bahagyang nakaawang ang pinto. May siwang. Nag-alangan siya pero mukhang desperada ang tunog ng babae. “Pleasee Nico, please ahhh!” Hindi niya alam kung dapat ba siyang umalis o silipin na muna ang sitwasyon sa loob. Knowing her boss, ayaw na sana niyang makialam pero nanaig ang kuryosidad. Dahan-dahan siyang sumilip at nanigas siya sa nakita. May isang babae sa loob na hubad baro. Nakaupo sa kama habang pinipisil ang u***g at nilalaro ang p********e nito. Umuungol na para bang nasisiyahan na nababaliw sa ginagawang pagpapaligaya sa kaniyang sarili. Napaatras si Lhev habang nanlalaki ang mata. Hindi siya makahinga sa nasaksihan. Pagtingin niya sa kaharap niyo ay natutop niya ang kaniyang bibig. Niccolo was sitting adjacent to the woman. Puffing the smoke and staring intently. Nakabukas ang unang tatlong butones ng suot nitong white polo shirt. “Oohhh! Niccolo please, put your hard manhood inside me. I want you ahhh!” Nakamasid lang si Lhev sa gagawin ng boss niya pero wala. Nanatili lang itong nakatingin sa babae at uminom ng alak sa baso. “f**k me please! Nicco!” pagmamakaawa ng babae. “Sshh! Keep your mouth shut you w***e!” saad nito. Hindi ito ang Niccolo na nakikita niya sa opisina. Hindi rin ito ang lalaking tahimik at kontrolado sa harap niya. May kakaibang aura. Mas madilim, mas nakakatakot. Napaatras si Lhev at ramdam niya ang pamumula ng kaniyang mukha. Halos mawalan siya ng laway sa nakita. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Hindi niya alam kung bakit pero parang hindi niya dapat nakita iyon. Hindi na dapat nanaig ang kuryosidad niya. Heto tuloy at para siyang mababaliw at hindi mawala sa kaniyang isipan ang nakita. Tahimik siyang umatras. Dahan-dahan, hanggang sa tuluyan siyang makalayo. At kahit malayo na siya sa kwarto na iyon ay hindi pa rin humuhupa ang t***k ng puso niya. Napahawak siya sa wall at napabuga ng hangin. “H-Hindi ko dapat nakita ang malaswang—“ mahina niyang saad. Pero malinaw na sa isip niya ang nakita. At sa unang pagkakataon ay naramdaman niya na may mga bagay tungkol kay Niccolo na hindi niya pa kayang unawain. At marahil ay hindi niya dapat malaman. Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Lhev ay napatda siya sa kaniyang kinatatayuan. “Lhev.” Nanigas siya. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya. Dahan-dahan siyang napapikit. Nahuli siya. Hindi siya agad lumingon. Hindi niya kaya. “P-Po?” Naputol ang sasabihin niya. Ni hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Pakiramdam biya ay may malamig na matang naksunod sa kaniya. Hindi pa man siya lumilingon ay napapanata niyang nakatitig ito nang malalim. “Come here,” mahina at malalim ang boses nito. At mas lalong nagpabigat iyon sa dibdib niya. Hindi siya gumalaw. Hindi siya makagalaw. “Now.” Mas mababa at mas kontrolado. Napapikit ang dalaga at dahan-dahan siyang lumingon. Napalunok siya nang makitang wala itong saplot pang-itaas. Kitang-kita niya ang napakaganda nitong katawan. Ang matigas nitong muscle. Toned at mukhang alagang-alaga. Napayuko kaagad si Lhev. “H-Hindi ko po sinasadya…” mahina niyang sabi, halos pabulong. “P-Pasensiya na po…” Hindi niya kayang tumingin. Hindi niya kayang alalahanin ang nakita kanina. Tahimik na tinitingnan lang siya ng boss niya. Ilang segundo na para bang mas lalong humahaba. “Curious?” Nanlaki ang mata niya. “H-Hindi po—” Agad niyang tanggi. Pero halatang nanginginig ang boses niya. Mahinang natawa si Niccolo. Hindi malakas. Pero sapat para maramdaman niya ang panginginig sa sarili niya. “Then why were you looking?” Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “I…I—“ “Lhev.” Mas lumalim ang boses nito. At doon ay dahan-dahan itong lumapit. Isang hakbang, dalawa. Napaatras si Lhev sa takot. Hanggang sa dumikit siya sa pader ng hallway. “P-Pasensiya na po…” ulit niya nang mas mahina. “Hindi ko po uulitin. Akala ko lang po kanina may nangangailangan ng tulong,” paliwanag niya. Huminto si Niccolo sa harap niya. Hindi siya hinawakan. Pero sapat na ang lapit para maramdaman niya ang presensya nito. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Halos gahibla na lang ang layo nila. Ang mga mata ng binata ay para bang hinihigop ang lakas niya. “You shouldn’t apologize for something you chose to do.” Nanlaki ang mata niya. “H-Hindi ko po pinili na…na—“ “Na makinig at tumingin?” sabat ni Niccolo. Nahiya naman ang dalaga. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. “Hmm.” Bahagyang yumuko si Niccolo, sapat para halos magtapat ang mga mata nila. Pero si Lhev ay hindi pa rin makatingin. “Did you like what you saw?” Parang tumigil ang mundo. “P-Po?” Namula siya agad. Halos mapapikit. Niccolo chuckled seeing her reaction. “Relax,” mahina nitong sabi. Pero mas lalo siyang kinabahan. “I’m just asking.” “H-Hindi po…” mabilis niyang sagot, halos mabulol. “H-Hindi ko po sinasadya iyon. Pasensiya na po talaga.” Sandaling katahimikan ang namayani. Napalunok si Lhev nang makitang titig na titig si Niccolo sa kaniya. “Of course you don’t,” mahina pero parang may halong amusement. Napahigpit ang hawak ni Lhev sa damit niya. Gusto na niyang umalis. Gusto na niyang mawala roon. “You’re too innocent,” dagdag pa nito. Mas mabagal, mas malalim. Napapikit siya. Hindi niya alam kung bakit. Pero parang mas lalo siyang nahihiya. Ramdam niya ang paglapit ng bibig nito sa taenga niya. Halos mawalan siya nang lakas nang maramdaman ang hininga nito. “Go back to your room.” Napamulat siya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. “O-Opo…” Mabilis siyang tumango. Halos madapa sa pagmamadaling tumalikod. Pero bago siya tuluyang makaalis ay tinawag siya nito ulit. “Lhev.” Napahinto siya pero hindi siya lumingon. “Next time…” Sandaling pahinga. “Just knock.” Napalunok siya. “O-Opo…” At mabilis siyang naglakad palayo. Halos tumakbo. Pagpasok niya sa kwarto ay agad niyang isinara ang pinto at napasandal doon. Mabilis ang t***k ng puso niya. Mainit ang pisngi niya. Hindi niya maipaliwanag. “B-Bakit ko ba…” Hindi niya natuloy ang sasabihin. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Kung bakit hindi siya makalma. Pero isang bagay ang sigurado. Hindi na niya kayang tingnan si Niccolo nang pareho lang. Sa kabilang banda ay nakatayo pa rin si Niccolo sa hallway. Tahimik at nakapamulsa. “She looked…” mahina niyang bulong. At sa halip na mainis ay ngumiti siya nang bahagya. “Lhevie, my Lhevie...” Kinabukasan. Mas maaga pa sa alarm niya, gising na si Lhev. Hindi dahil sa sipag. Kundi dahil hindi siya nakatulog nang maayos. Paulit-ulit sa isip niya ang nangyari kagabi. Ang boses. Ang titig. Ang paraan ng pagsasalita ni Niccolo nang mabagal at malalim. Parang alam ang epekto