Chapter 7

2072 Words
Mahigpit ang hawak ni Lhev sa maliit niyang clutch habang pababa ng sasakyan. Sa harap niya ay isang napakalaking hotel, punong-puno ng ilaw at mga taong halatang hindi basta-basta. Mga mamahalin ang suot, elegante at halatang nga alta. Siya naman itong hindi makahinga. “Stay close,” mahinang utos ni Niccolo. “O-Opo…” Hindi na siya lumayo pa. Halos dikit na siya sa likod nito habang papasok sila sa loob. Pagpasok pa lang ay para siyang nalula. Crystal chandeliers, mararangyang damit. Mga taong may pangalan. May kapangyarihan. “Mr. Altierre.” Sunod-sunod ang bati sa boss niya. Ngumingiti si Niccolo pero alam ni Lhev na hindi iyon totoong ngiti. “Good evening.” Kalma, kontrolado na parang ibang tao. Tahimik lang siyang nakatayo sa tabi nito at bahagyang nakayuko. Hindi siya nagsasalita at lalong hindi siya sumisingit. Pinagmamasdan lang niya kung paano makipag-usap ang amo niya. Kung paano nito hawakan ang sarili. Kung paano nito kontrolin ang paligid. She was amazed by him. Ramdam niya ang otoridad at antas nito sa ibang businessman. “Niccolo.” Isang boses ang tumawag. Malamig at may halong awtoridad. Napatingin si Lhev sa tumawag dito. At doon niya nakita ang isang lalaking may edad—pormal, matikas, at halatang sanay sa kapangyarihan. Kasama nito ang isang eleganteng babae at isang lalaking halos kasing-edad lang ni Niccolo. “Dad.” Isang salita na walang emosyon. Nanlaki ang mata ni Lhev. Iba pa rin pala kapag nakita niya sa personal ang ama nitong pulitiko. “Hindi ko inaasahang pupunta ka,” saad ng matandang lalaki. “Neither did I,” sagot ni Niccolo at may bahagyang ngiti. Ngiti pero walang init. “Ah…” sumingit ang babae saka pinagmasdan si Lhev mula ulo hanggang paa. “May kasama ka pala.” Napayuko si Lhev at nginitian ito nang tipid. “Magandang gabi po,” bati niya rito. Tinikwasan naman siya ng kilay ng babae. “Assistant ko,” maikling saad ni Niccolo. “Assistant…” ulit ng babae, may bahagyang diin. “You always had interesting choices I may say.” Napahigpit ang hawak ni Lhev sa clutch niya. Hindi siya nagsalita at hindi rin siya tumingin. Pero ramdam niya. Kakaiba ang tinutukoy nito. “Nico,” sabat ng isa pang lalaki, ang kapatid nito. “Still keeping things unconventional? Seems like taste affects genetics too,” he said mockingly. Ramdam na tinutukoy nito ang patay na niyang ina. Ngumiti si Niccolo sa kapatid nito pero sobrang lamig ang mga mata. “I would agree with you, but then we would both be wrong if ever,” sagot niya. Nawala naman ang ngiti sa mukha ng kapatid nito. “Consistency isn’t always a good thing,” saad ng babae na may matamis na ngiti. “Especially when it reflects origins. I think it’s something you should be proud of, Niccolo.” Napasinghap si Lhev. Hindi niya lubos maintindihan pero ramdam niya na may mali. Sa tingin pa lang ng mga ito ay kakaiba na. “Careful,” mahinang sagot ni Niccolo. “You might say something you can’t take back.” Ngumiti ang babae. “Oh, I never say things I don’t mean.” “Of course,” sagot ni Niccolo, kalmado. “That’s why people listen carefully when you speak.” Sandaling katahimikan ang namayani. Ngumiti ang kapatid. “Still sharp, I see.” “Still observant,” balik ni Niccolo. Napapikit si Lhev. Hindi sila nagtataas ng boses. Hindi sila nag-aaway. Pero parang may naglalaban. “Anyway,” saad ng ama, parang walang nangyari. “Enjoy the evening.” “Unfortunately, I had to,” sagot ng binata. Umalis ang mga ito nang nakangiti. Parang normal lang. Parang walang nangyaring kahit ano. Tahimik si Lhev. Hindi siya makagalaw agad. Hindi siya makapagsalita. “Come.” Napalingon siya kay Niccolo. “O-Opo…” Sumunod siya at kagyat na lumayo sila sa crowd. Mas tahimik at mas maluwag. “Sir…” mahina niyang tawag. Huminto ito. “Hmm?” Nag-alangan siya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magtanong. Pero hindi na niya napigilan. “Anak po kayo sa labas?” Halos pabulong, may halong alangan at takot. Tahimik pero hindi agad sumagot si Niccolo. At doon ay mas lalo siyang kinabahan. Napaka-insensitive ng tanong niya. “Sorry po, hindi ko po dapat—” “Yea.” Putol nito. Napayuko siya agad. “Pasensiya na po…” “Don’t ask questions you’re not ready to hear answers to,” sambit nito mahina pero diretso. “Opo.” Tahimik ulit sila pero ilang segundo pa ay nagsalita ulit ang binata. “Does it bother you?” Napatingin siya rito. “H-Ha?” “That I’m not… legitimate.” Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung tama ba ang sasabihin niya. “Lahat naman po yata sa mundong ‘to may dahilan kaya tayo nabuhay. Hindi nagma-matter kung ano ang katayuan ng bawat isa saka…” mahina niyang sagot. Naputol siya. Hindi niya kayang tapusin. Saglit siyang tinitigan ni Niccolo. At sa unang pagkakataon ay may kung anong nagbago sa tingin nito. Hindi ganoon kalamig. Pero hindi rin mainit. “Good answer,” mahina nitong wika. Muling bumalik ang katahimikan. Pero hindi na kasing bigat kanina. Sa kabilang banda ay nakatanaw ang kapatid ni Niccolo. May kasama itong babae. “Tahimik ang assistant niya,” wika nito saka sumimsim sa wine glass niya. “Mas bagay,” sagot ng babae. “Hindi tulad ng iba.” Ngumiti ang lalaki. “Temporary.” Napatingin naman sa gawi nila si Niccolo at ngumiti nang mapang-uyam. Nabulunan naman si Rico at kaagad itong dinaluhan ng babae. “Okay ka lang? What’s wrong?” tanong nito. Galit na naptingin naman ito kay Niccolo na nakatalikod na. “That stupid bastard!” —- Tahimik na nakatayo si Lhev sa tabi ni Niccolo, bahagyang nakatalikod sa karamihan habang hawak ang hawak niyang maliit na clutch. Hindi pa rin siya nakakabawi. Mula kanina, mula sa narinig niya. Hindi niya inaasahan. Hindi niya akalaing ganito ang mundo ng amo niya. Mas magulo, mas masakit, mas nakakatakot. “Relax.” Napasinghap siya nang marinig ang mahina ngunit malinaw na boses ni Niccolo sa tabi niya. “O-Opo…” Hindi siya makatingin. Hindi niya kaya ang mga mata nito. Parang may kung anong gumagapang sa likod niya pataas. “Your grip is too tight.” Napatingin siya sa kamay niya. Namumutla na ang mga daliri niya sa higpit ng pagkakahawak sa clutch. Dahan-dahan niya iyong niluwagan saka nginitian nang alanganin ang binata. “Sorry po…” Hindi ito sumagot. Pero ramdam niyang nakatingin pa rin ito sa kaniya. Sinusuri at tinitimbang. “Niccolo.” Napapikit naman si Lhev at bumalik na naman. Ang parehong boses, mas malapit na ngayon. Napahinto si Lhev. Dahan-dahan siyang napalingon. Nandoon ulit sila. Ang pamilya ng boss niya. Nakatingin sa kanila na parang wala lang. Na parang hindi sila ang kaninang nagpapakawala ng mga salitang may lason. Ngumiti ang babae nang matamis pero malamig. “Hindi ka pa namin lubos na nakakausap.” “Busy,” maikling sagot ni Niccolo. “Of course,” sagot nito. “You always are.” Napahigpit ulit ang hawak ni Lhev sa clutch niya. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makaalis. “At ikaw,” saad ng babae saka tumingin sa kaniya nang dahan-dahan. Nansusukat na naman. “Hindi ka ba napapagod?” Napatigil si Lhev. “P-Po?” “Sa trabaho mo,” dagdag nito. “Mukhang demanding ang boss mo.” Hindi niya alam kung paano sasagot. Napalingon siya sandali kay Niccolo pero hindi ito tumingin sa kaniya. “Hindi po,” mahina na halos hindi marinig. Ngumiti naman ang babae. “Talaga? Mukha kang kinakabahan.” Napalunok naman si Lhev at kagyat na ngumiti. Hindi niya mapigilang hindi kabahan. “First time mo sa ganitong lugar?” sabat ni Rico. Tumango siya. “O-Opo…” “Ah,” mahina nitong tawa. “Understandable.” Sandaling katahimikan. “Hindi lahat sanay sa ganitong klase ng crowd.” May diin at may laman. At doon ay dahan-dahang gumalaw si Niccolo. Isang hakbang papalapit sa gawi nila. Hindi sa kanila kundi papunta sa kaniya. Lumapit ito kay Lhev. Sapat para maramdaman niya ang init ng katawan nito sa tabi niya. Nanigas ang dalaga at hindi siya gumalaw. Hindi