Chapter 8

2193 Words
“Stay here.” Mahina pero malinaw ang utos ni Niccolo. Napatingin si Lhev sa kaniya. “O-Opo…” Bahagya itong tumango bago tuluyang humiwalay, lumapit sa grupo ng mga lalaking halatang may matataas na posisyon. Napatingin si Lhev sa direksyon nito. Ilang sandali pa ay para bang ibang mundo na agad ang ginagalawan nito. Kalmado, matikas, at kontrolado ang bawat galaw. Siya namannitong ubos na ubos na ang laway kalulunok dahil sa kaba. Pinanatili niya ang sarili na maging propesyonal at huwag ng bigyang pansin ang mga patutsada ng pamilya nito kanina. Dahan-dahan siyang umupo sa mesa. L Mahigpit pa rin ang hawak niya sa clutch. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang tingin niya. Sa paligid may mga nagtatawanan. May nag-uusap, may nagbubulungan. Pero pakiramdam niya eh lahat sila ay masyadong malayo. “Honestly, Rico, I don’t understand.” Napahinto si Lhev. Hindi niya sinasadyang mapalingon. Nasa kabilang mesa lang pala ang half-brother ni Niccolo. Kasama pa rin nito ang babae kanina. Nag-abot pa ang kanilang tingin kaya tinikwasan siya nito ng kilay. Kinastigo niya pa ang sarili at hindi mapirme ang kaniyang mga mata. “Ang daming tao rito na wala namang substance,” pagpapatuloy nito saka bahagyang uminom ng wine. “They dress well, they speak well but that’s it.” Tahimik si Rico habang nakikinig. “Hindi tulad mo,” dagdag nito, may bahagyang ngiti. “You’re capable. You think. You observe.” “Like him?” mahinang tanong ni Rico. Sandaling katahimikan saka ngumiti ang babae. “Let’s not compare.” Napayuko si Lhev. Hindi niya gustong makarinig ng usapan ng iba pero sa mukha pa lang ng babae puno na ng intriga . Pero hindi niya rin maiwasan. “You could do better,” saad ng babae. “You just… choose not to.” Napahigpit ang hawak ni Lhev sa clutch niya. Hindi niya alam kung bakit. Pero pakiramdam niya ay hindi lang iyon para kay Rico. Ang ingay ng paligid pero talagang nakapokus lahat ng sensory organs niya sa dalawang nag-uusap. “Excuse me.” Napalingon si Lhev. Nakatayo na si Rico sa harap niya. Nanlamig siya agad. “Hello po,” mahina niyang bati, halos hindi marinig. Ngumiti ito nang magaan. Pero may kung anong hindi niya maipaliwanag. “So you’re his assistant.” Hindi siya agad nakasagot. “O-Opo…” Umupo si Rico sa tapat niya nang hindi nagpaalam. Mas lalo siyang kinabahan. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kaniya? “Relax,” saad nito. “Hindi kita kakainin.” Napayuko siya. Hindi siya sanay sa ganitong usapan. “You look nervous.” “Dapat po ba akong maging masaya ngayon kaysa nerbyosin?” sagot niya na nagpatawa sa binata. Napapikit siya sandali. Mali. Maling sagot. “Ah—I mean, hindi po…” Ngumiti si Rico. “Cute.” Nanlaki ang mata ni Lhev. Hindi siya sanay. Hindi niya alam kung paano magre-react. Paano naging cute iyon eh napakatanga nga niya. “First time mo sa ganito, right?” tanong nito. Tumango siya. “Opo…” “I can tell.” Tahimik na naman. Wala siyang planong lumingon at baka pilipitin na bg babae ang ulo niya. “Don’t worry,” dagdag nito. “You’ll get used to it.” Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala. “Matagal ka na sa kaniya?” tanong ulit nito. “H-Hindi po…” “How long?” “Today po.” Bahagyang napataas ang kilay ni Rico. “First day?” Tumango siya. “Interesting.” Saglit siyang pinagmasdan nito. Hindi komportable ang tingin. Hindi bastos pero hindi rin tama. “You know,” saad ni Rico, bahagyang yumuko palapit, “he gets bored easily.” Nanigas si Lhev. “P-Po?” “People come and go,” dagdag nito. “Assistants, staff… even partners.” Hindi siya makapagsalita. “So don’t get too attached.” Napahigpit ang hawak niya sa clutch. “Nagtatrabaho lang po ako nang maayos,” sagot niya. Ngumiti si Rico. “Good, pero sayang ka eh.” Napatingin si Lhev dito nang bahagya. “Ha?” “You’re different.” Hindi niya alam kung paano tatanggapin iyon. Hindi niya alam kung compliment ba iyon o insulto. “Mas bagay ka sa you know,” tumigil ito, saka ngumiti, “mas magaan na environment.” Napakunot noo naman si Lhev. Ang taas ng tingin nito sa sarili. Napakapresko. “Like me.” Nanlaki ang mata niya. Grabeng kakapalan ng mukha. Mahinang natawa si Rico. “I’m easier to deal with.” Hindi niya mapigilang umatras nang bahagya sa upuan. Nababaliw na yata ang binata. “Lasing na po ba kayo?” maingat niyang tanong. