Isang malakas na sigaw ang bumulabog sa supermarket. Sigaw ng isang lalaking takot na takot at gulat na gulat. Mabuti na lang at nakasikat na ang araw, dahil kung hindi, baka dinumog na sila ng mga halimaw. “Four?! Sino ang batang ‘to?!” sigaw ni Bong nang bumungad sa kanya ang isang maputlang dalagita na nakangiti sa kanya. Nakasuot ito ng maikling maong shorts at kulay berde na T-shirt. Nanlalaki rin ang mga mata nito na tila namamangha sa hitsura niya. Namutla si Bong at muntik pa niyang masuntok ang dalagita nang dahil sa labis na pagkagulat. “Easy ka lang, Bong! Bata ‘yan!” awat naman ni Alden na kababalik lang mula sa pagpapakulo ng tubig. “Tsaka huwag ka ngang maingay! Tulog pa si Brix! “Alam ko! Iyan nga ang ikinagulat ko e! Wala naman kasi tayong ibang kasamang bata bukod kay