siya huminga. “Stay,” mahina nitong sabi sa kaniya kaya sumunod siya. “I chose her,” saad ni Niccolo nang kalmado. Napatingin ang step-mother nito. “Did you?” Ngumiti siya. “Carefully.” Tahimik ang paligid. Pakiramdam ni Lhev ay mabibingi siya sa tensiyon. “Interesting,” sagot nito. “You always did have unique standards.” Hindi agad sumagot si Niccolo. Tumingin ito kay Lhev saglit. At saka muling bumaling sa kanila. “At least I have standards.” Ngumiti pa rin ang babae pero bahagya lang. Halatang nang-iinsulto. “Of course,” saad nito. “I’m just concerned.” Natawa nang pagak si Niccolo. “About?” “About the people you bring into your space.” Napahigpit ang hawak ni Lhev. Pakiramdam niya kasama siya roon. Hindi direkta pero ramdam niya. “Don’t be. Huwag mong pakialaman kung sino ang pinapapasok ko sa circle ko. Whether my friends, colleagues, or employees. Worry about your own. I heard one of your friend was guilty for embezzling conpany funds,” anito at may ibang tono ang boses. Tumikwas naman ang kilay ng matanda. “And what are you trying to say?” asik nito. Nagkibit balikat lang naman si Niccolo at namulsa saka nginitian ang step-mother niya. “That maybe I am better in choosing when it comes to that aspect,” sagot niya. Napatigagal naman ang step mother nito. Sandaling katahimikan. Nagbago ang hangin. Hindi halata sa iba pero para kay Lhev ay ramdam na ramdam niya. “Confident,” sabat ng kapatid nitong si Rico. “As always.” “Required,” sagot ni Niccolo. Napapikit si Lhev sandali. Hindi siya sanay sa ganitong usapan. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng labanan. Pero ramdam niya kung paano siya bahagyang tinabihan ni Niccolo. Hindi siya tinulak sa harap. Hindi siya iniwan. Pero hindi rin siya itinago. Wala siyang balak sumali sa family affairs ng mga ito. Okay na siya sa stress niya sa papa niya sa sabong. Ibang sabong itong sa boss niya. Labanan ng yaman at status. “Anyway,” saad ng babae, muling ngumiti. “Enjoy the night.” “Always do,” sagot ni Niccolo. At tulad kanina ay ngumiti sila. Parang walang nangyari. Pero hindi pa tapos. Ilang sandali pa habang naglalakad sila palayo ay may ilang taong lumapit. Mga bisita. Mga kakilala. “Niccolo, good to see you.” “Likewise.” Parang walang bakas ng kaninang tensyon. Tila ba hindi nakipag-insultuhan kanina. “Who’s the lady?” Napahinto si Lhev at napayuko agad. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung magsasalita ba siya. Ayaw naman niyang sumingit at maging bastos. Lalo pa at mga mayayaman itong kasama nila. Tahimik si Niccolo sa loob ng ilang segundo. At ang bawat segundo ay parang taon para kay Lhev. “My assistant.” Diretso at malinaw. Walang pag-aalinlangan. “Ah,” tango ng lalaki. “She seems… quiet.” “Efficient,” mabilis niyang sagot. Napatingin si Lhev sa sahig. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas lalo siyang naging aware sa lugar niya. Sa posisyon niya. “Good,” saad ng lalaki. “You always pick well.” Ngumiti si Niccolo. “Only what I can use.” Napatigil si Lhev. Parang may kumurot sa dibdib niya. Hindi masakit pero hindi rin magaan. Napaka-straightforward nito. Tahimik lang siya. Hindi siya tumingin. Hindi siya nagsalita. Pero mas lalo siyang naging maingat. Mas naging tahimik. Hindi puwede ang maling galaw. Habang naglalakad sila ay biglang nagsalita si Niccolo. “Don’t listen to them.” Napatingin siya. “H-Ha?” “Focus on your job.” Tumango naman siya. “Opo…” Pero sa loob-loob niya ay hindi niya maiwasang maramdaman. Na sa mundong ito hindi sapat ang pagiging tahimik. Hindi sapat ang pagiging maingat. Dahil kahit wala kang ginagawa ay masasabi pa rin sila. At si Niccolo ay nasa gitna ng mundong iyon. At ngayon kasama na siya. Ito rin ang panahon na dapat mas pag-igihan niya pa ang trabaho. Dapat may matutunan siya sa attitude ng boss niya sa propesyonal na buhay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD