Advance Merry Christmas everyone :-) ---------------------------------------- Kabanata 10 Boldly Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang papasok sa apartment. Hindi mapigilan ang sarili na lumuha habang paulit-ulit na pumapasok sa pandinig ko ang boses nila kanina. Sino 'yun? S-sino ang babaeng iyon? Bakit sila magkasama ni Vizier? At bakit ang tawag ng babae sa kanya ay babe? B-bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sikip, ang sakit at hindi ako makahinga ng maayos. Bakit ako umiiyak ngayon? Ano 'to? Nasasaktan ba ako kasi nakita ko siyang may kasamang ibang babae? O, nasasaktan ako kasi nagseselos ako? Bakit naman? Mahal ko ba siya? May nararamdaman na ba ako sa kanya? Ano? Bakit ganito? Bakit hindi ako makahinga ng maayos? At bakit patuloy na tumutulo ang luha ko sa mata?

