Patuloy pa rin ang napakalakas na ulan. Halos hindi na maramdaman ni Four ang kanyang mga binti at braso. Gusto niyang tumayo at pigilan ang mga taong-palaka, pero ayaw sumunod ng katawan niya sa kanya. Naririnig niya ang mga ito na nag-uusap sa kung ano ang dapat gawin sa kanya at sa kung sino sa mga kasama niya ang dapat nilang unahin na kainin. Hindi siya makapaniwala na wala na siyang magagawa para iligtas ang sarili at ang kanyang mga kasama. Sinisisi niya ang sarili dahil sa kanyang pagiging pabaya. Pakiramdam ni Four ay gumuguhit sa mga ugat niya ang lason at parang tinutunaw nito ang pisikal na kabuuan niya. Pinilit niyang labanan ang sakit, pero wala siyang magawa kundi ang sumigaw ng sumigaw, habang ang mga taong-palaka naman ay nakaka-insultong pinagtatawanan pa siya. At maya

