“PUKAY . . . Pukay . . . wake up.” Pupungas-pungas akong nagmulat ng aking mga mata. “Good morning,” bati ko, pero antok na antok pa rin talaga ako. “Good morning.” Hinalik-halikan ako sa labi ni Lowi. Buti pa siya, bagong ligo na, presko at mabango na ulit ang hininga, pero ako ito—naliligo pa sa panis na laway. Ang ganda naman ng gising ko. G’wapong mukha ni Lowi ang una kong nakita. Tumingin ako sa wall clock, alas-sais pa lang naman ng umaga kaya nakasimangot ako. “Gusto ko pang matulog,” reklamo ko, akma na akong iidlip ulit, pero bigla kong naalala na may pasok nga pala ako. Shit! May trabaho nga pala ako. “Akala ko ba gusto mong magtrabaho? E, bakit ang tamad mong bumangon? Hmmm . . .” Bigla akong tinabihan ni Lowi sa kama. Paano siya nakapasok sa k’warto ko? S’yempre bahay n