ng bawat salita. Napapikit siya at umiling. “Mag-focus ka…” bulong niya sa sarili. Mabilis siyang nag-ayos at bumaba. Mas tahimik pa rin ang mansyon. Pero ngayon ay hindi na iyon nakakapanibago. Mas nakakakaba na. Pagpasok niya sa dining area ay nandoon na si Niccolo. Nakaayos na. Tahimik na umiinom ng kape. Na para bang wala itong ginawa kagabi. Nanlamig si Lhev at dumadagundong ang puso niya sa kaba. “G-Good morning po,” mahina niyang bati. Dahan-dahang napatingin si Niccolo. Isang tingin lang pero sapat para kabahan siya. “Morning,” wika nito. Maikli at deritso. Tila ibang katauhan ang nasa harap niya ngayon. Iisipin niya na may kambal ito dahil sa kakaibang awra nito ngayon. Umupo siya nang tahimik. Hindi makatingin sa amo at nagmamasid lang. “Did you sleep well?” Napahigpit ang hawak niya sa kutsara. “O-Opo…” Sinungaling. “Hmm.” Iyon lang ang sagot nito. Pero parang hindi siya pinaniwalaan. Tahimik ulit. Habang kumakain siya ay nararamdaman niya ang titig nito. Hindi niya kailangang tumingin para malaman. Inisip pa niya kung nakauwi na ba ‘yong babae o ano. “You’re avoiding me.” Biglang sabi ni Niccolo. Napatigil siya at natawa nang pagak. “H-Hindi po ah.” “Look at me.” Dahan-dahan siyang napatingin. At agad ding napaiwas. “I’m not doing anything,” dagdag nito. Kalmado na parang wala lang. “O-Opo…” Hindi niya alam kung anong isasagot. Saglit na katahimikan ulit. Hinahanap niya si Bebang pero wala. Kung kailan kailangan niya ito eh saka pa nawawala. “Still curious?” Nanlaki ang mata niya. “H-Hindi na po,” mabilis niyang sagot. Halos mabulol. Mahinang natawa si Niccolo. “Good.” Isang salita pero parang may ibang ibig sabihin. Mas lalo siyang nahiya. Mas lalo siyang naging conscious. Buong araw ay mas tahimik si Lhev. Mas maingat. Mas iniiwasan ang kahit anong pwedeng magdala sa kaniya sa awkward na sitwasyon. Pero hindi talaga siya tinatantanan ng boss niya. Mukhang natutuwa pa ito sa tarantang reaksyon niya. “Lhev.” “Yes, sir?” “Come here.” Lumapit siya agad. Hindi na nagtanong. “Check this.” Lumapit siya sa tabi nito, bahagyang yumuko para makita ang laptop. At doon ay napansin niya kung gaano sila kalapit. Napasinghap siya nang mahina saka agad na umatras nang konti. “Problem?” tanong ni Niccolo. “W-Wala po,” mahina niyang sagot. “Then stay.” Nanigas siya. Hindi gumalaw. Ramdam niya ang presensya nito. Ang init, ang lapit. At parang alam ni Niccolo ang epekto nito. “You’re distracted.” Biglang sabi nito. “Ha? Naku! Hindi po,” mahina niyang tanggi. “Hmm.” Walang sumunod. Pero hindi rin siya pinayagang umalis. “Go.” Agad siyang umatras. “Opo…” At halos hindi na siya makahinga nang maayos pagkalayo niya. Kinagabihan ay tahinik ulit ang mansyon. Pero ngayon ay mas ramdam niya ang presensya ni Niccolo kahit wala ito sa harap niya. At habang naglalakad siya pabalik ng kwarto. Hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit hindi siya komportable. Kung bakit mas lalo siyang nagiging conscious. At kung bakit sa tuwing lumalapit si Niccolo ay parang may kung anong nag-iiba sa kaniya. Sa kabilang banda. Nakatayo si Niccolo sa may bintana. At tahinik na sumisimsin sa kopita. “She’s trying too hard to stay away,” mahina niyang bulong. At sa halip na tumigil ay mas lalo siyang naaliw. “Let’s see how long you last.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD