Dion's POV
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi tayo tinatanggap!" Narinig ko ang inis na boses ni Mark habang hawak-hawak nito ang mga requirements. Maski ako hindi ko maiwasan ang magtaka dahil kusang nabubuo ang mga ideya na alam kong posibleng may kinalaman ang aking mga magulang.
"Nakakapagtaka na hindi man lang nila tayo inasikaso... Sa pagkakaalam ko, qualified tayo pero may mali talaga eh..." Biglang napatingin sa akin si Mark. mukhang alam na rin nito ang ibig kong sabihin.
"Sinasabi mo na may kinalaman ang mga magulang natin kung bakit hindi tayo makapasok sa military?" takang tanong nito sa akin. kusa akong napatango habang nagngingitngit ako sa galit.
"Gagawin talaga nila ang lahat para lang pigilan tayo... Kung ang akala nila ay susuko tayo, pwes nagkakamali sila," mariin kong sabi. Nakita ko rin ang determinasyon sa mukha ni Mark.
"Anong plano natin?" tanong nito. Magsasalita na sana ako para sabihin kay Mark na kailangan natin humingi ng tulong pero kaagad namang may isang tao na lumapit at sa hindi inaasahan ay bigla itong nagsalita.
"Gusto niyo bang maging sundalo?" Pareho kaming natigilan ni Mark dahil sa sinabi ng lalaki sa amin. Tiningnan ko ang kabuuan nito hanggang sa mapagtanto ko na tila isa itong alagad ng batas basi sa kasuotan nito. Pero nakakapagtaka pa rin ang pagsulpot nito ng biglaan.
"P-paano niyo po nalaman?–" tanong ni Mark.
"Kanina ko pa kayo tinitingnan... Nakita ko rin kung gaano kayo ka-determinado na maging sundalo... May mali ang lahat ng ginagawa niyo at alam kong dahil 'yon sa impluwensiya ng mga magulang niyo..." Hindi ko akalain na sasabihin iyon ng lalaki sa amin. Nagsimula akong magtaka dahil sa ikinikilos nito.
"Kanina mo pa ba kami sinusundan?" walang gana kong tanong. Ang pagsulpot nito, ang kaalaman nito sa tungkol sa personal na impormasyon namin ni Mark ay sadyang nakakapagtaka. Ang matatalim na titig nito ay hindi makakaligtas sa akin.
"Oo, kanina pa... kaya ko kayong tulungan para makuha niyo ang gusto niyo–"
"At sa tingin mo, maniniwala kami sa sinasabi mo?" nakangisi kong tanong sa lalaki. Una sa lahat, hindi ito ang tipo ng tao na agad madadala ang tiwala ko dahil sa mga sinabi nito at pangalawa, masyadong maraming rason para iwasan nila ito ni Mark at kabilang na doon ang mga motibo nito tungkol sa aming pamilya. Nakakasiguro ako na marami itong alam tungkol sa mga pamilya namin ni Mark kaya mahirap na ang magtiwala.
"Dion, kumalma ka. Malay mo matulungan niya tayo–"
"Mark, 'wag kang padadala sa mga sinasabi niya. Hindi siya ang bumasa ng mga requirements natin. Nakakapagtaka na alam niya ang tungkol sa mga pamilya natin," pahayag ko hahang hindi ko pa rin iniiwas ang aking paningin sa lalaki.
Napansin ko na lamang na tila natigilan si Mark at doon na naisip ang mag sinabi ko. Alam ko na nasa tamang punto ako ng mga sinabi ko.
"Marami ka pang hindi alam, Dion." Pagkatapos nitong magsalita ay saka kami nito iniwan. Pareho kaming natahimik ni Mark. Sa ngayon, hindi namin maiwasan ang mapaisip kung anong ibig sabihin ng lalaking iyon.
Luke's POV
"Ilang taon ka na rin na hindi dumadalaw dito, kuya..." Habang abala ako sa pagtanaw sa paligid ay agad namang naibalik ang aking atensyon kay Jennylyn. ito ang kasama ko ngayon sa pamamasyal.
"Oo nga eh... Pero kahit naman gano'n, hindi pa rin naman nagbago ang lugar na 'to... Sobranf ganda pa rin ng mga bukid," pahayag ko. Nakita ko kay Jennylyn ang pasimpleng pagngiti nito. Noong punta ko dito sa lugar nila ay napaka bata pa nito pero ngayon ay tila nagiging ganap na dalaga na nga ito.
"Magtatagal ka ba dito, kuya Luke?" tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya napaiwas na lamang ako ng tingin at saka iniba ang usapan.
"Sabihin na lang natin na gusto kong makalimot at gusto kong mag relax..." Kasabay ng aking mga sinabi ay ang dahan-dahan kong pagtingin sa gawi ni Jennylyn. kitang-kita ko sa mga mata nito ang kalituhan pero nahalata ko naman na pinili na lamang nito na tumahimik.
Nahayaan ko ang sarili na magsalita ulit.
"Ikaw... baka may boyfriend ka na ha... Isusumbong talaga kita kay tiya Lorna," pagbibiro ko. Natawa naman ako nang makita ko ang pamumutla sa mukha nito.
"W-wala naman po akong b-boyfriend..." Kahit na sinabi nito iyon sa akin ay halata pa rin na nagsisinungaling ito sa sinabi.
"Sigurado ka? mukhang meron, eh!" Ngayon ay mas lalo ko itong kinulit. Bigla namab itong napabungisngis hanggang sa tanungin ko ulit ito.
"Wala po... Pero may gusto po ako. Kaso lang, hindi naman niya ako pinapansin eh." Halata ang lungkot sa boses nito.
"Jennylyn, bata ka pa... Ayos lang naman na magkagusto ka pero 'wag na 'wag mong pababayaan ang pag-aaral mo..." Nakikinig lamang ito sa mga sinasabi ko. Sunod-sunod naman ang pagtango nito.
"Alam ko naman po 'yon, kuya Luke..." Napayuko ito at tila dinaramdam ang katotohanan sa mga sinabi ko.
"Sino ba 'yang mswerteng mokong na 'yan?" Dahil sa sinabi ko ay bigla itong napatingin sa akin hanggang sa mapatawa ito.
"Nasa kabilang barangay pa po siya eh..." Hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa ekspresyon ni Jennylyn.
"'Wag ka na munang mag boyfriend, ha? aral na muna," nakangiti kong sabi sa kaniya. Isang ngiti ang itinugon nito sa akin hanggang sa magsalita ito.
"Opo kuya Luke..."