*Chapter Four*

839 Words
Luke's POV Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito kasakit ang katawan ko. At mas lalo kong iniinda ang sakit sa bandang ibaba ng aking katawan. Pakiramdam ko parang ang hapdi. "Anak, ayos ka lang ba?" Muntikan ko nang malaglag ang sandok nang biglang magsalita si mama mula sa aking likuran. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat isipin. Sumasagi sa isipan ko ang hiwalayan na naganap pero mas lalong nagsusumiksik sa utak ko ang nangyari sa amin no'ng lalaki. "Ayos lang ako, ma... 'wag ka pong mag-alala..." Kahit na iyon ang sabihin ko, alam kong alam ng mama kung anong nararamdaman ko. "Anak, kung kailangang ilabas, 'wag kang matakot na umiyak... Nandito lang naman ako para sa 'yo..." Uminit bigla ang aking mga mata hanggang sa kusa nang nag-unahan ang aking mga luha. Wala akong ibang ginawa kundi ang yumakap kay mama. Hindi ko maalis sa aking isipan si Jake. Minahal ko siya ng sobra at alam ko sa sarili ko na siya lang ang nasa puso ko. "Ma... Wala na po kami ni Jake..." Nang sabihin ko iyon kay mama ay bigla na namang nag-unahan ang mga luha sa aking mata. Ipilit ko man ang sarili ko na ibigay ang lahat ng kailangan para kay Jake, alam kong huli na. Kahit na masakit, alam kong tapos na rin sa wakas ang panggagago niya sa akin. "Alam ko kung gaano mo kamahal si Jake, anak... Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong ibigay ang pagmamahal na iyon sa kaniya... Kailangan mong magdahan-dahan at 'wag kang magmadali para mahanap mo kung sino talaga ang para sa 'yo." Nakikinig lamang ako pero ramdam ko kung saan nanggaggaling si mama. "Bakit kasi ngayon pa na sobrang tagal na namin?... Ma, minahal ko si Jake ng sobra... Ginawa ko ang responsibilidad ko bilang partner niya pero–" "Nak, wala kang kasalanan... 'wag mong isisi ang mga bagay na alam mong siya naman ang may gawa. Intindihin mong mabuti ang sitawasyon... Maski ako na mama mo, ako mismo ay nakakahalata na ikaw lang ang gumagawa ng pagmamahal para sa kaniya. Pero hinayaan kita kasi alam kong doon ka masaya... Dahil alam kong mahal na mahal mo si Jake." Alam kong tama ang lahat ng mga sinabi ni mama pero hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan dahil sa nangyari. "Tama ka, ma. Kailangan ko na talagang tanggapin na hanggang dito na lang kami ni Jake. Mas mabuti na ang ganito..." Walang nating sagot si mama. Masuyo niya akong niyakap hanggang sa mapisil nito ang braso ko. Nagbigay iyon ng kaunting sakit na naging dahilan para mapa-aray ako. "Ayos ka lang ba?" takang tanong ni mama sa akin. Napaiwas ako ng tingin at saka sumagot sa sinabi tanong nito. "Ayos lang po ako, mama..." Doon ko lang naalala na dahilan iyon noong nakaraang gabi na nakipagtalik ako sa isang estranghero. Isa pa iyon sa matindi kong inaalala. Kung kailan bigo ako sa pag-ibig ay doon ko pa nagawa ang isang bagay na sa tanang buhay ko ay hindi ko naman naisip na gawin. Dion's POV "Ano bro, hindi ka ba sasama?" Hindi ko na mabiling kung ilang ulit na iyong tinanong sa akin ni Mark. Nasa kabilang linya ito ng tawag. Isa ito sa mga kaklase ko sa Medicine at batid kong kagaya ko, gusto rin nitong mag sundalo. "Hindi ko alam kung anong magiging desisyon ko sa ngayon, Mark. Ayaw nila mama na mag sundalo ako–" "Eh, ano ngayon? Magpapa apekto ka na lang ba? Pareho nating hindi gusto ang kinukuha natin ngayon. Kahit na anong gawin ng mga magulang ko, itutuloy ko pa rin ang pagsusundalo ko," pahayag nito. Sa kabilang banda, naiintindihan ko si Mark. "Pero bakit gano'n? Kahit na anong gawin kong paliwanag sa pamilya ko, hindi nila ako maintindihan?" Kahit sa pagsasalita ko, ramdam ko ang inis. "Talagang hindi nila maiintindihan dahil hindi naman sila ang nasa sitwasyon mo. Just learn how to deal with it, bro. Sumama ka na lang." Pakiramdam ko ay bigla akong dinalaw ng kaba. Hindi ko maiwasan intindihin ang mga bagay na alam kong nagiging dahilan para mahirapan ako sa sitwasyon ko. "Sasama ako," sabi ko. Sigurado na ako sa desisyon ko. Kahit pa isuko ko ang kinuha kong kurso ngayon, magiging masaya ako para lang maging isang ganap na sundalo. "It settled... Dadaan na ako diyan sa tinutuluyan mo." Pagkatapos nitong magsalita ay saka ko pinatay ang tawag. Ayoko nang pahabain ang usapan. Mas mabuti nang madaliin ko na ang lahat bago pa man makagawa ng hakbang si dad para pigilan ang mga plano ko. Napasandal ako sa headboard ng kama hanggang sa mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Simula nang matapos ang mainit na gabi na iyon, hindi ko na maiwasan na isipin ang mukha ng taong iyon. Hindi ko alam kung bakit lagi kong tinatanong sa sarili ang kung bakit ganoon ko isipin ang taong iyon. Mas lalo lalo akong napapangiti habang inaalala ang mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD