Tumalon si Bernard at direktang umatake kay Four na hindi pa rin nakakabangon at gamit ang matatalas na mga kuko ay nagpaulan si Bernard ng pag-atake. Walang magawa si Four kundi ang protektahan ang sarili. Sa lakas, talas at bilis ng pag-atakeng ginagawa ng kalaban ay alam niyang may kalalagyan siya sa oras na mapuruhan siya nito. Bawat atake ng kalaban kay Four ay may kaakibat na parang maliliit na kidlat kaya naman sa isang pag-atake nito, kahit hindi tumama ay nasusugatan si Four. Walang magawa ang mga balahibo sa kanyang braso, sadyang niya ka-lebel ang halimaw na nasa harapan niya ngayon. Talagang napakalakas nito. “Pagsalag lang ba ang kaya mong gawin?!” pagyayabang ni Bernard na biglang tumigil sa pag-atake. Binuksan ni Four ang kanyang depensa, dahil na rin sa sakit na nararamd

