Dahan-dahang ipinikit ni Four ang mga mata ni Bernard gamit ang kanyang palad. Naging panganib man sa buhay nila ang lalaki, alam ni Four na may dahilan ito sa kanyang mga ginawa. Sa mga huling salita nito, naisip ni Four na marahil ay nangungulila lang ang lalaki sa kanyang mga kasama. At dahil doon ay kinain na rin ito ng galit, poot at pagnanasa na makapaghiganti. At siguradong ginamit ng Conqueror ang damdamin nito, para mahawakan nila sa leeg ang lalaki. Habang mas naiintindihan ni Four ang nais mangyari ng nasabing organisasyon, ay mas lumalalim din ang galit niya rito. Napansin ni Four na napatitig sa kanya sila Bong. Unti-unti na rin kasing bumabalik sa normal ang kanyang katawan. Halata sa mga kasamahan ang takot habang pinapanood iyon. Pero ni wala sa mga ito ang nagsalita. At

