Pilit na itinayo ni Four ang kanyang sarili. Tiniis niya ang matinding p*******t ng kanyang tagiliran. Tinignan niya ang pwesto ng mga kasama niya at lahat sila ay nasa alanganin. Madali lang silang maaatake kung sakali. Kung kayang gumalaw ng mabilis ng kalaban, siguradong saglit lang an buhay nilang lahat. Alam na ni Four na sa lakas na mayroon siya ngayon, hindi niya matatalo ang kalaban. At hindi niya alam kung mapoprotektahan niya ang kanyang mga kaibigan. Mula sa likod ng isang malaking puno ay nagsimula ng magpaputok ng baril si Lisa at si Bong. Ilang beses tinamaan ang lalaki na dahan-dahan lang na naglalakad kay Four. Pero ni hindi ito nasaktan o natinag man lang ng mga bala. Napatamaan pa ito sa noo ng tatlong beses, pero talagang walang epekto ang bala rito. Nayuyupi lang ang