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Rico at inayos ang sarili. Tinuro pa nito ang sarili niya kaya napatango si Lhev. “Do I look like drunk to you?” tanong nito. Tumango naman si Lhev. “Mukhang okay ka naman po, pero kung magsalita ka po wala sa hulog,” sagot niya. Kita ng dalaga ang paggalaw ng panga nito. Mukhang na-offend talaga ito. “Pasensiya na po,” aniya. “Don’t apologize,” asik nito. “Let’s make it simple. If you ever get tired working for him…” Bahagyang tumigil ang binata saka tinitigan siya. “…you can always come to me.” Nanlaki ang mata ni Lhev. “Ganiyan po ba talaga kayo?” agad niyang sagot. Halos pabulong. Ngumiti si Rico na parang naguguluhan “Fine, I get it. Masiyado kang loyal sa boss mo. Tuta ka pala,” sambit nito. “At first day mo pa sa kaniya ha,” dgdag pa nito. Tumango si Lhev nang mahina. “Let’s see how long that lasts.” Tumayo si Rico at bago ito tuluyang unalis ay bahagya itong yumuko palapit sa kaniya. “Try not to look too scared,” bulong nito saka iniwan siya. Naiwan si Lhev sa mesa. Mas tahimik. , mas magulo ang isip. Mas mabilis ang t***k ng puso. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Kung matatakot ba siya o maiinis. Pero isa lang ang sigurado hindi siya komportable. Lalong pakiramdam niya eh may saltik ang binata. At sa kabilang dulo ay hindi niya napansin. Na may isang pares ng mata ang matagal nang nakatingin. Malamig at mukhang kanina pa nagbabantay. Hindi pa rin gumagalaw si Lhev. Nakatitig lang siya sa mesa, pero wala siyang nakikita. Paulit-ulit sa isip niya ang mga sinabi ni Rico kanina na kung anu-ano. Sa totoo lang eh wala naman siyang pakialam. “He gets bored easily…” “Don’t get too attached…” “You can always come to me…” Napahigpit ang hawak niya sa clutch niya. Hindi niya alam kung bakit pero parang may mali. “Lhev.” Napasinghap siya. Mabilis siyang napatingin at nandoon na si Niccolo. Nakatayo sa tabi ng mesa. Tahimik pero iba ang aura. Mas malamig. Mas mabigat. “O-Opo…” Agad siyang napatayo. Halos hindi na niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay niya. Saglit siyang tinitigan ni Niccolo. Hindi nagmamadali. Hindi nagtatanong. Pero parang alam na nito. “Let’s go,” wika nito “A-Ah…opo.” Mabilis niyang kinuha ang clutch niya at sumunod. Sa kabilang direksyon ay nakatayo si Rico. At sa sandaling nagtagpo ang mga mata nila ni Niccolo ay bahagya itong ngumiti nang nakakauyam. Pero sandali lang. Dahil agad din itong tumalikod at umalis. Tahimik ang paglalakad nila palabas ng ballroom. Hindi nagsasalita si Niccolo. At mas lalo namang hindi nagsalita si Lhev. Halos hindi niya marinig ang sarili niyang paghinga. Pagdating nila sa mas tahimik na hallway ay huminto si Niccolo. Napahinto rin siya. Hindi siya nagsalita. Hindi siya gumalaw. “What did he say?” Diretso iyon gamit ang mababang boses. Pero ramdam na nanlamig si Lhev. “W-Wala po,” mahina na halos pabulong. “Lhev.” Napapikit siya sandali. “Po?” “Answer properly.” Mas mababa ang boses. Mas kontrolado at mas nakakatakot. “May mga tinanong lang po…” mahina niyang sagot. “Like?” Napalunok siya. “Kung matagal na raw po ako sa inyo…” “What else?” Hindi siya makatingin. “Wala na po.” Masiyadong tahimik ang paligid. Parang sumikip. Sa tingin pa lang boss niya sobra na siyang naiintimidate na para bang gusto na lanv niyang mawala. “Look at me.” Dahan-dahan siyang napatingin. At agad ding nagsisi. Dahil sa klase ng tingin ni Niccolo. Hindi galit at lalong hindi rin okay. “He doesn’t talk without intent.” Mabagal nitong sabi. Bawat salita ay sinusukat. “Understand that.” Tumango siya agad. “O-Opo…” Saglit siyang tinitigan ni Niccolo. Parang may hinahanap. Parang may binabasa. “Did he make you uncomfortable?” Nanlaki ang mata ni Lhev. “H-Hindi po—” Naputol siya. Hindi niya alam kung bakit. Pero hindi niya kayang magsinungaling nang diretsahan. Tahimik ito kaya lalo siyang kinabahan. “Lhev.” Mas