Tirik na tirik na ang sikat ng araw ang magising sila Alden at Bong. At talagang nanlumo sila sa nakita. Kagaya nila Four, hindi sila makapaniwala sa nangyari sa lugar na itinuturing nilang tahanan at sa mga taong itinuturing nilang pamilya. Maging ang matikas na si Bong ay hindi napigilan ang luha nang makita ang nangyari sa paligid. Ilang minuto ring walang nagsalita sa kanila at lahat ay pinigil ang kani-kanilang pag-aaalala, pagkatakot at pagdadalamhati. Mga delata at mga instant noodles ang karamihan sa mga pagkaing nakita ni Four. At agad niyang inihanda ang mga iyon sa harapan ng mga kasama niya. Katatapos lang din kasi nila ni Lisa maghanda ng mga sandata at pagkaing dadalhin. At balak na nilang umalis, pagkatapos makapagpahinga ng kaunti. Pero lahat ay walang gana at nakatulala

