“Sandali lang! Hayaan mo akong magpaliwanag!” pakiusap ni Janine habang binubuksan ang pinto. Nahirapan pa nga siyang buksan iyon, marahil ay dahil sa pagkakabangga. Pagkatapos ay nakataas kamay siyang bumamaba mula sa sasakyan. “Bong huminahon ka!” awat naman ni Four sa kasamahan na talagang nagngingitngit na sa galit. “Huwag mo akong awatin, Four! Nakita mo naman kung ano ang ginawa niya!” “Oo nga! Pero huminahon ka muna!” muling sigaw ni Four. “Sandali lang at titignan ko ang lagay nila Lisa.” Agad na tumakbo si Four para tignan ang nangyari kina Lisa at Alden. Nahirapan din siyang buksan ang pinto at kinailangan pa niyang gumamit ng pwersa. Isang maliit na galos lang ang natamo ni Lisa sa noo. Maaaring nakuha niya iyon nang bumungo ang sasakyan nito sa sinasakyan nila. Si Alden nam

