bc

Unrequited

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
fated
friends to lovers
twisted
sweet
humorous
abuse
betrayal
cheating
childhood crush
Neglected
like
intro-logo
Blurb

She was always bullied and nobody can see her

until the most handsome guy became her friend and they grew up together

She grew crushed in his best friend but his best friend chose to be with her elder sister

they were both same page.. beauty and brains

will she choose to be silent and remain her growing crush unrequited?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ryleigh Bata pa lang ako ipinamulat na sa akin ng mga magulang ko ang kaibahan namin ng ate ko. Si Ate Nathalie Decampo, isang huwarang anak at estudyante, palaging nagunguna sa klase at humahakot nang award sa mga beauty pageants na sinasalihan nya. Pero ang katotohanan sa kabila noon ay kailanman hindi naisatinig sa madla. Matagal ko nang alam na anak ako sa labas ng Papa ko, halata naman kasi sa kilos at trato sa akin ni Mama at kahit pa si Ate lalo na kapag nasa loob lang kami ng bahay. Madalas mag-abroad ang mga magulang namin dahil sa business at doon ko masasabing nag-umpisa ang kalbaryo ko bilang anino ni ate. "Ryleigh! Ano ba naman 'to? akala ko ba nag-review ka? Ba't 98/100 lang ang nakuha ko sa algebra!" sigaw sa akin ni ate sabay hampas nya ng test paper sa mukha ko. Wala naman akong magawa kung hindi ang yumuko lang at sundin ang lahat ng utos nya dahil kung sasalungatin ko sya ay matutulog nanaman ako sa basement. Malamig at nakakatakot pa naman doon. "Hindi ko kasi nakuha agad 'yung isang question sa test nyo ate, hindi ko iyon nabasa sa mga notes mo o sa libro nyo ate..." malumanay kong sabi. Kung tutuusin ay advance study na nga ang ginagawa ko dahil hindi pa talaga namin natatalakay ang asignatura ni ate dahil mas mataas ang level nya sa akin. "Ang sabihin mo.. T*nga ka! H'wag kang kakain mamaya!." sigaw nyang muli bago nya nilisan ang kwarto ko. Maaaring nakakapagtaka kung paano nagagawa ni ate na ako ang kumuha nang exam at halos mag-aral para sa kanya, pero posible iyon lalo na't ang pamilya namin ang halos may-ari nang private school na pinapasukan namin dahil isa si Mama sa mga major stock shareholder sa campus kaya naman madali lang kay ate na ma-access ang exam at quizzes. Ako rin ang all-around assistant ni Ate sa tuwing may mga pageant show syang sinasalihan at mga photoshoot sa ilang kilalang magazine. Hindi nya ko pinapakilalang kapatid o kamag-anak, sa madaling salita walang nakakaalam na magkapatid kami ng tanyag na Goddess ng Rosewell High, Nathalie Primrose Decampo. Nakapalumbaba kong pinagmasdan ang paligid habang nasa taas ako ng puno dito sa Rosewell High. Kumalam ang sikmura ko dahil kagabi pa ko hindi kumakain pero kailangan ko munang magtiis kung hindi mabibisto ang modus operandi ko. Dahil sa advance na nga ang mga inaaral ko tumatanggap na din ako ng mga nagpapagawa ng projects at reports sa mga ka-batch nang ate ko. Wala naman nakakaalam na magkapatid kami pero hindi ko pa rin isinasawalang bisa ang pag-iingat dahil ito na lamang ang tataguyod sa kumakalam kong sikmura tuwing tinotopak ang ate ko. Suot ang gray na hoodie at black face mask ay bumaba ako mula sa puno at sinalubong ang lalaking kasing edad ng ate ko at katulad din nyang tamad gumawa ng reports. Ibinigay ko sa kanya ang printed copy at soft copy ng kanyang presentation matapos nyang iabot at mabilang ko ang kanyang bayad. Nagpasalamat sya sa akin na tinanguhan ko lamang. Akala nya yata ay lalaki ako dahil sa itsura nang suot ko dahil nakipag fist bump pa sya sa akin pero hindi ko na lang pinansin at dumiretso na ko paalis sa lugar na iyon. Biglang tumunog ang bell nang school senyales na tapos na ang breaktime. Pino akong napamura sa sarili dahil hindi ko na natantya ang oras at mukhang mahuhuli nanaman ako sa klase. "Cheesecake! Kapag minamalas ka naman e!." usal ko sa sarili at mas pinabilis pa ang pagtakbo ko kahit pa kapusin na ko nang hininga. Dumaan ako sa isang alam kong shortcut at saka mabilisang hinubad ang gray hood jacket ko maging ang loose pants. Mabilis kong inilabas ang blouse sa bag ko at sinuot iyon kasunod ang palda. Huli ko nang napagtanto na hindi lang pala ako ang nasa lugar na iyon. Doon ko sya unang beses nasilayan kahit matagal ko nang nadidinig ang kanyang pangalan lalo na sa mga kababaihan.  "I never thought that I will have a great view in this abandoned site." mayabang nyang sabi sabay paglabas nang dimple nyang malalim dahil sa ngiti nyang mapang-asar o nang aakit?. Gusto ko man syang bulyawan pero naisip kong h'wag na lang mas maganda siguro kung...  "One thousand Five hundred lahat ang halaga nang nakita mo. Mamaya na kita sisingilin dahil may klase pa 'ko" untag ko na lang saka kumaripas muli nang takbo dahil baka hindi na ko umabot sa klase. Laking ginhawa sa akin ang nakaabot ako sa klase at nang matapos iyon ay para akong nabunutan ng tinik. Patay na bata lang naman ako sa section namin, walang tinatawag na kaibigan o kaklase na malapit dahil hindi rin naman ako pala-kaibigan. Wala rin nagtatangkang lumapit dahil weird daw ako, madalas kasing mamula ang mukha ko sa mga simpleng bagay kaya naman kung may kailangan sila sa akin sa halip na Ryleigh ang tawag sa akin ay naging "red" na. Ikinakibit balikat ko ang pang bubully nilang iyon dahil hindi naman ako nasasaktan ng pisikal.  "Red! Ikaw na magtapon ng basura at magsara ng room!." hiyaw sa akin ng kung sinuman pero panigurado naman akong kaklase ko. Tumango lang ako bilang pagtugon at saka ko sinunod ang utos nyang magtapon ng basura.  Nang mailagay ko na iyon sa mga tamang basurahan ay may napansin akong isang pusa, sobrang cute nya at para syang nakapantalon dahil sa black stripe sa dalawang paa at hita nya. Kulay blue pa ang kanyang mga mata kaya naman nilapitan ko ito. Sinubukan ko syang tawagin at nakakatuwang ang amo nya agad sa akin, dinidilaan nya rin ang daliri ko kaya naman tuwang-tuwa talaga ako. Kanino kaya ang pusang ito? Ba't parang ngayon lang kita nakita? "Here's my payment for the live show earlier..."  Napaigtad ako sa pagkakaupo ko dahil sa malalim na boses nyang iyon. Pangalawang beses ko pa lang iyon naririnig pero tila kabisado na sya kaagad ng sistema ko. Iniaabot nya sa akin ang isang kulay blue at dilaw na papel na solusyon ko din sa kumakalam na sikmura at dahil sa iniisip ko na ang mga pagkaing maaari kong mabili dahil doon ay walang habas na umalulong ang tiyan ko. Namula ako sa pagkapahiya... at kung mamula ang mukha ko ay daig ko pa ang nakakain ng sili o wasabe, maputla pa naman ang kulay ng balat ko. "Cute." komento pa nya at hindi ko na iyon kinakaya. Mabilis akong tumayo at hinablot ang bayad nya. Mabilis ko rin kinandado ang classroom namin saka ako kumaripas ng takbo papuntang main gate at sa labas lang noon ay ang tindahan ni Aling Serna na madalas kong utangan nang lunch at paghabilinan ng aking bisekleta. "Nagmamadali ka yata hija? Hindi kita nakita kaninang tanghalian panigurado akong gutom ka na..Halina at ika'y kumain bago yumaon." anyaya nya sa akin kahit anung palusot kong kailangan ko nang umuwi ay napawawalan nya ng bisa ang tanging dahilan ko naman talaga ay baka kasi makita ko nanaman si---- "Dito ka rin pala kakain. Tara sabay na tayo!." nakangiti nyang sabi habang namimilog ang mga chinita kong mata sa gulat. Nakita ko nanaman ang malalim nyang dimple kaya naman naramdaman ko muli ang pamumula nang pisngi ko. "Sinusundan mo ba ko ginoo?" hindi ko na napigilan magtanong dahil hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin kaming nagkaka-enkwentro. "Masyado ka namang pormal Binibini." nagulat ako sa tatas nang kanyang tagalog kahit na ang dark nang accent nya pag nag-iingles. "Natulala ka na naman. Kumain ka na muna saka mo na ko titigan." untag nyang muli at nagpahabol pa nang isang kindat. Narinig ko pa ang mahinang tili ni Aling Serna na waring kinikilig. "Naku! Ganyan kami nagsimula ng asawa ko! Hay nako! mga kabataan nga naman!." nakasilay ang ngiti sa mukha ni Aling Serna habang hinahainan kami ng pagkain. Samantalang ako naumid na ata ang dila ko dahil sa mga pangyayari at kung bakit ayaw akong lubayan nang tinagurian hari ng Rosewell High, walang iba kundi si Phoenix Savier Rosewell.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
76.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook