Chapter IX

2877 Words
“Ang tawag sa proyektong ito ay Reficere, na ang ibig sabihin ay restore o baguhin,” pasimula ni Carlito. “Matagal ng nagsimula ang proyekto sa underground world. At kasama na rin sa mga plano ng Conqueror ang tatlong virus na kumalat sa buong mundo. Alam ko iyon dahil isa rin ako sa mga bumuo ng mga virus na iyon. At kahit na sabihin nila ang gusto nila ay baguhin ang mundo para mapabuti ito, ay alam kong hindi iyong totoo. Dahil ang gusto lang nila ay kapangyarihan para makontrol ang mga tao. At nagtagumpay ang una nilang plano.” Seryosong nakinig si Four sa mga sinasabi ni Carlito. Pamilyar din kasi sa kanya ang pangalan ng grupo na Conqueror, ganun din ang salitang Reficere. Sigurado siyang narinig na niya ang mga salitang ‘yon dati. At nagbabakasakali siya na baka may makita siyang palatandaan kung sino talaga siya sa mga sasabihin ni Carlito. Makikita naman sa mga kasama niya ang inis nang marinig ang tungkol sa mga sakit. Habang nagkukwento si Carlito ay gumawa ng panibagong apoy si Bong at si Alfred. Hindi kasi gaanong umaabot ang liwanag sa pwestong iyon ni Carlito, halos hindi na sila magkakitaan. Ayaw din naman ng lalaki umalis sa sulok na kinauupuan nito. “Ayon sa mga narinig ko, ang Dragonica Family ang isa sa mga nagpasimula nito. Pero hindi nagtagal ay kumalas din sila organisasyong iyon. Kung bakit? Hindi ko alam,” patuloy ni Carlito na sumulyap kay Four. Nakita iyon ni Four, pero hindi siya nagsalita. Pero kanina pa niya nararamdaman na may kinalaman ang Dragonica Family sa kanya, o may kinalaman siya dito. “Nang kumalas ang Dragonica, naiwan sa Conqueror ang kanang kamay ng ikatlong boss nila. Ang matalino at walang-awang pumutay na si Nigel. Nigel Domingo.” Isang pamilyar na pangalan uli iyon para kay Four. Muli siyang nag-isip at sa pagkakataong ito ay may nakita siyang larawan sa kanyang isipan. Isang matangkad na lalaki na naka-suot ng salamin pang-araw. May kulay abo na buhok at makapal na begote ito. Nang pumasok sa isipan ni Four ang hitsura noon ay agad niya iyong sinabi kay Carlito. At sa nagulat ang lahat dahil tama ang paglalarawan ni Four. Nagkatinginan silang lahat maliban kay Four. Nag-aalala silang unti-unti ng bumabalik ang alaala ng malupit at marahas na si Tyrant Four. “Ang sabi mo kanina, gusto nilang baguhin ang mundo. Kung gayon, para saan ang pagsabog? Paano nila babaguhin ang mundo kung mamamatay ang lahat ng nandito?” seryosong tanong ni Four. At muli, lahat ng atensyon ay napunta sa kanya, at pagkatapos ay kay Carlito. Masyadong matalim ang tingin ni Four kay Carlito. Kaya naman nangatog muli ang lalaki at kinailangang uminom muli ng tubig. Agad din niyang iniwas ang mga mata sa tila galit na binata at itinuon na lamang ang tingin sa sahig. “Ang tawag sa pagsabog na ‘yon ay Reficere Explosion,” panimula ni Carlito na tumawag sa atensyon ng lahat. Hindi lang iyon basta lang isang bomba. Ang sentro ng pagsabog na iyon ay nasa pinaka-dulo ng Luzon. Sa isang artipisyal na isla na ginawa nila. Sakop ng pagsabog ang buong bansa at ang layunin no’n ay hindi ang pumatay. Kung hindi para malaman kung sino ang mabubuhay. Isa pa, hindi lang sa Pilipinas naganap ang pagsabog, Nangyari ‘yon sa iba’t-ibang lugar ng sabay-sabay.” Napakunoot noon ang lahat ng nakikinig sa kanya. Hindi nila akalain na gano’n iyon kalala. Pero walang nagsalita. Hinintay nila ang sunod na sasabihin ng kasama. Huminga ng malalim si Carlito at inuunat ang kanyang mga binti. Sandali siyang tumigil at tumingala sa malawak na kisame ng supermarket. Nang bigla siyang nanginig sa takot nang parang may biglang pumasok sa kanyang isipan. “Ayaw ko ng ituloy. Natatakot ako,” sabi niya sabay hawak sa dibdib kung saan nakakabit ang microchip. Lumakas ang panginginig niya at muli siyang naiyak. “Sumisikip ang dibdib ko. Natatakot ako, na baka naririnig nila ako. Papatayin nila ako!” Hindi nagustuhan ni Four ang sinabing iyon ni Carlito. At pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. Tumayo siya at kinuha niya ang hawak na baril ni Alden. Hindi iyon ibinigay kaagad ni Alden ngunit nakita niya ang nanlilisik na mga mata ni Four at hindi niya iyon kinaya. Pagkakuha ng baril ay kaagad na itinutok iyon ni Four sa ulo ni Carlito. Tumigil siya saglit, tinignan kung may bala iyon at pagkatapos ay muli iyong itinutok sa ngayon ay takot na takot ng lalaki. Nagulat sila Lisa at Bong sa ginawa ni Four. “Four! Anong ginagawa mo?!” malakas na sigaw ni Lisa. Susugod sana si Bong para awatin si Four pero bago siya makalapit dito ay itunutok sa kanya ni Four ang mahabang baril. At halos nagsalubong ang dulo noon at ang ilong niya. “Huwag kayong makialam. Kung ayaw ninyong madamay!” madiin na sabi ni Four. Walang nagawa si Bong kundi ang umurong. At wala ni isa sa kanila ang nagtangkang lumapit muli. Pagktapos ay ibinalik ni Four ang pagkakatutok ng baril sa ulo ni Carlito. “Natatakot kang mamatay? Ngayon mamili ka. Mamamatay ka na sinabi mo ang lahat, o dadalhin mo ang lahat ng sekretong iyan sa hukay?!” “Four! Huwag mong daanin sa ganyan. Kausapin natin siya ng maayos!” sigaw ni Lisa. “Kasama natin siya!” “Lahat ng mga pangalan at mga salitang binanggit niya. Dragonica, Reficere, at ang pangalang Nigel Domingo! Lahat ng iyon ay pamilyar sa akin! Alam ko rin ang hitsura ng Nigel na ‘yan, pero hindi ko siya kilala! Sigurado akong, ang nalalaman niya ang susi sa lahat ng gusto kong malaman! Tapos ganito ang gagawin niya?!” “Pero Four!” tutol ni Lisa sa mga sinabi ni Four, kahit na sa loob-loob niya ay naiintindihan niya ang binata. Nakita ni Four ang pag-aalala ni Lisa. Pero hindi niya alam kung saan ito nag-aalala. Kung kay Carlito ba o sa pagbalik ng kanyang mga alaala. Pakiramdam niya ngayon, pinipigilan siya ni Lisa na maibalik ang kanyang alaala. Hindi na nakinig si Four kay Lisa. Mas idiniin niya sa ulo ni Carlito ang baril. Walang magawa ang iba pa nilang kasama, kundi ang sumigaw. Muling tinanong ni Four si Carlito, at ipinuwesto na niya ang kanyang hintuturo sa gatilyo. “Oo na! Magsasalita na ‘ko! Please! Ilayo mo ‘yan sa akin!” umiiyak na pagmamakaawa ni Carlito. Kaagad namang ginawa iyon ni Four at pagktapos ay bigla siyang bumagsak sa sahig. May malay siya, ngunit pakiramdam niya ay nanghihina siya. Umusok din ang katawan niya sa hindi malamang kadahilanan. At pagkatapos ay bigla siyang umiyak. “Patawad! Gusto ko lang naman, malaman ang lahat! Pakiusap, Carlito! Huwag mong ipagkait sa amin ang nalalaman mo! Para din ito sa ating lahat!” mahina ngunit mapwersang sabi ni Four. Inalalayan si Four ni Lisa na makaupo at pagkatapos ay inilayo nila dito ang mga sandata. Nagulat man ang dalaga sa ipinakita ni Four ay hindi na niya iyon pinansin pa. Natatakot siya, pero sa loob-loob niya ang naiintindihan niya ito. Binalaan ni Lisa si Four na kung gagawa uli ito ng gano’n ay itatali nila ‘to. Tumango naman si Four bilang tugon doon. Sadyang magulo lang ang isip niya ng dahil sa mga nangyayari at naririnig. “Kung totoo mang pinaghahanap ka ng Conqueror, puwes, tama si Four,” sabi ni Bong. “Pumili ka na kung mamamatay ka na dala ang mga sekreto o ibabahagi mo sa amin ang mga ito.” Tumigil si Carlito at umiyak. “Natatakot talaga ako, at ayaw kong mamatay. Lalo na sa mga kamay nila. Pero ayaw ko ring dalhin ang bigat ng nararamdaman kong ito, habang buhay. Matagal ko ng pinag-isipan kung sasabihin ko sa inyo ang totoo. Pero hanggang ngayon, ay nag-aalangan ako! Pero sa tagal ng pinagsamahan natin, natutuhan ko sa inyo, na lagi kong dapat gawin ang tama. Kaya sa pagkakataong ito ay iyon ang gagawin ko!” Mula sa kanyang bulsa ay may kinuha si Carlito. Isa iyong pakete ng sigarilyo na kinuha niya kanina. Tumayo siya. Binuksan iyon at nagsindi ng isang stick sa apoy na ginawa ni Bong. At ngumiti siya ng maibuga niya ang unang usok, na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan. “Ayon sa pag-aaral namin, na inabot ng ilang taon, ang mga tao ang nahahati sa iba’t-ibang kategorya base sa ganda at lakas ng kanilang genes.. At ang mga kategoryang iyon, ang magsasabi kung gaano talaga kapaki-pakinabang ang isang tao. Weak, Ordinary, Special, Ultra-Special at Class S, iyan ang limang kategorya. Maraming buhay ang iniaalay para lang malaman ito,” sabi ni Carlito pagkatapos humitit ng sigarilyo. Muli siyang umupo sa sulok kung saan siya nakapwesto kanina. “Anong kinalaman ng pagsabog d’yan?” tanong ni Lisa. Muling humitit ng sigarilyo si Carlito. Pumikit siya at ninamnam niya muna ng husto ang usok bago ito tuluyang ibuga. At pagkatapos ay nagbuntong-hininga siya. Hinawakan niya ang dibdib bago muling nagsalita. “Ang pagsabog ay nagdala ng matinding radiation. Tatlo beses na mas malakas sa nuclear bomb at atomic bomb, at may kasama itong mataas na porsyento ng gamma rays, cosmic rays at ultra-violet rays. Ang tatlong ‘yan ang stimuli para mag-activate ang full potential ng mga cells at tissues ng isang tao sa kanyang katawan. At ang uri ng genes ng isang tao ang magdidikta kung makakaligtas siya sa pagsabog na iyon.” “Parang sa mga pelikula?” sabat ni Alden na umupo na rin sa sahig. “Oo. Parang gano’n na nga,” nakapikit at nakatingalang sagot ni Carlito. “Kung gano’n, bakit napakaraming namatay? Paano mo ipapaliwanag ang mga kalansay na nasa mga kalsada. At bakit, buhay tayo?” “Ang mga kalansay na nasa kalsada, sila ang may mga Weak genes. Hindi kinaya ng katawan nila ang pagsabog, at kaagad silang namatay at buto na lamang ang natira sa kanila. Ang may mga ordinary genes, sila naman ang hindi naapektuhan. Pero siguradong ang iba sa kanila ay namatay naman dahil sa aksidente na dala ng pagsabog, gutom at kung anu-ano pa. Special, ito naman ang mga taong nag-mutate ng dahil sa mga rays na tumama sa kanila. Masyadong naging active ang tissues at cells nila. At ang halimaw na nasa harapan natin ngayon, ang isang halimabawa nito. Wala na rin silang kontrol sa sarili nila tuwing gabi o walang liwanag.” “Kung gano’n, mga tao ang mga halimaw na nakalaban natin?” “Oo!” Tumahimik ang paligid. Nanlumo sila nang marinig iyon. Hindi nila akalain na mga tao ang mga napatay nila. “Ituloy mo,” biglang sabi ni Four na bumasag sa katahimikan. “Si Four ang halimbawa ng isang ultra-special. Walang pagbabago sa kanya, pero may pagbabago sa kayang gawin ng pisikal niyang katawan. At ang Class-S. Pasensya na pero wala talaga akong alam sa mga Class. Dahil sa dami ng eksperimentong ginawa namin, wala pa kaming nakitang Class-S.” Hindi man gano’n kalinaw para kina Four ay nagka-ideya na sila kung ano ang totoong nangyari sa mundo. At ang ilan sa mga tanong nila ay nasagot na kahit papaano. Ilang minuto rin na walang nagsalita sa kanila. Kanya-kanya sila ng iniisip. Kanya-kanya ng mga ideya. Kanya-kanya ng pagsisisi. Pero para kay Four, ay napakarami pa niyang kailangang saguting tanong. Kailangan niyang malaman, kung may kinalaman siya sa Dragonica, sa Conqueror at sa mga plano nito. “Lahat kayo, lahat kayo ay namatay. At dahil sa mga genes ninyo, kaya kayo nabuhay uli.” Muling nabigla ang mga nakikinig at napatingin sila sa mga katawan nila. At nangilabot sa sinabing iyon ni Carlito. “Kayo? Bakit? Bakit hindi ka ba kasama? Hindi ka namatay?” “Protektado mula sa pagsabog at lahat ng kasama nito ang lugar ng Conqueror. Tumakas lang ako, dalawang araw, pagkatapos ng pagsabog. Hindi ko na kasi kinaya ang mga ipinapagawa nila sa amin. Hindi ko na kayang mag-sakripisyo ng buhay para sa walang kwentang layunin.” “Kung gano’n, kailangang matapos ang kahibangan nila,” biglang sabi ni Alden. “Imposible ‘yan. Napapaligiran ng napakaraming tauhan at mga makabagong sandata ang daan papunta sa kanila. Hindi ka makakatungtong ni sa tarangkahan ng mismong base nila.” Muling tumahimik ang lahat. Tumayo si Four at humingi ng tawad kay Carlito. Hindi naman nagsalita ang isa, tumahimik na lang siya at mas nagsiksik lang sa sulok. Natapos ang usapang iyon sa isang nakabibinging katahimikan. At pakiramdam, ng kawalang pag-asa. Isa-isang tumayo at umalis sila Four. Nagkanya-kanya na sila ng pwesto para magpahinga. Wala na talagang nagsalita at iniwan na lang nila si Carlito sa sulok na iyon. Pero kagaya ng dati, hindi nakakaramdam ng antok si Four. Pakiramdam niya ay bumalik na ng husto ang lakas niya. Wala na rin ang mga galos na sanhi ng labanan kanina. Parang walang nangyari sa kanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay hindi na siya nakakaramdam ng labis na takot. Ang totoo, ay kanina pa niya iyon napansin. Pero mas naramdaman niya ito ngayong nag-iisa lang siya. Hindi kagaya ng dati na sa simpleng pag-iisip lang ay nakakaramdam siya ng pag-aalala. Ngayon ay mas malinaw na rin siyang siyang nakakapag-isip. Muling pinag-isipan ni Four ang mga narinig niya mula kay Carlito at sa iba pa niyang mga kasama. Ilang beses niyang narinig ang pangalan ng grupo na Dagonica, at may kung may ano siyang nararamdaman tuwing naririnig o naiisip niya iyon. Hindi rin niya maintindihan kung bakit nang marinig niya ang pangalang Nigel Domingo ay kumulo ang dugo niya. Naisip rin niya ang kaugnayan nito sa kanya, lalo na at magkapareho sila ng apelyido. Pero lumipas na lang ang mga oras at talagang wala siyang natandaan. Nararamdaman din niyang may alam sila Lisa sa totoong katauhan niya, at may kakaiba ring kiliti sa tainga niya tuwing naririnig niya ang pangalang Tyrant Four. Pero kahit gano’n ay ayaw na niyang tanungin pa si Lisa. Payapang lumipas ang gabi. Nakatulog ang lahat ng maayos maliban kay Four. At dahil sa hindi nakatulog ay binantayan na lang niya ang mga kasama. Binantayan niyang apoy para hindi ito mamatay. Naisipan din niyang kumuha ng mga gamot. Naisip niyang baka kailanganin nila iyon, lalo at lumalamig na ang panahon. Pagbalik ni Four ay gising na si Alfred at ang mga kasama nito. Nag-aayos na sila ng kanilang mga sarili para kumuha ng makakain at makapag-biyahe. Kailangan na rin kasi nilang bumalik sa kanila. “Alfred.” tawag ni Four sa binata na agad namang tumingin sa kanya. “Damihan na ninyo ang lahat makukuha ninyo. Lalo na ‘yong mga matagal pa ng masira.” Sandaling natulala si Alfred kay Four. At hindi iyon maintindihan ni Four. “Bakit, parang naiilang ka sa akin?” “Wa-wala… Bilib lang ako sa ipinakita mo sa kagabi,” pagdadahilang ni Alfred. “Gusto kong magpasalamat dahil hindi ninyo kami pinabayaan na lang sa labas. Kahit na, hindi naging maganda ang una nating pagkikita.” “Kalimutan mo na ‘yon. Ikinalulungkot din namin ang nangyari sa mga kasama mo.” Hindi na sumugot si Alfred. Sa halip ay yumuko na lamang ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin sila Lisa at ang iba pa. Gano’n din si Carlito na mukhang mas maayos na ang hitsura sa ngayon. “Muli. Salamat sa tulong ninyo. Kung gusto ninyo, sumama na kayo sa amin. Maganda ang taguan namin at matibay. Siguradong magiging ligtas kayo doon, at magiging malakas ang pwersa natin.” anyaya ni Alfred kina Four. Ngumiti si Four sa kaniya. “Pasensya ka na, at salamat sa alok. Pero may mga kasamahan din kaming naghihintay sa pagbabalik namin.” Napangiti naman si Lisa sa sinabing iyon ni Four. “Gano’n ba? Ayos lang,” sagot ni Alfred sabay hugot ng nakayuping papel mula sa kanyang bulsa. Inabot niya iyon kay Four at agad iyong binuksang ng binata. May isang mapa na naka-guhit doon at address. “Iyan ang lugar namin. Tatanggapin namin kayo doon. Masaya kami na nakakita kami ng mga nakaligtas sa pagsabog na iyon at kahit papaano ay nalinwanagan kami sa mga nangyari.” “Maaari sana, kung makakagamit kami ng mga sasakyan. Pero sa lugar namin, halos lahat ng daanan ay natabunan na ng mga bato.” Nagbuntong-hininga si Alfred at tumango, “Ano na pa lang ang balak ninyo?” tanong ni Four. “Lalo na at alam na ninyo ang lahat ng nangyari?” “Hindi ko alam. Siguro, uuwi muna kami. At saka kami gagawa ng plano.” “Sige. Maganda iyon. Mag-iingat kayo.” Iniabot ni Four ang kanang kamay niya kay Alfred at gano’n din naman ang ginawa ng isa. Muling humingi ng tawad sila Alfred at ang mga kasama nito kina Lisa, at pagkatapos ay nagsimula na sila sa pagkuha ng kanilang makakain. Sila Four naman ay sinimulan ng itulak ang mga kariton na pinuno nila ng mga pagkain. Bago tuluyang iwan ang lugar ay napalingon pa si Four sa bangkay ng halimaw na tinakpan nila. “Huwag kang mag-alala. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo. Paalam,” sabi niya at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa pagtutulak. At hindi na siya lumingon pang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD