Isang nakakakilabot na tawa ang umalingawngaw sa paligid. Tawa ni Bernard na tuwang-tuwa habang pinagmamasdana niya ang gulat na gulat na ekspresyon sa mga mukha nila Four. Sino ba naman kasing mag-aakala na ang isang nilalang ay mayroong dalawang puso? Isa pa, hindi maganda ang naging epekto kay Four ng tinanggap na pinsala mula sa kinalabang halimaw. Lalong lumiit ang tyansa na matalo ni Four si Bernard, at lumabo na rin ang pag-asa nila na makaligtas sa nakakatakot na nilalang. Kailangang makaisip ni Four ng paraan para manalo, pero kakaiba na ang sakit na nararamdaman niya at hindi niya nararamdaman na gumagaling ang mga pinsala sa katawan na natamo niya. Isang patunay na hindi pangkaraniwang kalaban si Bernard. Tumigil sa pagtawa si Bernard at pagkatapos ay nakangiti niyang tinignan