mahina pero mas mabigat. “Medyo po, pasensiya na po kayo kung nakipag-usap ako sa kapatid niyo kanina. Ayaw ko lang pong maging bastos,” amin niya. Halos hindi marinig ang boses niya. Niccolo just breathed a sigh. “Stay away from him.” Diretso. Walang pag-aalinlangan. “Opo.” Agad siyang tumango. “Next time,” dagdag ni Niccolo, “you don’t entertain conversations you don’t understand.” Napayuko siya. “Opo…” Mas mahina. Mas maingat. Sandaling katahimikan ang namayani sa kanila. “Let’s go.” At muli ay naglakad ito. Nakahinga naman nang maluwag ang dalaga. Sumunod si Lhev. Tahimik nga pero mas magulo ang isip. Hindi siya pinagalitan. Hindi siya sinigawan. Pero mas lalo siyang naging conscious. Mas lalo siyang naging maingat. Mas lalo siyang natatakot magkamali. At sa likod ng lahat ay si Niccolo na tahimik lang naglalakad. Pero ang panga ay mahigpit. At ang mata ay malamig. Sa kabilang dulo ng hallway. Nakasandal si Rico sa pader. Parang naghihintay. Ngumiti siya nang makita ang dalawa. Pero hindi na siya lumapit. “Still the same…” mahina niyang bulong. At sa unang pagkakataon. Hindi sigurado si Lhev kung sino ang mas mapanganib. Tahimik ang paligid habang palabas sila ng hotel. Walang nagsasalita. M Walang nagtatangkang magsimula ng usapan. Si Lhev—nakayuko lang, maingat ang bawat hakbang. Hindi niya alam kung saan siya titingin. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Mas lalong hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Niccolo. Pagpasok nila sa sasakyan ay agad na isinara ng driver ang pinto. At doon ay lalong naging malinaw ang katahimikan. Sarado, mabigat. Halos nakakasakal. Mahigpit ang hawak ni Lhev sa clutch niya habang nakaupo sa gilid ng upuan. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya humihinga nang malalim. Parang natatakot siyang makadagdag sa bigat ng hangin. Sa tabi niya ay tahimik si Niccolo. Nakatitig sa labas ng bintana. Hindi gumagalaw at hindi nagsasalita. Lumipas ang ilang minuto o baka segundo lang ay hindi niya sigurado. Pero para kay Lhev parang napakatagal. “Lhev.” Napasinghap siya. “Po?” Hindi agad sumunod ang salita. At iyon ang mas nakakapagpabigat. “Next time…” Mabagal ang boses ni Niccolo. Malalim at kontrolado. “…you don’t sit alone.” Napatigil siya. “Ha?” Hindi siya makatingin. “If I leave you, you stay where I can see you.” Diretso at walang emosyon. Pero may diin. “O-Opo…” Agad siyang tumango kahit hindi siya nakikita. Tahimik na naman. “You’re too easy to approach,” dagdag nito kaya nanlamig siya. “People will take advantage of that.” Bawat salita ay mabagal. Parang pinipili. Napalunok si Lhev. “Opo…” “Especially that imbecile.” Hindi na niya kailangang itanong kung sino. Tahimik ulit pero hindi na kasing blangko. Mas may laman na. Mas personal. “Did you believe him?” Napapikit si Lhev sandali. “H-Hindi po…” “Good.” Isang salita. Pero parang may kung anong bumaba sa balikat niya. “Don’t let anyone speak to you like that.” Napatigil siya. Dahan-dahan siyang napatingin pero agad ding umiwas. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya. “P-Pasensiya na po…” automatic niyang sagot. “And stop apologizing.” Napakagat siya sa labi. “Opo…” Hindi siya sigurado kung tapos na ba. Kung may sasabihin pa ba ito. Kung dapat ba siyang magsalita. “Lhev,” tawag nito ulit nang mas mahina. Pakiramdam ng dalaga ay nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan. “O-Opo…” “Focus on your work.” Saglit na pahinga. “At you’ll be fine.” Tumango siya iyong may diin.. “Opo…” Hindi na ito nagsalita pa. At sa natitirang biyahe ay tahimik ulit ang lahat. Pero ngayon ay mas malinaw kay Lhev ang isang bagay. Na ang katahimikan ni Niccolo ay hindi kawalan ng emosyon. Kundi kontrol. At sa loob ng kontrol na iyon ay may galit. May babala. At may mga salitang hindi kailangang sabihin para maramdaman. Napayuko siya. Mas lalo siyang naging maingat. Mas naging tahimik. Mas naging mapagmasid. Dahil unti-unti niyang nauunawaan na sa mundong pinasok niya. Hindi lahat ng panganib ay maingay. At ang pinaka-delikado ayiyong tahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD