Isang malinaw at napakagandang bahaghari ang bumungad kay Four mula sa isang malaking bintana nang idilat niya ang kanyang mga mata. Nasa tabi niya si Brix na napakasarap pa ng tulog. Dahan-dahan siyang bumangon at kaagad niyang napansin na wala siyang ni isang saplot, at na nababalot lang siya ng kumot. Inilibot niya ang kanyang mga mata. Nasa loob sila ng isang malaking kwarto, sa loob ng isang gusali. Wala siyang nararamdamang kahit ano, ang totoo niyan ay pakiramdam niya, napakalakas niya. Inisip niya kung ano ang nangyari at nakaramdam siya ng inis at lungkot nang maaalala ang mga taong-palaka. Nalulungkot siya dahil hindi man lang niya naitanong ang pangalan ng mga nilalang na nagbigay ng mga impormasyon sa kanya. Nagulat si Four nang may mga damit na bumagsak sa harapan niya. Isang

